Chapter 19

60.2K 2.5K 745
                                    

Sweet's POV

Matapos kumain at linisin ang kusina ay nagbihis ako ng isang simpleng t-shirt at jogging pants. I fixed my hair into a tight bun at naglagay rin ng maliit na towel sa aking likod.

Tinungo ko ang cabinet na naglalaman ng mga kagamitan sa paglinis at kinuha ang kailangan ko bago lumabas. I heaved a sigh habang nilibot ang tingin sa madamong paligid ng harap ng mansion. Nag-inat ako ng mga braso bago napagpasyahang magsimula.

Bahagya akong umupo at sinimulan ang paggupit sa matataas na damo. Medyo kinakabahan ako dahil baka mayroong ahas na naninirahan dito. My forehead creased and continued cutting it. Ngunit natigil ako nang may umagaw no'n sa akin.

Napatingin ako sa tabi ko and my lips parted when I saw Sir Lennox. Siya ang nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Sir!" I uttered. Tumingin siya sa akin, and his face was void of emotion. He arched his thick brow.

"A-ako po ang gagawa niyan," mahinahon kong saad. Umiling siya.

Matagal akong napatunganga sa gilid niya at nang mapagtanto na wala siyang plano na ibalik sa akin ay lumayo na ako roon.

Nilagyan ko na lamang ng tubig ang timba at kinuha ang brush. I started to clean the fountain na mukhang matagal ng hindi nagamit. Kitang-kita sa tubig ang dumi na namalagi sa sementadong fountain na iyon. At nang matapos ay napangiti ako. The elegance of it is now more accentuated dahil malinis na iyon at puting-puti.

Sumulyap ako sa gawi ni Sir at halos mapanganga nang makita na malapit na siyang matapos. Unbelievable! Paano niya natapos nang ganoon kabilis!?

My jaw dropped more when he stood up and slowly took off his gray shirt. Napalunok ako nang makita ang hubad niyang likod. Lumadlad ang manipis niyang buhok na nasa may batok and as usual ay nakalugay iyon. But....but it makes him hotter! I saw his perfectly cut muscles tensed. Lahat ay lalong nadepina. Pati ang pag-igiting ng kaniyang panga ay kitang-kita ko mula sa kaniyang likod.

Uminit ang pisngi ko nang magkasalubong ang tingin namin. Agad kong sinara ang nakangangang bibig at tumalikod nang nakita ang maliit niyang ngisi.

Pinagtuunan ko ng pansin ang sementadong pathway samantalang si Sir ay sa kabilang banda naman gumupit ng mga damo. I sighed and stopped myself from glancing at him.

Nang tirik na tirik na ang araw ay pinatigil na ako ni Sir. Pumasok kami sa loob ng mansion. I bit my lips when I his manly scent invaded my nostril. I gasped for air. Bakit gano'n? He still smell so fresh. Samantalang ako, feeling ko ang baho ko na!

Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang mga pawis ko. I saw Sir Lennox from my peripheral view, staring at me intently. Nasa bulsa niya ang isa niyang kamay samantalang ang isa ay pinaglalaruan ang kaniyang labi. He looked so amused while staring at me.

"Excuse me, Sir. M-maliligo lang po muna ako..." I murmured. Bibilisan ko na lang para makapagluto agad pagkatapos.

Humakbang siya palapit kaya halos manigas ako sa kinatatayuan. Uminit lalo ang pisngi ko at gusto ko na lamang tumakbo. Nahihiya ako, naco-conscious! I really think I smell so bad at ayaw kong maamoy iyon ni Sir. Baka mega turn-off 'yon— wait! So what kung ma turn-off siya, Sweet!?

"S-sige po, Sir." Mabilis akong humakbang paalis but he easily caught me by my waist.

Tumama ako sa matigas niyang dibdib. Napapikit ako sa bango niya. And I just want to stay here forever but when I remembered myself, I tried to be freed. But he held me firmly.

"Hindi ba masama na maligo agad kapag pagod at pawis na pawis?" he asked.

And I felt his breath fanning the side of my face.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon