CHAPTER 2

2.1K 85 2
                                    

SAKAY ng Philippine Airlines pabalik sa pilipinas, tulalang nakatitig parin sa labas ng bintana ng eroplano si carmela. Laman parin kasi nang kanyang isipan ang nabasang sulat kanina.

Hindi  naman  siguro  siya  iyon.

Ang  alam ko nasa State sya.

Paano sya makakapagpadala ng flowers sakin?

Tsaka, bakit nya naman ako bibigyan ng flowers?

E simula palang wala naman feelings sakin si sir Cyled.

Ilan lamang iyon sa mga tanong sa kanyang isipan.

Mariin siya napapikit.

No!

sigaw ng munting tinig sa utak niya. Biglang nagsink in nanaman ang mensahe nanakapaloob sa card na iyon.   

“ To my most beautiful girl  I’ve ever love... ‘’

‘’Carmela!’’
untag ni Katherine sa lumilipad niyang diwa.
Marahil napansin nito ang pagkabalisa niya.

‘’May sinasabi ka?’’
nagtatakang tumingin siya  sa mukha nito.

‘’Ang sabi ko, pababa na sa runway ang eroplano. Ikabit mo na ang seatbelt mo.’’
Napapailing na sabi nito.

‘’H-ha?"

Itunuro nito ang gilid niya.
"seatbelt"

"Ay... sorry.."
Napapabuntong hiningang ikinabit na niya ang kanyang seatbelt.

Alam niyang nakatitig pa rin sa kanya si Katherine, kaya hindi niya ito nililingon, baka kasi mang-usisa pa ito sa nangyayari sakanya.

Napaka advance pa naman nito mag isip.

.

.

"BUDZ, sandali lang ah. I’ll just go to the restroom. Wait nyo ko rito.’’
Paalam niya rito upang makatakas sa napakaraming  tanong nito.

Kanina pa sila nakababa ng eroplano at ngayon ay naghihintay nalang sila sa pagdating ng mga kaibigan na siyang susundo sakanila.

‘’sus umiiwas ka lang yata sa mga tanong ko eh.’’
Naghihinalang tanong nito sa kanya.

‘’Uy! Hindi ah.’’
Guilty siya kaya kuntodo ang pagtatanggol niya sa sarili.
‘’talagang najijingle lang ako’’
Sabi niya tsaka umarteng naiihi.

Nakataas ang kilay na tumango naman ito.
‘’Okay. Dalian mo ah.’’
Sagot nito na parang di kombinsado sa naging sagot niya.
‘’Alam mo naman yung mga babaeng yun. Pag nainip, nang-i-iwan, sige ka baka maglakad ka nang di oras.’’
Nakangiting Paalala  pa nito sa kanya.

‘’Naku subukan lang nila!’’
Natatawang sabi niya. Biglang nagsink-in ang ginawa nilang kalokohan kay Jamae noong parating ito galing Singapore.

Nang magpaalam itong pupunta sa rest room ay nakaisip sila ng kalokohan, iniwan nila ito, binitbit rin nila ang mga gamit nito.
Kaya tiyak wala itong dalang pera. pero dahil matalino ang kaibigan ay sumakay ito nang taxi at pinabayaran sakanila ang metro nito.

Minsan talaga grabe silang magkakaibigan kung mangtrip.
Buti nalang hindi humahantong sa pag aaway ang asaran nila.
sports kasi sila.

‘’Sige Dalian mo na baka magdatingan na ang mga iyon.’’

‘’Sige, sige.’’
Natatawang sabi niya rito sabay nagmamadaling tinungo ang restroom.

‘’kahit iwan nyo naman ako ok lang, may pera naman ako sa wallet.’’
She murmured.
‘’tsaka mas ok na iyon para maka iwas sa mga tanong nila.’’

Mula sa loob ng restroom ay muli niyang inilabas ang bagay na kanina pa gumugulo sa isipan niya.

Pinakatitigan niya ang kard naiyon.

‘’Ang ganda nang sulat. Malamang hindi siya ang nagsulat nito. Dahil alam na alam ko ang sulat mo Clyde.’’
Mahinang sabi niya sa sarili.
Parang timang na tumawa siya nang maalala ang sulat nito.
Mabuti nalang at wala siyang kasama roon kung hindi baka mapagkamalan siyang baliw.

Imagine..
Front page sya ng dyaryo.
CARMELA CRISOSTOMO NABALIW SA LOOB NG CR!

Yuck, ang panget ng caption.

Humarap siya sa salamin.
‘’hmm… I think bagong admirer ko nanaman ito.
Tsk! alam mo ang haba talaga ng hair mo carmela! lagot ka kay rafunzel.’’
natatawang sambit niya sa harap ng salamin, sabay kindat doon.
Isinilid niya ang card sa bulsa ng kanyang jacket. tsaka bahagyang sinuklay ang buhok.

Nang magsawa siya sa kakakausap sa kanyang sarili ay lumabas na siya. 

Ngunit bago pa man soya makalabas ay may pumasok roong mga kabataan at agad siyang nakilala.

"Oh my gosh!"

"Hala si Carmela Rose Crisostomo siya diba."

"Oh my god... papicture naman po kami."

Nginitian niya ang mga ito.
"Sure no problem."



______________________________________

Please VOTE and
comment

tnx. 😘

#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon