‘’ANG LAYO ng tingin mo ah.
May nakikita ka bang di namin na kikita?’’Napalingon siya sa nag salita.
Si Sheena, kasama nito si Katherine.
Naupo ang mga ito sa tabi niya.‘’Wala. Bakit gising pa kayo?’’
tanong niya sa mga ito.‘’Eto kasing si Budz nagpasama sa cr natatakot daw baka may mumu.” Natatawang sagot ni sheena.
“Then nakita ka naming mag isa dito. That’s why were here.’’‘’Ikaw, bakit gising ka pa? at dito ka pa talaga sa labas pumuwesto ah. Lamig kaya. Tibay mo teh!’’ ani Sheena.
‘’Anong iniisip mo?’’
tanong naman ni Katherine.‘’Ang dami nyong tanong. Para kayong si Clyde.’’
‘’Aha! si sir Clyde pala ang iniisip mo habang ng papakasenti ka rito, ha? Malala na iyan, girl. Kaya pala wala ka nang galang ah. Clyde na lang ang tawag mo kay sir. Ayie…’’ Tudyo nito saka bahagya pa siyang siniko.
"Sige, mag umpisa nanaman kayo ah." Ibinaling niya sa madilim na kapaligiran ang kanyang pansin upang itago ang ngiting biglang sumilay sa mga labi niya nang banggitin nito ang pangalan ni Clyde.
‘’Para kayong sira.’’‘’Baka ikaw, Sus alam ko iyang ngiting yan. Hala dai. Tinamaan na nga.’’
‘’Hala! Inlove na si Carmela!’’ tuwang tuwang sambit ni Katherine.
‘’Mga Bruha, hindi ah. Wala akong gusto sa taong iyon.’’ Pagsisinungaling niya.
"Sus, wala daw.
well... kung hindi mo maitatanong, meron kaming mga pruweba. Makikita mo sa mga cellphones naming lahat dito.’’ Ani ni Sheena. ‘’Pwede mo ring tanungin ang mga tao rito kung ano ang itsura mo kapag napapatingin ka kay sir Clyde."
Sinitsitan siya nito.
"kayo ah? Baka may relasyon na kayo, di nyo lang inaamin."I wish!
"Hay naku, ang ge-green nyo talaga." Nakairap na sabi niya rito.
‘’Umamin ka na kasi. Kami lang naman ang nakakaalam eh. Diba?’’ anito sabay lingon kay sheena.
‘’Anong kayo lang. ikaw na nga ang nagsabi na may katibayan kayong lahat kung ano ang reaksyon ko sa tuwing pagmamasdan ko si Clyde.’’
‘’Huwag mong ilayo ang usapan. Yes or no, may gusto ka ba kay sir Clyde o mahal mo na siya?’’
‘’Paano ko sasagutin iyan, eh, ang labo ng tanong mo?’’
‘’bahala ka nang dumiskarte. Basta sagutin mo ang tanung ko.’’
‘’Bakit?’’
‘’Because we are your Best friend.’’
‘’And your point is?’’
‘’Pinapaikot mo lang ako eh. Sagutin mo na ako at kung hindi, si Sir Clyde mismo ang tatanungin ko.’’
‘’Oo na!’’
kilalang kilala na niya ito. Kapag sinabi nito ay gagawin nito.
‘’Sige na. manahimik lang kayo. Oo, mahal ko si Clyde matagal na. noong college pa tayo.’’‘’Oh, my goly! You really love him?’’
Tumango siya. ‘’Yes. Ngayon ko lang nakumpirma.’’
BINABASA MO ANG
#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMS
Romance"akala ko natutuwa lang ako kaya lagi kitang gusto makita. yun pala....."