THE FINALE

2.2K 56 16
                                    

MULA sa loob nang kusina ay nakarinig si Carmela ng tunong nang gitara, napatingin siya sa labas. Wala namang tao.

Tulog pa ang mga kasamahan nila sa bahay nang magising siya nang umagang iyon.
Dahil hindi na siya makatulog ay ipinasya nalang niyang bumangon na. Pinanood niya ang mga fog habang hawak ang mug ng umuusok na kape.

Sinundan niya kung saan nang gagaling ang tunong, and she saw Clyde playing a guitar in the Porch. Bigla itong kumanta...


~ I want you to stay, that will go away for me...
stay forever,
but now , now that your gone
all I can do is pray for you...
to be here beside me again...~


i can feel the sadness in his voice.


~why did you have to leave me?
When you said that
love will conquire all...~


He suddenly stop and look at her direction.
Marahil ay naramdaman nito ang prisensya niya.

"sorry.'' Nahihiyang paumanhin niya rito.

''Okay lang Carm, Good morning.'' Anito sakanya saka nilapag ang gitara sa tabi nang upuan.

Tumango lang si Carmela at naupo sa tabi nito.

''Good morning.'' Bati rin niya rito.

''Maaga ka yatang nagising. Excited ka nang bumalik sa manila?''

Ano kaya ang magiging reaksiyon nito sakaling malaman nitong ang halik nito nang nagdaang gabi ang dahilan kung bakit naging mailap ang antok sa kanya?


''Hindi naman,'' kaila niya.
''Maaga lang talaga akong nagising. Ikaw, masyadong maaga ka rin yatang nagising.''

Nagkibat-balikat lang ito, pagkatapos ay bahagyang kinusot nito ang matangos na ilong.

''Sinadya ko talagang magising nang maaga. Ihahatid ko pa kasi si Andrea pabalik sa Baguio. She would take the plane there for manila. And then for Paris.''

i bit my lower lip.
''Hindi mo ba siya pipigilan?''

''Carmela, we've been through that issue before. Ayokong sa huling araw natin sa Sagada ay magkaroon pa rin tayo ng pagtatalo.''

''Sorry.''

tumingin ito sa malayo .

Tahimik nalang niyang pinagmasdan ang makapal na ulap sa kanilang harapan. Tama ito. Siya man ay ayaw na ring makipagtalo rito.
Ito na ang huling pagkakataon na makakasama niya ito. She wanted to cherish every moment with him before they parted ways.

Nakita niyang muling kinusot nito ang ilong.
''May sakit ka ba?'' tanong niya.

''Just a simple cold. Sa terrace kasi ako nakatulog kagabi.''

''Bakit doon ka natulog? Alam mo namang napakalamig ng klima rito, lalo na sa gabi. Bakit di mo inaalagaan ang sarili mo.''
pagalit na sabi ko rito at hindi nakaligtas sakin ang pasimpleng pagngiti nito.
"Ah.. i mean--"

"No. its ok Carm.
Malalim kasi ang iniisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.''

''Gaano ba iyon kaimportante at pati kalusugan mo ay nakalimutan mo?''

''Iniisip ko lang kung tama bang hayaan kitang umalis ngayon nang hindi tayo nagkakaintindihan o nagkakaliwanagan nang husto.''

''Clyde...''

#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon