I HATE YOU?

1.5K 59 1
                                    


KANINA PA naririnig ni Carmela ang panenernom ni Clyde sa sekretarya nito. Kaya naman hindi na sya nagtaka kung bakit ito nakasimangot nang humarap sa kanya.

‘’Im sorry Maám, busy po kasi si Sir Clyde.’’ Hinging paumanhin ng babae  sa kanya.

Nginitian nalang niya ito.
‘’No its okay, paki sabi nalang na dumaan si Carmela Crisostomo.’’

Nakita niya pagkagulat sa mga mata nito kaya naman lihim niyang kinurot ang sarili.

Lagot..

‘’Carmela Crisostomo... ma’am ikaw po ba yung sikat na model nang TGC?’’
tanong nito na parang namatanda habang nakatitig sa mukha niya.

Nakangiwing tumango siya.

‘’ Yes, Paki bigay narin pala ito sa kanya. Paki sabi pinabibigay ni Sheena.’’ Anya niya sabay talikod.

She needs to move fast--

But its too late.

The girl already shriek.

Natatawang napatingin siya rito.
‘’Bakit?’’

‘’ay ay ay!!!
Maám, Kaya pala, pamilyar yung face nyo sa akin maám. Iba po pla ang itsura nyo pag walang make up. Mas maganda.’’

Mas lalo siyang natawa.
‘’grabe ah! Hindi naman.’’

‘’Naku maám, hindi nyo po natatanong, eh, idol ko po kayo.’’ Tuwang tuwang amin nito sa kanya.

‘’Naku salamat, kung ganun. May FAN pala ako.’’ Natatawang sabi niya rito. kahit alam naman niyang marami siyang tagahanga.

Well.. pahumble lang.

"Ay naku maám marami po. At isa na po ako sa mga iyon."

"talaga ah."

‘’Yes, Yes maám. katunayan ay meron po akong latest cover ninyo.’’
Pagbabalita nito. may kinuha ito sa drawer nito. isang magazine. ibinigay nito iyon sa kanya. Siya ang cover niyon.
Na touch naman siya dito.

‘’Wow, thanks sa pagbili ah.’’

"Ma’am, kung di naman po kalabisan ay, maaari po bang pa autograph.?" Nagsusumamong tanong nito.

Kunwari ay nagdalawang isip siya.

‘’ah’’
nang Makita ang pag aalala sa mga mata nito ay ngumiti siya nang matamis.
‘’pwedeng pwede.’’

Napatili nanaman ito sa tuwa.

Natutuwa siya rito, kay babaw ng kasiyahan, parang iyong assistant niyang si Garce…

Nasan na kaya ang baklang iyon?

Matapos pirmahan ay ibinalik na niya rito ang magazine. Tuwang-tuwa namang tinanggap nito iyon.
‘’thanks Idol! I love you po’’

‘’welcome, panu ba yan, mauuna na ako ah.’’
Nakangiting paalam niya.sa kilig n akilig na babae.

‘’Ay! Sige sige, idol!’’
Masiglang sabi nito tsaka siya kinawayan.

Kahit papaano ay nabawasan ang inis na nararamdaman niya dahil sa di pagharap sa kanya ni Clyde.

Inis na nilisan niya ang gusaling iyon.
Ang sama, sama talaga nang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon.

Sayang ang outfit niya.
Nagpaganda pa naman siya bago pumunta doon, tapos di rin pala niya makakaharap yung taong dahilan nang pag aayos niya.

"Kainis! Hindi na kita crush!"
Sintir niya pero agad namang tumutol ang puso niya. Napailing na lang siya.  

#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon