Chapter 22

57.2K 2.4K 280
                                    

Sweet's POV

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kung kaya ko lamang ay dadalhin ko siya sa hospital ngunit sa laki niyang tao, that's impossible.

Kinuha ko ang towel sa basin na may laman na maligamgam na tubig. Piniga ko 'yon bago pinunasan ang mukha ni Lennox pababa sa leeg. He's hot, literally. Mataas ang lagnat niya and I'm sure dahil iyon sa bala na tumama sa kaniya.

His eyes were shut tightly. Namumutla rin ang kaniyang labi. Sabi niya kanina magpapahinga lang siya tapos magluto muna ako. Pero natapos na ako lahat-lahat hindi pa rin siya bumaba. At pag-akyat ko para i-check siya, I saw him lying on his bed.

Akala ko tulog lang siya pero sobrang init niya. Kinakabahan ako. Alam ko na kung sa hospital ito mas sigurado siyang magagamot pero ngayon? Ako lang ang gumamot! Hindi pa kumpleto ang gamit. Alcohol, betadine, bulak at bandage lang!

"Sweet..." Napatitig ako sa kaniya. Kanina pa niya binubulong ang pangalan ko. Kaya kahit papaano ay kinikilig ako at nababawasan ang kaba at takot.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang damit. Pawis na pawis siya. Malalamig ang mga pawis na lumalabas sa kaniya though his temperature was so high. I sighed and tried to take off his shirt. Dahan-dahan kong hinubad iyon sa kaniya at iniwasan na masagi ang sugat niya.

Nang matapos ay itinabi ko iyon at hindi sinasadya na bumaba ang tingin ko sa kaniyang katawan. Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. But something is pulling me kaya napatingin muli ako. I gulped when I saw beads of sweats dripping on his chest. Mabilis ang taas at baba ng kaniyang dibdib. His— his abs were... uh... sweating too.

One.
Two.
Three.
Four.
Five.
Six.
Seven.
Eight.

I gasped for air. Pasimple kong pinaypayan ang sarili. Umakyat ang tingin ko sa adam's apple niya. Sunod-sunod ang lunok niya at bahagyang pumaling-paling ang kaniyang ulo. Huminga ako nang malalim. Dapat pigilan ko ang sarili sa pagkatulala sa kaniyang katawan. But his body is perfect. Nakamamangha. Argh!

Pinunasan ko rin ang kaniyang katawan. Pinigil ko ang sarili sa pag-iisip ng kung anu-ano. Kailangan ko siya alagaan. Dapat siyang gumaling. I can't bear to see him like this. Sanay ako na matikas siya, seryoso at maganda ang tindig.

Napangiti ako nang unti-unti siyang nagmulat. Nagsalubong ang mata namin. Matagal siyang nakatitig bago kumurap-kurap. I smiled weakly at sinuklay ang kaniyang buhok.

"How's your feeling, Sir?" I asked him.

"I'm o-okay..." Paos ang boses niya. Tila hinang-hina pa siya. He tried to sit ngunit hindi kinaya ng braso niya kaya naman ay inalalayan ko siya. Sumandal siya sa headboard at tumingin sa akin.

Uminit ang pisngi ko sa tagal ng titig niya kaya umiwas ako ng tingin at tumikhim.

"Ahm, kukuha lang po ako ng pagkain mo, Sir," saad ko. Aalis sana ako nang hawakan niya ang aking kamay. His palm was cold.

"Sir?" I asked him. Nakatitig pa rin siya sa akin.

"Can I have a favor?" His voice was husky. I heaved a sigh when I realized that it sounds so good.

"A-ano po 'yon, Sir?" I asked him and composed myself. He squeezed my hand.

"Please drop the 'Sir'. Call me Lennox," he said firmly. Napamaang ako sa kaniyang sinabi.

"Pero Sir, boss kita," saad ko.

Nabigla ako nang ngumisi siya— iyong pilyo na ngisi. And damn, he looks so hot while doing that.

"We kissed, we made out, we almost made love pero Sir pa rin ang tawag mo sa 'kin?" Uminit ang aking pisngi. "Please.." he added.

Dahan-dahan akong tumango.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon