NAGISING si Carmela dahil sa mga mahihinang tapik sa kanyang pisngi. Nang magmulat siya nang mga mata, ay ang nakangiting mukha ni Clyde ang nasilayan niya.‘’We’re here’’ sabi nito natitig na titig sa kanya.
Bigla siyang naconcious sa kanyang itsura. Naku baka ang oily oily ng face ko! Bigla siyang na pa unat ng upo.
‘’Girl, gising ka na dyan. Nandito na tayo.’’ Narinig niyang sigaw ni Kathleen mula sa labas.
‘’Gising na ba si sleeping beauty?’’ narinig pa niyang tudyo nang mga kaibigan niya.
Napasimangot siya, saka sinigawan ang mga ito.
‘’OO! Gising na gising na.’’nagtawanan lamang ang mga ito.
‘’Malay ko ba naman kasi sayo, kung bakit tulog ka nang tulog, gayong ang gwapo gwapo nang katabi mo.’’ Asar ni Sheena sa kanya.
‘’Oo nga, Carmela.’’ Segunda naman ng kasintahan nitong si Harvey.
‘’He! Tigilan nyo nga akong magjowa!’’ Saway niya sa mga ito Saka naiinis na bumaba nang kotse.
Agad napawi ang inis niya nang masilayan muli ang kagandahan ng lugar na iyon.
Beautifull and refreshing.
Ang paligid ay napapaligiran ng matataas na puno. Kitang-kita rin ang pagbalot ng fog sa mga kabundukang nakapalibot sa lugar na iyon. Kaya naman ay napakalamig doon.
Namumutiktik ang iba’t ibang halamang namumulaklak sa paligid.
Madali lang naman makita ang bahay nang pamilya MARTINEZ. Kunsabagay, nag-iisa lang iyon sa malaki at napakagandang bakuran na iyon. Dalawang palapag ang bahay na nakatirik sa gitna nang malawak na bakuran roon. Pero Ang nakakatuwa ay ang mga namumulaklak na halamang maayos na nakapalamuti sa paligid. sa kabilang banda ay makikita ang mga tanim na gulay at prutas nang mga ito. napakaganda talaga sa lugar na iyon.
‘’Charming,’’ nakangiting sambit niya habang nakamasid pa rin sa bahay. ‘’Parang ako.’’
Natawa siya sa na isip.Charot lang.
‘’anong iniisip mo?’’
tanong ni Clyde na ikinagulat niya. Naroroon lang pala ito sa likuran niya‘’W-wala, sabi ko ang ganda talaga dito.’’ Palusot niya.
‘’Yes, I agree with you.’’ Sabi nito habang nakatingin sa buong paligid.
"hindi ko alam na may ganito pala sa pilipinas."tila amaze na amaze na sabi nito.
Sabagay, ganoon din ang nasabi at naramdaman ko nang unang makapunta ako sa lugar na ito.sagada is a very nice place.
Yes, napakaganda dito sa pilipinas, hindi ko nga alam kung bakit may mga taong mas gustong magbakasyon sa ibang bansa, e hamak naman na mas maraming magagandang lugar sa pilipinas.‘’Mga anak! Nariyan na pala kayo!’’ Masayang sabi nang mama ni sheena na ikinalingon nilang lahat.
‘’Hello mom.’’ Bati nito sabay halik sa pisngi.
"Kamusta po tita?"
"Naku harvey anak. sabi ko mommy na itawag mo di ba?"
napangiti kaming magkakaibigan sa sinabing iyon nang ina ni Sheena.
kahit mag a-anim nabuwan palang ang mga ito ay kuhang kuha na ni Harvey ang puso at tiwala ng pamilya Martines.
No doubt naman kasi. Harvey is a nice guy.
Ito lang ang malas sa GF.
Hahaha."ah. sige po mommy."
"Madam kamusta na po?" Masiglang bati ni Katherine.
‘’Naku ikaw talagang bata ka. makulit ka pa din.
Teka, mag-sipasok na muna tayo sa loob at napakalamig dito sa labas.’’ Wika nito.Nang mapatingin ito sa kanila ni Clyde ay napangiti ito. ‘’Abay, kay gwapo naman nang boyfriend mo Carmela.’’
Nasamid siya sa sinabi nang mama ng kaibigan. Samantalang Nagkatawanan naman ang mga kaibigan niya, pati ang mga boyfriend nang mga ito. Narinig din nyang tumawa si Clyde.
Bakit ba ako nalang lagi ang nakikita nyo!?!
"Naku, tita, hindi ko po siya boyfriend." nakalabing sabi niya dito.
‘’Ay, naku pasensya ka na hija. Bagay kasi kayo netong si pogi.” Sabi nito habang tumatawa.
‘’Abay, ano pala ang pangalan mo iho?’’ tanong ng ginang.
‘’I’m Clyde Fernandez po maám at your service.’’ Nakangiting pakilala nito, sabay lahad ng kamay.
Agad naman iyong tinanggap ng ginang.‘’Naku mom, tara na sa loob, dun na tayo magkwentuhan at medyo nilalamig na kasi kaming lahat.’’
‘’Ay, sige, sige. Kung hindi sapat ang mga jacket na dala ninyo, magrequest lang kayo kay manang Chen-chen. Mas malamig na nga ang panahon ngayon dito dahil nasa kalagitnaan na ng Oktubre. Papasok na ang taglamig.’’
Nang makapasok sila sa loob nang bahay, ay naroon ang ate ni sheena na si Karen kasama ang asawa nitong si Kuya Marvin. Isa itong chef. At Engineer naman ang asawa nito.
"ate, magpapahinga na muna kami dahil ang haba nang biyahe namin." Sabi ni sheena sa kapatid nitong si Ate Karen.
"Ah, ganun ba. Sige magsituloy nakayo sa magiging kuwarto ninyo,’’ sabi nito saka binalingan ang isa pang katulong ‘’Manang, paki turo nga ang magiging kuwarto nila."
"yes maám"
.
.
.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please vote.
BINABASA MO ANG
#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMS
Romance"akala ko natutuwa lang ako kaya lagi kitang gusto makita. yun pala....."