Chapter 4

73.6K 2.5K 95
                                    

Sweet's POV

Ipinasok ko lahat ng kailangan ko in case of emergency sa bag saka ito isinara. I walked towards my cabinet on the bedside saka kinuha ang itim na jacket. I fixed my hair into ponytail and took a last glance on the mirror before putting my jacket on. Isinuot ko na rin ang bagpack bago dahan-dahang lumabas ng kwarto.

I need to be careful, para hindi magising sila Stella at Irene. Magtataka sila kapag nalaman nilang aalis ako nang dis-oras ng gabi lalo na at day-off ko ngayong linggo kaya walang pasok. I sighed when I finally get my way out of the room. Dahan-dahan kong isinara ang pinto saka tuluyan nang pumunta sa my main door at ni-lock ito.

Pare-pareho naman kaming may duplicate ng susi kaya hindi na rin ako nag-aalangan kung paano pumasok mamaya. I glanced on my wrist watch and learned that it's already almost eleven in the evening. Pumara ako ng tricycle para mabilis na makalabas ng village patungo sa convinient store na napag-usapan namin.

Ayoko siyang paghintayin plus I'm afraid that I might encounter a vampire again, alone. At baka this time wala na akong kawala at wala nang magligtas sa akin.

After almost ten minutes tumigil na sa harap ng convinient store ang tricycle. Binigay ko ang bayad saka mabilis na bumaba para makapasok na. Mabuti na lamang pala at nag-suot ako ng jacket, masyadong malamig ang panggabing simoy ng hangin at air-conditioned pa sa loob.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong hinanap ang pwesto niya. I saw him seating alone at may kape sa harap niya habang busy sa pagbabasa ng libro. Nag-angat siya ng tingin at tipid na ngumiti bago iminuwestra ang upuan sa harap niya.

"Good evening Sir Pablo," pagbati ko. Hinila ko ang upuan saka umupo sa harap niya. Nilapag ko ang bagpack sa tabi kong bakanteng upuan.

"Good evening too, Aphrodite," bati niya at tinulak sa harap ko ang kape na nasa lata. Magalang ko itong tinanggap saka hinawakan ito at dinamdam ang init. I opened it and took a sip saka bumaling sa kan'ya.

"Kanina pa po kayo?" tanong ko. Umiling siya at inilapag ang binabasang libro.

"Hindi masyado. And don't worry, nagbasa pa naman ako," aniya. Inusog niya papunta sa akin ang libro na kanina lang ay binabasa niya. Itim ang cover nito at nakalatha sa pinakaharap ang salitang 'Vampires' gamit ang eleganteng mga letra na kulay ginto.

Binuklat niya ito kung saan may nakasingit na marker at sumenyas na basahin ko. Sumimsim muna ako sa kape bago nagsimulang basahin. It contains facts about vampires.

"Hindi ako ganoon ka-kumbinsido sa history ng mga bampira na nakasulat diyan. We don't know if those are true, at hindi pa naman natin kailangan 'yan. Ang gusto ko lang ay malaman mo ang ilang mga kakayahan nila. I'm not also sure if those are true, pero mabuti nang may background tayo," aniya. Tumango ako saka pinagpatuloy ang pagbabasa.

Mabuti na lamang at pumayag din sa wakas si Sir Pablo tungkol sa pagsama ko sa kaniya sa pagkuha ng ebidensya tungkol sa mga bampira. I know this is a dangerous move. Kakaiba ang mga halimaw na iyon. But I want to prove something, that I'm not crazy or what. Plus curiosity is really killing me slowly. I want to know kung saan sila nagmula, kung ano ang iba nilang ginagawa, kung ano ang tinatago nila at iba pa. I want to know their secrets. Their place. Everything about them.

"Based on that book, vampires are creature that are fed by blood. They are bloodsucking monster, kumbaga 'yon ang life support nila. They have fangs which they use to be fed. Mahahabang kuko, kakaibang bilis, pulang mata. They have pale white skin." Paglalahad niya. Napatango naman ako. Those description are true base on what I saw and encounter. Nakakatakot ang mga iyon. And humans are foods for them.

"They are beautiful creatures, magaganda ang kanilang mukha. Hindi mo mapapansin na kakaiba sila kung hindi lamang dahil sa sobrang putla ng kanilang balat. But these days ay hindi na nakakabigla ang sobrang puti. Like you Miss Sweet, well you just have a pinkish cheeks at mas may buhay ang kulay," aniya at pinasadahan ako ng tingin. Pumikit ako at inalala ang mukha ng mga halimaw na iyon.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon