‘’CARMELA,
join us.’’Nakangiting wika ni Kathleen pagbaba niya nang hagdan. Mukhang nagkakasiyahan ang lahat.
‘’O, anung meron? Bakit nakapalibot kayo?’’ tanong niya. Napansin niyang may hawak na bote ito. ‘’Uminom kayo?’’
‘’Haha. Anu ka ba, pag may hawak na bote uminom agad? Di ba pwedeng naglalaro lang muna ng SPIN THE BOTTLE.’’ Natatawang sabi ni Sheena.
Nakiupo siya sa mga ito. ‘’Sali ako’’aniya.
‘’Sandali lang wala pa si Sir Clyde eh.’’ Ani Jamae.
‘’Bakit san pumunta?’’ di tumitinging tanong niya rito. Kunwari ay nililinis niya ang boteng gagamitin nila.
‘’Sus! Style mo Carmela!’’ tukso ni Katherine.
Napaubo siya. Huli nanaman siya.
‘’Ano na naman? ikaw talaga budang, ang green mo!’’ asar niya dito.‘’Dah! Budang ka dyan! Its BUDZ’’ naiinis na wika nito.
tumawa lang siya.
‘’Ayan, tapos na si sir magtelebabad.’’
Agaw pansin ni Jane.
Napatingin siya kay Clyde.
Mukhang problemado ito.‘’Problem?’’ tanong niya.
Ngumiti lang ito. Halatang tinatago ang lungkot sa mga mata.
‘’Nothing’’
maikling sagot nito sabay upo sa tabi niya.Umugong naman ang tuksuhan nang mga taong naroroon dahil lang sa simpleng pag-uusap nilang iyon.
‘’Stop it guys!’’ saway niya sa mga ito.
‘’Oo nga, minsan na nga lang akong kausapin nitong si Carmela eh.’’ Sabi naman ni Clyde.
‘’Hoho! Sige na nga pagbigyan.’’ Nakangising wika ni Sheena. ‘’Okay, lets play ule.’’
Kinuha nito ang bote sa kamay niya tsaka pinaikot. Kay Salve tumuro ang nguso ng bote.‘’yes!’’ sigaw ng Kasintahan nito. nagtaka siya.
‘’kiss mo yung dog ni Budz.’’ Nakangising utos ni Sheena.
‘’What di ko kaya yun. Kiss ko nalang si honey ko.’’ ani ni Salve saka hinalikan ang kasintahan nitong si jhon sa pisgi.
Napamaang siya. ‘’Yuck! Kadiri kayo.’’ Sigaw niya sa mga ito.
Nagtawanan ang mga kaibigan niya.
‘’Ganun ang dare namin Dai, pag di mo nagawa ang iuutos namin. Kiss your boyfriend.’’ Nakangising sabi nito sa kanya.
‘’What! Abay kotang kota pala itong mga lalaking ito.’’ Aniya sabay turo sa mga kasintahan ng kaibigan. Tumawa lang ang mga ito. maliban kay Harvey.
‘’E, pano naman yung mga single?’’ nag-aalalang tanong niya. Tiyak kasing di niya magagawa yung ipapautos nang mga kaibigan.
‘’Malas mo.’’ Tumawa ito.
"But don’t worry bakla, pwede ka magpasave.’’ Nakangiting sagot ni Jamae sabay ikot ule nang bote.‘’Teka…’’ napatili siya nang sa kanya tumuro ang bote. GOSH!!
Nagtawanan ang mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMS
Romance"akala ko natutuwa lang ako kaya lagi kitang gusto makita. yun pala....."