Chapter 18

58.8K 2.3K 379
                                    

Sweet's POV

May mga bagay talaga na kahit ano'ng gawin mo ay hindi mapapasaiyo. Kahit anong hirap ang daanan, hindi mo pa rin malalasap.

Ginawa ko ang lahat para makapag-aral, pero tila ayaw talaga ng tadhana. Dati ay imposible sa akin na makapag-aral hanggang sa dumating ang isang sulat na nagsasabi na handa siyang maging sponsor ko.

Sumunod ay nawala na siya, namatay. Ngunit kahit gano'n ay hindi pa rin ako tumigil at pinilit ko. Naisip ko na kayang tustusan iyon ng sahod mula sa aking trabaho. But then... things happened again.

Ilang araw na ang lumipas simula nang masunog ang Ruther University. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasunog ang paaralan, naging abo at nilipad ng hangin ang aking mga pangarap. Sinubukan kong makuha ang mga papeles na kakailanganin sa pag-aaral.

Naisalba kasi nila ang halos lahat ngunit malas talaga ako dahil sa halos limang porsiyento na natira at hindi nailikas ay naroon ang akin. Ano pa ang gagawin ko, 'di ba? 'Yong mga records ko natupok na ng apoy. Naisip ko naman na baka may copy pa ang dati kong paaralan. Gusto ko talaga mag-aral pa kahit lumipat na lamang ako ng ibang school but guess what, wala na silang records noon.

Kung meron man daw, baka kasama na sa mga papeles na binaha dati dahil sa malakas na bagyong tumama. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng tadhana at hindi para sa akin ang pag-aaral.

Kaya ngayon, tuluyan na akong mananatili sa mansion nang 24 hours. Maswerte na rin ako kahit papaano na may natitirhan ako. Kung wala, hindi ko alam kung saan na ako pupulutin. May natitirhan na ako, may maganda pang trabaho. Siguro dito na lamang ako maswerte. Tila hulog yata ng langit si Sir Lennox sa buhay ko.

Pinasadahan ko pa ang buhok ko at tumingin sa salamin. Ngumiti ako at tuluyan ng lumabas ng aking kwarto. Nakita ko si Sir Lennox na naka-upo sa isa sa mga sofa roon. Umangat ang tingin niya nang makita ako.

"Sir, aalis po ako..." saad ko. Tumayo siya at namulsa.

"Let's go," malamig ang boses niyang sinabi.

Napatunganga ako at pinanood ang paglagpas niya sa akin. Nang makita na hindi ako sumunod ay tumingin siya sa akin. His thick brows arched.

"Hindi ka na ba aalis?" ani ng paos niyang boses.

Napalunok ako at nagsimulang humakbang patungo sa kaniya.

"A-aalis ka rin po, Sir?" Pilit kong pinalakas ang loob para magtanong.

Dinungaw niya ako. Napatitig ako sa abo niyang mga mata. Malamig iyon at madilim. Ngunit may kung anong kislap habang nakatingin din siya sa akin.

"I'll go with you."

Halos mapaigtad ako nang hinila niya ako sa kamay at pinagsiklop ang aming mga palad.

Nagpatangay ako sa kaniya at nanatiling nakatitig sa aming magkahawak na kamay. Tila may kumikiliti sa akin habang pinagmamasdan iyon.

Kumunot ang noo ko nang makita ang itim na kotse na naghihintay sa harap ng gate. Kahit may garahe ang mansion, wala naman akong nakikita na sasakyan doon.

"Sir?"

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sa kaniya ba 'to? Pero hindi naman siguro niya ako papasakayin kung hindi sa kaniya. Umikot siya at umupo sa tabi ko. Hindi ko nakita kung sino ang driver. May harang sa pagitan namin at ng driver. Itim iyon at heavily tinted.

"M-may pupuntahan rin po kayo?" tanong ko muli.

Tahimik lamang siyang naka-upo sa tabi ko at diretso ang tingin sa harap.

"Hindi mo ba ako narinig kanina? Sasama ako sa'yo," mariin na utas niya.

Tinikom ko ang sariling bibig at nanahimik. Ang sungit naman ng boss ko.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon