Chapter 2

89.1K 3.2K 117
                                    

Sweet's POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Puti ang dingding sa bandang kanan ko, at puti rin ang kulay ng kurtinang nakatabing sa bandang kaliwa. Dahan-dahan akong umupo at saka lamang nag-sink in sa akin ang lahat. I'm still on my uniform. And here I am, in the clinic.

Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot iyon but still, I managed to stand. Hinawi ko ang kurtina saka lumabas sa kwarto na iyon. Nakita ko ang isang nurse na abala sa pagsusulat sa mesa. By the look of her, she's already on mid 30's. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko kaya nag-angat siya ng tingin. Kapagkuwan ay ngumiti siya saka itinigil ang ginagawa at lumapit sa akin.

"Kamusta ka na? Ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Tipid akong ngumiti saka sumagot.

"Ayos lang po," sagot ko.

"Natagpuan ka na lang sa comfort room ng mga babae, walang malay na nakasandal sa pader. Ano bang nangyari?" she asked curiously. And memories flashback on my mind.

"M-meron pong sumugod s-sa akin." Unti-unting nanlaki ang mata ko. Bumalik ang takot sa aking sistema nang maalala ang nangyari.

"Meron pong kakaibang nilalang kanina roon. Mahabang pangil, pulang mata at mahahabang kuko. And suddenly, a guy popped from nowhere..."

Napatigil ako nang makita ang hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha niya. Nang mapansin niya ang tingin ko ay tumikhim siya saka pilit na ngumiti.

"M-mukhang meron kang phobia sa dilim, that's why your brain is making unbelievable things."

And that hit me. Walang maniniwala sa akin. Because that's beyond possibility. Pero alam ko, nangyari iyon. I can feel it, ang haplos ng lalaking nagligtas sa akin. Ang lalaking nagnakaw ng una kong halik. Ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa akin.

"I think you need to visit psychiatrist, hija. Not because you're crazy, but because you need it. Malulunasan iyan."

Tama ang nurse. Noon pa man alam ko na takot ako sa dilim. Baka sa sobrang takot ko lamang iyon kaya gumawa ng halimaw ang utak ko, at dahil sa sobrang takot ulit kaya gumawa ng tagapagligtas ang utak ko. The nurse said, na sandaling-sandali lang nawalan ng kuryente. Halos inabot lang ng dalawang minuto. At kung aalalahanin ko, tumagal ang pangyayari sa comfort kanina ng halos kalahating oras. Maybe it's just really my brain that is so imaginative.

Sinuot ko ang apron ko saka inayos ang buhok at ipinusod. I wore my hairnet afterwards saka naghanda para sa trabaho. Nagta-trabaho ako sa lechon-an. Pork, chicken and fish. And it is open for whole day kaya ala-sais ng gabi ang pasok ko at alas-dose naman ng madaling-araw ang out ko. It's exhausting, dahil nakatapat ako sa mainit since ihaw iyon. Tapos marami pang customers at sunod-sunod dahil talaga namang masarap ang luto kaya dinadayo nang marami.

"Sweet, nag-order yung mga taga-Nyx Salon. Deliver daw." Inabot sa akin ni Kuya Gabo na siyang may ari nitong pinagtatrabahuan ko, ang dalawang plastik na naglalaman ng tig-isang buo ng inihaw na manok. Tumango ako saka hinubad ang hair net at apron saka lumabas.

Binati ako ng mga tricycle driver na nakaparada sa gilid. Kilala na rin naman ako dito dahil matagal na akong nagta-trabaho. Kailangan kasi kumita, para sa upa sa bahay. At sa pag-aaral. Hindi naman porke't scholar ako ay wala na akong gagastusin. Libre ang uniform, ang mga libro at tuition pero hindi ang mga projects, papers at iba pa. Kaya dapat ko talagang pagbutihin ang pag-aaral. Sila Irene at Stella naman ay pinapadalhan ng mga magulang nila. Wala naman magpapadala sa akin, at kung meron man hindi ko iyon siguro tatanggapin dahil dapat ako ang magbibigay sa kanila.

Mapait akong ngumiti. Pero agad ko ring inalis ang lahat sa isip ko. Ayokong maging malungkot. Wala akong mapapala kung magmumukmok ako. Hindi ko naman sila makikita kahit ilang balde pa ng luha ang ilabas ko. Ini-slide ko ang pinto since it is a sliding-door. Nakita ko ang mga tao roon, ang isa ay naka-upo at nagbabasa ng magazine. Ang isa naman ay pinaplantsa ang buhok ng customer. Sa tingin ko ang iba ay nasa loob pa at nag-mamassage.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon