Chapter 30

48.9K 1.8K 193
                                    

Sweet's POV

Tumigil ako sa pagwawalis nang may kumatok mula sa gate. I sighed and walked towards the gate saka binuksan 'yon.

"Ano 'yo— Daniella, Daniel?" I asked. Tahimik lamang si Daniel samantalang si Daniella ay matagal na nakatitig sa 'kin.

"Anong kailangan niyo?" I asked. Sumulyap sa may likod ko si Daniella.

"Si Dark?" she asked.

Tumaas ang kilay ko at hindi ko napigilan na titigan siyang mabuti. Himala, hindi siya nagsusungit at mataray ngayon, ah?

"Bakit mo siya hinahanap?" I asked. Pinasadahan ko ang buhok at sinulyapan ang kambal niya. "Wala siya rito. He has an important thing to do." I added.

She nodded and crossed her arms in front of her chest. She stared at me.

"Okay, hindi naman siya ang kailangan ko. I want to say something to you."

Napatindig ako nang maayos at binitawan ang hawak na walis. Isinandal ko 'yon sa may tabi at tinignan sila.

"Ano 'yon?" mahinahon kong tanong.

Maayos naman siyang nakipag-usap kaya maayos rin akong makikipag-usap.

"I want to warn you. Umalis ka na. Iwan mo na si Dark."

Natigilan ako at kumunot ang noo. I gritted my teeth.

"Pwede ba, tigilan niyo na siya? Wala siyang ginagawa na masama sa inyo. Nananahimik na nga siya, 'di ba? At bakit ko siya iiwan? 'Wag niyo kaming pakialaman!" I shouted.

Mabilis ang pag-taas baba ng dibdib ko dahil sa pagsigaw. I gasped for air and stared at her na hindi natinag.

"Just leave. He's a manipulating cunning jerk at wala kang mapapala sa kaniya."

Lalong nag-init ang ulo ko. Tumiim ng bagang ko at sinamaan siya ng tingin.

"You're just no one to dictate me! Wala kang karapatan. Pwede ba umalis ka na!" I shouted.

Bahagyang lumamlam ang kaniyang ekspresyon but in a snap ay bumalik na ang kaniyang ekspresyon. Stiff and emotionless. Humakbang si Daniel.

"Sweet, listen to her first."

Mariin akong umiling at tinuro si Daniella.

"I don't care! Ayoko! Bakit ako makikinig sa kaniya? Simula noong dumating kayo puro pangingialam na lang ang ginawa niyo sa 'kin. Umalis na kayo!" mariin kong utas.

Sasaraduhan ko na sana sila but Daniel put his palm against the gate. I rolled my eyes at tinalikuran sila.

Bahala sila!

"He manipulated your life! Ang pagkawala mo ng trabaho, ang pagpapaalis sa'yo sa apartment na tinitirhan mo, pagkawala mo ng scholarship, sa pagkasunog ng university. Lahat siya ang gumawa no'n! He manipulated your life because he's fucking obsessed with you. We just want to help you, save you because later on, when he discover the truth hindi siya mangingimi na patayin ka!"

Nanigas ako sa lugar ko at hinayaan na mag- sink-in sa 'kin ang sinabi niya. Humugot ako ng buntong-hininga at hinarap sila. I smirked.

"Ang galing niyo naman gumawa ng kwento. Pwede ka ng maging writer, you know. Leave now at huwag kang magpapakita sa 'kin. Kahit sino sa inyo," mariin kong utas.

Pain crossed her eyes. Natigilan ako sandali at pinikit ang mata. No, she can't affect me.

"Ask him! Tanungin mo sa kaniya at maniwala ka kung itatanggi niya iyon nang nakatingin sa'yo nang diretso. But if not, leave the mansion. Iwan mo siya. Dahil nalalapit na ang panahon at papatayin ka niya, Sweet. Papatayin ka niya kapag nalaman niya na nasayo ang—"

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon