♪♫♪♫♪♫♪
~Kung kaya kong limutin ka,
Ginawa ko na...
Ano bang meron ka't mahal kita...Gulong gulo ang isip ko,
sa puso kong ito...
Hindi alam, kung bakit ba..
ikaw ang minahal...
Kung kaya ko lang sanang pigilan...
ang aking puso pilian ka para ibigin ko...~NAKATANAW si Carmela sa malawak na taniman ng pamilya Martinez.
Tinanggal niya ang head set sa kanyang tenga.
Mas lalo kasi niyang nararamdaman ang kabiguan nang marinig ang kantang iyon ni Kim Chiu na ''Heart Break.''
Kasalukuyan siya ngayong nasa likod bahay, kung saan ay tanaw niya ang malawak na pananim ng gulayan.
♪♫♪♫♪♫♪
~Gulong gulo ang isip ko,
sa puso kong ito...
Hindi alam, kung bakit ba..
ikaw ang minahal...
Kung kaya ko lang sanang pigilan...
ang aking puso pilian ka para ibigin ko...~Huminga siya at tumitig sa makulimlim na kalangitan.
Ilang mataas na pine trees ang nakatunghay sa kanya. Di-kalayuan ay may roong mga paru-parong ng liliparan sa mga bulaklak na naroon.
Ang mga ito ang kasama niya sa kanyang pagluluksa sa nabigong pag-ibig.Mayamaya ay naramdaman niya ang paglandas ng luha sa isang pisngi niya.
Agad na pinahid niya iyon."Ang tanga tanga mo talaga Carmela.
Bakit hindi mo na halata iyon. Imposible namang wala pang kasintahan si Clyde. Iyong gwapong iyon!" humihikbing sabi niya sa kawalan."Bakit ba hindi ko napansin iyon..."
Mula kagabi, hindi na niya nakita pa ito. maski ngayong umaga. Siguro, naroon ito sa piling ng babaeng iyon at nagsasaya.
Samantalang siya ay nagdadalamhati roon kasama ng mga pine trees, pine cones, at mga paru-paro."Clyde..."
Tuluyan na siyang umiyak, awang-awa siya sa sarili. hindi ba ako pwedeng maging masaya bago ko iwan ang lugar na ito?
wala ba talaga kaming pag asa?Naramdaman niya ang pagpatak ng ulan.
Ngunit hindi siya umalis sa kinatatayuan.''Great! Ganyan nga, damayan nyo ako sa pagluluksa ko.''
sambit niya sa kalangitan.''Carmela! Pumasok ka na dito.''
Tinig iyon ni Kathleen.
Napalingon siya.
Papunta ito sa kanya kasama sila jamae at jane.
''Baka magkasakit ka.''''Please guys! kahit ngayon lang! pabayaan nyo muna ako... Please...''
lumuluha pa ring sabi niya sa mga ito.Niyakap siya ni jamae.
''Pagready ka na. Nandito lang kami pag kailangan mo nang makakausap..'' lumuluha na ring sabi nito. nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan.''Carm, okay lang umiyak. Cry, cry and cry . We are here.'' kahtleen.
''You have to face your own battles but don't forget girl, we're here. Your bestfriends... nandito lang kami pag hindi mo na kaya. I know malalampasan mo rin yan. You're a strong person.'' jane.
Nang hindi pa rin siya sumasagot ay iniwan na siya nang mga ito.
Muli siyang tumingin sa kalangitan. Wala siyang pakialam kahit sobrang lamig na sa mga sandaling iyon. Wala siyang pakialam kahit magkasakit siya. ''Clyde...'' mahinang sambit niya sa pangalan nito.
''Sana ako na lang...''
''Carm...''
Bigla siya napalingon sa kanyang likuran.
Clyde was standing there. looking at her deeply.
Basang basa na rin ito ng ulan.
BINABASA MO ANG
#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMS
Romance"akala ko natutuwa lang ako kaya lagi kitang gusto makita. yun pala....."