Sweet's POV
Sa bawat kilos na ginagawa ko, hindi ko mapigilan na sumulyap sa hagdan. Tumagal na ako ng halos dalawang oras at hindi na muling bumaba pa ang sa tingin ko na may-ari ng mansion. Si Sir Lennox.
Nakapunta na rin ako sa ikalawang palapag. Nahirapan ako dahil sa kapal ng mga alikabok sa paligid. Parang matagal ng hindi napuntahan at nalinisan. Mabuti na lamang nagdala ako ng jogging pants at itim na t-shirt para hindi madumihin. Kung nagkataon na naglinis ako at walang extra na damit, siguro ang puti kong uniform ay sobrang dumi na.
Pinunasan ko ang butil ng pawis sa aking noo. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Maayos na at malinis. Ngunit hindi ako kuntento. Dapat sobrang linis. Mabuti siguro kung pagbalik ko bukas ay babalikan ko ang parteng 'to. Sa linggo naman, ang labas naman ng mansion ang lilinisan ko. Nagtataasan na ang mga damo roon. 'Yong sementadong pathway, natatakpan na ng mga lumot. 'Yong fountain din, imbes puti iyon ay nahaluan na ng green dahil sa lumot at grayish na something dahil sa mga alikabok.
May mga gamit kaya rito na magagamit ko sa linggo? Sana naman ay meron para makapaglinis na ako. I'm excited to see the fruit of my hardship. Maganda ang mansion. Linis lamang ang kailangan, sigurado akong napakaganda na nito. Bakit kaya napabayaan ang mansion na 'to? Nag-iisa na lamang ba si Sir Lennox, o kaya sila na lamang ng lalaking nakausap ko noong nakaraan?
Atsaka mayaman sila. Bakit hindi sila mag-hire ng maraming maid? I sighed and continued what I'm doing.
Lumipas ang isang oras, natapos na ako sa ginagawa. Bumaba ako papunta sa unang palapag. I walked towards the kitchen to drink some cold water. Pawis na pawis na ako at nauuhaw. Napaatras ako nang makita siya na nakasandal sa sink at kumakagat sa mansanas.
Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya. How can he be that gorgeous while biting on the apple? Napatingin siya sa akin. He licked his lips and stared at me. Halos sapuin ko ang dibdib nang mabilis na naman ang tibok ng puso ko.
Napakurap-kurap ako nang may ma-realize. Hindi ko siya nakita na bumaba. Kanina bago ako nagsimula, umakyat siya. At ngayon, paanong nasa baba na siya, ni-hindi ko naramdaman ang pagdaan niya kung sakali.
"What do you need?" His deep baritone voice filled my ears. I cleared my throat.
"I-inom po sana.." nauutal kong saad. He nodded at minuwestra ang refrigerator sa 'di kalayuan.
Dahan-dahan akong humakbang at kumuha ng baso bago naglakad patungo sa refrigerator. Binuksan ko ang ref at tumambad sa akin ang mga goods. Halos prutas ang narito, may mga stocks din ng manok at karne ng baboy. I saw some can of beers and carton of milk. Dinampot ko ang babasaging pitchel at nilagyan ang baso ko ng tubig.
Agad kong nilagok ang tubig at muling nagsalin. Nilagay ko sa loob ang pitsel at hinawakan ang handle. Nanigas ako nang maramdaman si Sir sa likod ko. Dumampi ang kamay niya sa kamay ko na nakahawak sa handle ng refrigerator. Nanigas ako nang maramdaman ang dibdib niya sa aking likod. Dumungaw siya at hinaplos ang mga prutas na nasa loob ng ref. Kahit humahaplos sa balat ko ang lamig na nagmumula sa loob ng ref, hindi nito natakpan ang mainit na bagay na dumaloy sa aking katawan.
I can feel his breath on the side of my head.
"Are you hungry?" He asked. Nanigas lamang ako at hindi nakapagsalita. Hawak ko lamang ang baso.
Inagaw niya sa akin ang baso na hawak ko at narinig ko ang paglagok niya ng tubig sa aking likod. Nakatunganga lamang ako sa harap ng ref at ramdam ang kamay niya sa kamay ko sa handle. Dumikit lalo ang katawan niya sa aking likod at hindi ko mapigilang mapasinghap. His hard chest is brushing against may back.
Dumampot siya ng apple bago ako bahagyang hinila at sinara na niya ang ref.
"Sweet..." Awtomatiko akong napatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Dark Love
VampireA Stand Alone Vampire Novel "You're my obsession. You're my dark love, you're mine. Only mine." Sweet Aphrodite Villegaz is a girl who has a simple life. Scholar of the Ruther University and a total independent woman who lives her life without her p...