CHAPTER 3

1.7K 58 3
                                    

CARMELA POV.

''FRIEND BUKAS na ang alis natin, ready ka na ba?''
tanong ni Jamae sa kanya. Kasalukuyan silang na sa pabrika nang mga sapatos. Nagbibilin kasi sila sa mga tauhan nila dahil mawawala sila ng isang lingo.

'' Yes! Super excited na nga ako eh.''
Sagot niya sa tanong nito. sa katunayan nga ay kompleto na ang mga dadalhin niya sa Sagada. Limang jacket nga ang dala nya dahil nabalitaan nyang sobrang lamig ngayon doon.

"Carm, pinabibigay nga pala ni sheena." jameela said before giving the paper bag to her.
"Pakibigay raw kay sir Clyde."

Tinignan niya ang laman niyon. Isang jacket na gawa sa feaders ng chicken.
Nagtatanong ang mga matang tinignan niya ito.

Natawa ito.
''Si Sir kasi, sabi nya sasama raw sya satin kapag ginawan siya ni sheena ng jacket na gawa sa pakpak ng manok. Kaya iyan, pakibigay raw ah. Busy kasi si sheena ngayon sa opisina.'

''Bakit kailangang kasama pa siya? Baka busy yung tao. Nakakahiya.''
Sabi niya. But deep inside, she was really happy. ibig sabihin lang non magkakaroon sila ng time na dalawa.

Si Jamae ang sumagot.

"Stress kasi si sir ngayon, dami work, kaya naisip namin na isama siya sa Sagada, para makapagrelax narin."

''Ah. Ok.'' Napapangiting sabi nalang niya.

''Uy! Uy! Uy!..
Ano yang ngiting yan.. ha aber?'' nanunuksong ani ni salve.

Namula siya.
''Wala ah. Ikaw ah dumadaldal kana.''

''Sus! Kilig much ka lang e.'' Natatawang asar ni Jhane sa kanya.

"Aysus! Sige na lakad na, baka di mo na maabutan sa opisina iyon, may lunch meeting raw si sir sa broad members mamaya. Abay! 10:30 na oh.'' Sabad naman ni Katherine na kararating lamang. May pinipirmahan itong mga papeles.

Binalingan nito ang Sekretarya.
''Please tell Mr. Arañuez, that I need that Car, now! Ok.''

"Yes Maám " tarantang sagot ng secretarya nito sabay alis.

''Hey! Relax ka lang Budz.'' Natatawang untag nila rito.
''Masyado kang Hot!"

"flat naman." bulong niya para di marinig nito. baka maasar pa eh.

''Kasi naman itong si Brix eh, ayaw ipadala yung sasakyang gagamitin natin para bukas. Gusto nya, si Sheena pa daw ang kumuha duon. Daming alam! at anong flat ka dyan!'' inis na sambit nito.

ay narinig pala haha.

" joke lang."

Si Brix Arañuez ay kakalase nila noong college. Si Brix ay isa sa mga masusugid na manliligaw ni Sheena noon, at sobra sobra ang tama nito sa kaibigan niya. Too bad, dahil may boyfriend na ang kaibigan niya ngayon. Si Harvey na sobrang baet.

''You better tell that to sheena, para di na umasa ang mokong.'' Suwesyon niya saka bumaling sa iba niyang kaibigan
''Sige guys! I'll go na.'' paalam niya, tsaka isa isang humalik sa mga pisngi nito.

''Good luck girl!'' sigaw ng mga ito.

Ngumiti lang siya.


~~~~~~~~~~~~~~

BAGO dumaan sa kompanya ni Clyde, ay umuwi muna siya sa kanyang bahay upang makapagpalit nang damit.

Di kasi siya kombinsado sa suot niya ngayon. Simpleng bistida lang kasi iyon na kulay pula. Kaylangan maging maganda siya sa pagkikitang muli nila ni Clyde.

Binuksan niya ang kanyang closet door. At kinuha duon ang itim na bistida. Isa itong silk dress, na hakab na hakab sa kurba nang kanyang katawan.

Napangiti siya sa nakitang repleksyon sa salamin.

Marami ang nag sasabing napaka ganda niya. At hindi naman sa pag mamayabang ay suma-sang-ayon siya sa mga ito. May taas siyang 5''7, balingkinitan ang katawan. itim na itim at medyo wavy ang kanyang maikling buhok na umabot lamang sa kanyang balikat.
Fair skin at may makikinis na balat. Ang mukha niya ay oval shape.
Ang kanyang labi ay natural nang mapupula at ngiping pantay pantay at kay puputi.
She also has an chinita eyes that makes her look really charming.

Sa madaling salita, maganda talaga siya.

Inilugay lamang niya ang kanyang maikling buhok. Hindi narin siya nagmake-up.
Simple pulbo lang ang nilagay niya sa kanyang mukha.

Simple pero maganda. Naalala nya kasi na hindi raw attracted si Clyde sa mga babaeng nagme-make-up.

Nang makuntento sa kanyang repleksyon sa salamin, ay umalis na siya.

See u in a bit Clyde.


-------------------------
Please do comment ..
any suggestion po??
tnx.
😚😚

#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon