Chapter 15

56.2K 2.4K 479
                                    

Sweet's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Nag-unat ako ng katawan saka nagsimulang mag-asikaso. Malaki ang kwarto na kinalalagyan ko.

May queen-sized bed sa gitna at may built-in closet pa. Pero hindi ko ginamit iyon, pinanatili ko lang 'yong mga damit at iba ko pang gamit sa bag ko. Nakakahiya naman kung gagawin ko 'yon. Malapit sa kama ay isang vanity table. May maliit ding mga cabinets and what makes this room comfortable ay may sariling bathroom.

Hindi na ako mahihiyang kumilos-kilos unlike kung sa ibang parte pa ng mansiyon ako gagamit non.

Matapos mag-asikaso ng sarili, lumabas ako upang maghanda ng almusal. I don't know if Sir Lennox will eat here but I still want to ready it.

Wala akong nakitang bigas. Hindi gano'n karami ang goods at parang hindi naman nagluluto si Sir. May sliced bread lamang at stocks ng itlog. Kaya iyon na lang ang naisipan ko.

Nagsalang ako ng maliit na kawali sa kalan at hinintay iyon na uminit bago nilagay ang butter doon at pinatunaw. Habang hinihintay iyon ay hinanda ko na ang itlog para sa scrambled egg. After few seconds ay nagsimula na akong magluto.

Paikot-ikot ako sa kusina at sumusulyap sa hagdan paminsan-minsan. Gusto ko ng kumain kaso nahihiya ako. Siguro dapat maunang kumain si Sir at kapag pinahintulutan na niya ako saka ako kakain. Umupo ako sa isang stool at sinulyapan ang nakatakip na pagkain sa lamesa.

Ilang minuto ang lumipas ay tumambad sa aking harapan si Sir Lennox. Napatuwid ako at bumaba sa stool. Umiwas ako ng tingin at itinago ang pagkamangha sa kaniyang mukha. Magulo ang itim niyang buhok. Nakasando lamang siya at kitang-kita ang kaniyang mga braso pati na rin ang kaniyang dibdib. I gulped when I saw his jeans hanging lazily on his hips na parang kaunting kalabit na lang ay mahuhulog na.

Napaubo ako at kumurap. How can he be this gorgeous? Ang aga-aga. Malamig pa ang simoy ng hangin at hindi pa sumisikat ang araw but he's already hot! Sweet, have a grip. Kailangan mong magtagal dito. Hindi ka dapat nangangatog ng ganiyan.

"What do we have for breakfast?" Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang paos niyang boses. Ang mga mata niya ay mapupungay din at tila tinatamad magmulat. I licked my lips at iminuwestra ang hapag.

"S-scrambled egg po atsaka tinapay. W-wala kasi akong makitang iba." Tumango siya at tinalikuran ako. Naglakad siya patungo sa lamesa.

Napakurap-kurap ako nang mapansin ang mahabang buhok sa kaniyang batok. Nakalugay iyon at manipis lang. I stiffened when I remember someone.

The man behind the mask. Meron din siyang ganiyan ngunit nakatirintas lamang. Nasapo ko ang dibdib nang malakas ang naging tibok non. Marahas akong umiling at inayos ang sarili.

Imposible.

Pero wala ng imposible sa mundo.

"Don't you want to eat with me?" Nagitla ako nang marinig ang baritono niyang boses. Nakaupo siya sa punong banda at nakatitig sa mga pagkain.

Naglakad ako papunta roon at umupo sa ikatlong upuan mula sa kaniya. Inusog ko sa kaniya ang plato na may scrambled egg at tinapay. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa akin.

"Get first."

Tahimik akong tumango at naglagay sa plato ko ng tinapay at itlog saka ko iyon inusog sa kaniya.

Kumuha rin siya bago tumayo at tumungo sa refrigerator. Pagbalik niya ay may dala siyang karton na naglalaman ng gatas at sa isang kamay ay isang baso at maliit na bote. Umupo siya at inilapag iyon. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa nilagay niya sa harap ko ang baso at sinalinan iyon ng gatas.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon