Chapter 14

8 0 0
                                    

Can't Hide my Feelings any longer

Nagtatawanan pa rin ang magkakaibigang Erlinda, Valerie at Trina kahit na nakasakay na ito sa bus pauwi. Nagpahabol pa kasi ng kaengotan si Mel bago sila matapos kumain, nagbiru na naman ito ng nagbiro habang binabara nila.

“Nakakatawa talaga yang si Mel n0h, ang sakit na ng tiyan ko kanina sa kakatawa tapos ginatungan pa ng ginatungan nila Alex” halos mahulog naman sa kanyang upuan si Erlinda habang nagkukuwento.

“Hay naku sinabi mo pa, atleast hindi boring yung grupo natin di ba Valerie” dagdag pa ni Trina na tumingin kay Valerie

“Oo naman, kaya lang alam nyo ba nainis talaga ko kanina kay girlush na yan(Vanessa)” bigla namang sumimangot ang kanina ay nakangiting mukha ni Valerie. Ganito ang laging reaksyon ng babae kapag si Vanessa na ang pinag uusapan samantalang si Trina naman kahit naiinis din ay hindi na lamang nito ipinahahalata sa mga kasama ang inis, ayaw kasi nitong pag isipan ng kung ano man ang magiging reaksyon nya pagdating sa babae lalo na’t magkaedad lamang sila hindi gaya ng mga kaibigan nitong sina Erlinda at velerie na may mga anak na kaya parang nagiging past time na lamang nila na pagusapan ang babae dahil sa kalandian nito pagdating kayAlex.

“Tama ka dyan girl, grabe nilalandi na naman si Alex. Ang hindi ko lang maintindihan bakit nya nilalandi yung tao kung may boyfriend naman sya. Kawawa naman tuloy tong si Trina naten” pambubuyo ni Erlinda na tumingin pa kay Trina

“Teka paano naman ako nasama sa isyung yan Erlinda ha?” gulat na tanong ni Trina at napailing pa ito dahil sa hindi nyamawari ang gustong ipahiwatig ng kaibigan.

“Hay naku ano ka ba Trina, kawawa ka kasi inaagaw nya sayo si Alex di ba Erlinda?”

“Tama ka girl kasi naman Trina mas bagay kayong dalawa ni Alex  kaysa sa kay girlush na yun na parang linta kung dumikit kay Alex mo”

“h-ha ano ba yang pinagsasabi nyo, k-kami ni Alex?”

“At bakit hindi? Sa grupo nating mga passers kayong dalawa lang ni Alex ang single at isa pa akala mo ba hindi ko napapansin yang mga ligaw tingin mo kay Alex ha Trina, pati na rin kung pano kayo mag usap na dalawa kung kayong dalawa lang at kapag magkakasama tayo at nagbibiruan.” Nagulat si Trina sa mga sinabing iyon ni Valerie na ngayon ay pinandidilatan pa sya ng mata na para bang principal at pinagsasabihan sya ng mali nitong ginawa sa school.

“eto nalang para malinaw, may gusto ka ba kay Alex Trina? Yung totoo bawal magsinungaling kasi kapag nagsinungaling ka mapapanaginipan mo si Mel mamaya” sa halip na kabahan ay natawa pa ang babae sa tanong na iyun ni Erlinda dahil sa pagkakadawit ni Mel sa usapan. Ganito sila mag usap minsan ay bigla nalang nilang isinasali si Mel sa usapan dahil marinig palang nila ang pangalan nito ay talagang natatawa na sila lalo na kapag magkakasama pa ang grupo nilang passers.

“e-ewan ko, hindi ko alam I mean…” naging seryoso naman ang dalawa na nakatutok sakanya habang nagsasalita ito at nag aabang ng kung ano ang pwedeng sabihin nito. Hanggang sa hindi na nagpaligoy ligoy pa si Trina sa kung ano man ang nararamdaman nya hinggil kay Alex na maging sya ay nalilito na rin. Isa pa naisip rin ng dalagang siguro ay ito na rin ang tamang panahon para sabihin nya sa mga kaibigan ang saloobin tungkol sa lalaki dahil bukod sa malalapit na kaibigan nya ito ay sila rin ang nakakakilala pa kay Alex na kaibigan rin nila.

” sige na nga hindi na ako maglilihim sa inyo girls kasi kahit ako nalilito rin kung ano nga ba tong nararamdaman ko kay Alex. Anyway, ganito kasi yun dati nung nagsisimula palang ang training natin naiinis talaga ako sakanya dahil sa kayabangan at kapreskuhan nya lalo na nung naging first partner ko siya, head over heels yung kayabangan. Pero habang tumatagal unti-unti nagbago yung tingin ko sakanya, until na-realized ko na mali pala ang pagkakakilala ko sakanya kasi mabait pala talaga siya at oo nagyayabang siya pero yung yabang niya hindi naman pala nakaka offend talaga  at aaminin ko matulungin din siya lalo na kapag nagkakaproblema ako sa mga calls ko. Hanggang sa lagi ko na siyang naiisip at kinakabahan pa nga ako kapag nakikita ko siya lalo na kaninang katabi ko pa siya, parang bulkang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.” Bumuntung hininga ito at nagpatuloy sa pagsasalita. “ And speaking of girlush alam niyo bang hindi ko lang pinahahalata pero naiinis talaga ako sakanya kapag nilalandi niya si Alex, at the same time nalulungkot din ako kasi feeling ko ok lang naman kay Alex kapag nilalandi siya ni Vanessa.”

NOWHERE TO HIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon