Day 4 in
SAGADA.
.
.
.
.‘’THIS IS our last night together here,’’
wika ng ina ni sheena.
‘’So lets enjoy!’’ itinaas nito ang hawak na wineglass.Sumang-ayon ang lahat sa sinabi nang ginang.
Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
‘’Gusto kong malaman ninyong lahat na nagpapasalamat ako sa pagpunta uli ninyo rito. Sobrang natutuwa ako dahil nakita ko uli ang magagandang anak ko.’’ natatawang ani nang ginang patungkol sa kanilang magkakaibigan.
‘’ I would like to propose a toast for everyone. Sana, maulit ito.’’Isa isang silang nagtaasan ng baso.
‘’Huhuhu naiyak naman ako sa speech mo madam!’’ tukso ni katherine sa ginang.
Natawa lang ito."joke lang. I love you madam." nakangiting sabi nito. ganun sila kung magturingan parang pamilya na.
‘’Sir, Gusto mo magsalita?’’ nakangising tanong ni salve kay Clyde.
Nagulat sila nang hindi ito nagprotesta. Dahil biglang tumayo ito at pumunta sa harapan.
‘’Ah, gusto kong I grab ang Chance na ito, para makapagpasalamat sa inyong lahat, dahil inimbitahan ninyo ako sa napakagandang lugar na ito. Salamat sa lahat . Sheena thank you sa pag imbita sa akin na sumama dito.’’ Anito saka bumaling kay Sheena.
‘’You’re always welcome sir.’’ Ani Sheena.
Clyde smiled and nodded before turning to the rest of the family.
‘’ And to the rest of you, a wholehearted thank you for welcoming me to your family with open arms. Siguradong hahanap-hanapin ko kayo kapag bumalik na ako sa States.’’Napalingon siya rito. Kitang kita niya ang pagbalatay ng kalungkutan sa itim na itim na mga mata nito.
‘’You’re leaving?’’ tanong ni Enzey.
‘’Why?’’Gusto rin niyang itanong ang bagay na iyon. Subalit nang bumaling si Clyde sa direksyon niya ay parang biglang umurong ang kanyang dila. Parang nahuhulaan na niya ang dahilan ng pagbabago ng desisyon nito.
‘’Medyo nagkaroon ng problema sa America. Kailangan ang personal kong atensyon para muling maibangon at maisaayos ang lahat doon.’’
liar... I know its not the real reason Clyde.
Natahimik ang lahat.
Tila hindi inaasahan ng mga ito na ganoon ang kalalabasan ng gabing iyon. Napapansin din niyang palihim na sumusulyap sa dereksiyon niya ang kanyang mga kaibigan. Marahil ay iniisip ng mga ito na siya ang dahilan ng biglaang pagbabago ng isip ni Clyde.‘’Ganoon ba?’’ ani Harvy.
"Yah." he clear his throuth.
Ngumiti ito saka tumango, then he held his glass up to her.her heart stop for a second.
she didn't know how to react lalo nat nakatitig sakanya ang mga matang iyon na siguradong mamimiss niya.‘’And to Carmela, may you forgive me for everything that I did to you that made you unhappy.’’
Nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat.
He clear her throat first.Pinilit niyang ngumiti dahil sa nagbabadyang pagpatak ng kanyang luha.
Itinaas niya ang sariling baso rito.
‘’You’re forgiven.’’
and i mean it...
BINABASA MO ANG
#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMS
Romance"akala ko natutuwa lang ako kaya lagi kitang gusto makita. yun pala....."