NAGISING si Carmela dahil sa kumakalam na ang kanyang sikmura. Hindi kasi siya kumain kanina dahil umiiwassiya kay Clyde. Naiilang parin kasi siya rito. Lalo na kapag napapatingin siya sa mga labi nito. bumibilis ang tibok ng puso niya.
Tumingin siya sa orasan.
Twenty minutes before midnight. Ibinalot niya sa makapal na kumot ang sarili saka nagpasyang bumaba sa kusina.
''Hoy!''
Napatili siya sa gulat nang marinig ang malaking boses na iyon. Nang lingunin niya ang may ari nang boses ay muntik na niyang ibato rito ang cellphone na hawak.
''Clyde!'' reklamo niya.
''Ano ka ba! Papatayin mo ba ako sa takot, ha? Lagi mo na lang akong ginugulat, impakto ka.''''Sinong impakto?'' nakangiting tanong nito na bahagya pang lumapit sa kanya.
Bigla na namang nagrigodon ang dibdib niya nang mapatingin sa mga labi nito. napalunok siya.
''Tumingin ka sa salamin para Makita mo.'' Kunwaring galit na sabi niya dito.Tumawa lang ito.
''Sorry, na hon,"gulat na napatingin siya rito.
"este Carm pala." Natatawang biro nito.
Kinilig naman siya sa pagbibirong iyon ni Clyde.
Hon daw oh, Ayie!
"papasok na kasi ako galing sa labas ng Makita kitang pababa ng hagdan. I thought you were a Ghost.'' Pinagmasdan nito ang nakabalot na puting kumot sa kanya.
''Ano nga pala ang ginagawa mo rito? dapat nagpapahinga kana ah."''Nagugutom na ako, eh'' nahihiyang sabi niya dito.
''bakit kasi hindi ka pa sumabay kanina. Umupo ka na lang doon sa mesa. Ako na ang maghahanda ng pagkain mo.''
''Naku huwag na, nakakahiya naman.''
''Don't worry Carm. Okay lang.'' nakangiting sabi nito.
Hindi na siya nagpumilit dahil nangangatog na siya sa sobrang lamig.
She watched him move around the kitchen. Hindi bagay dito ang kumilos sa kusina. Parang mas bagay dito ang mag-uutos sa mga empleyado nito sa isang malaking kompanya o kaya ay maging strict teror teacher sa isang kilalang school.
''Hindi ka ba nilalamig?'' mayamaya ay tanong niya rito. ''The weather is freezing out here, tapos naka-t-shirt at pantalon ka lang.''
''Normal ang ganitong temperature sa State. Kaya sanay na ako.''
''teka oo nga pala Ano ba ang negosyo mo?'' bigla niyang tanong.
''Construction. We buil bridges, highways, buildings, skyscrapers.'' anito
''ang layo naman sa course mong pagtuturo.''
''Yah, that's why kailangan ko pang mag aral sa state about construction.'' Inilapag nito sa harap niya ang kanin at apat na putaheng ulam. Pagkatapos ay binalikan nito ang kanyang inumin.
''Eat. Ubusin mo yan.''''Bibitayin mo ba ako mamaya? Ang dami nito. Hindi ko iyan mauubos. At saka, on diet ako.''
''Diet? Kailangan mo pa ba iyon? You look slim enough to me.''
BINABASA MO ANG
#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMS
Romance"akala ko natutuwa lang ako kaya lagi kitang gusto makita. yun pala....."