Chapter 7

63.2K 2.7K 307
                                    

Sweet's POV

Tinigil ko ang pagsusulat at pinikit ang mga mata. Seriously, ang gulo na. Ang gulo ng utak ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Bakit gano'n ang inasta ni Sir Pablo? Did something happen to him that night? At kung meron, ano ba iyon? Bakit nakalimutan niya?

O kinalimutan niya lang talaga?

Baka narealize niya na mapanganib ang ginawa namin. At kung hahayaan niyang lamunin kami ng kuryusidad ay ikakapahamak namin. Pero iba ang pakiramdam ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na wala siyang alam. Wala siyang maalala, at nagsasabi siya ng totoo. And that's a big question mark on my mind.

Binasa ko ang huling pangungusap na naisulat ko bago ipinasok sa bag at naglakad palabas. Naunang umalis sina Irene at Stella. Vacant kasi kami ngayon sa first subject kaya hindi na ako nag-abala pang pumasok ng maaga.

Paglabas ko ay tahimik ang village. Rinig ko pa ang bawat hampas ng hangin. Parang isang bayan na nilayasan ng lahat ng mamamayan. Napakunot ang noo ko nang hindi makita sila Aleng Emma at ang iba nitong kaibigan sa may kanto. Usually, ganito ka-aga ay nagchi-chismisan na sila sa gilid ng daan.

Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Napatigil ako nang may makita sa bandang unahan na kumpol ng mga tao. Mabilis akong tumakbo papunta do'n at nakisiksik. My jaw dropped because of the scene. May lalaking nasa mid 30's ang wala ng buhay. Kapansin-pansin ang pamumutla at panunuyo ng balat nito. And I confirmed who's the suspect when I saw the two holes on his neck. Nagpalinga-linga ako at pinagmasdan ang mukha ng mga nakakita. Nandito rin sina Aling Emma, hindi makapaniwala ang mga ekspresyon nila. And of course this one is really weird. Madalas kasi ay nabaril, nasaksak at iba pa ang dahilan ng pagkamatay. But this? Tila nawalan ng dugo, which is totoo naman.

Nagkalat rin ang ilang reporter na busy sa pagsasalita sa harap ng camera. Hanggang sa magawi ang tingin ko sa lalaking nasa tabi. Hindi makapaniwala ang mukha nito habang pinagmamasdan ang bangkay. Nagsalubong ang mata namin. Kumunot ang noo niya bago tumalikod at naglakad paalis. Mabilis akong umalis do'n at hinabol siya.

"Sir Pablo!" tawag ko. Dire-direrso lamang siya na tila at walang naririnig.

"Sir!" Tawag kong muli at sa wakas ay tumigil siya at nanatiling nakatalikod. Humihingal na tumigil ako sa tabi niya.

"Sir."

"Miss Villegaz," aniya at hinarap ako.

"Nakita niyo po ba yung bangkay?" Tanong ko. Tumango siya at nanatiling seryoso ang ekspresyon.

"Bampira po ang may gawa no'n," dire-diretso kong saad. Napa-awang ang labi niya at napakurap-kurap.

"Miss Villegaz, I already told you to stop talking nonsense things," mariin niyang saad. Napa-iling ako.

"No sir, I'm saying the truth. Back then, you're really curious about cases like this. At alam kong gano'n rin ngayon! Magkasama tayong pinag-aralan iyon Sir. And we have the same theory. That vampires did those. And night before that morning na kinausap kita, lumabas tayo para kumuha ng malakas na ebidensya na may bampira talaga," pagpapaliwanag ko. Mariin siyang pumikit bago muling tumitig sa akin.

"You should really stop this, Sweet Aphrodite," aniya.

"Pero Sir, nagsa—" he cut me off.

"He told me. He warned me, na 'wag ka nang isangkot sa ganito. Na tigilan na ang ginagawa ko na pag-imbestiga sa mga bampira. Na ayaw niya akong makita na kasama ka. I know that is stupid dahil estudyante kita at guro mo ako, but he's protective. Territorial. And if I do something bad against him, mawawala ako, Sweet," aniya. And it's my turn to drop my jaw.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon