Chapter 12

61.8K 2.3K 267
                                    

Sweet's POV

Nagising ako nang maaga. At tulad ng hinala ko ay wala na siya sa kwarto. I can't help but to sigh in dismay. I suddenly felt empty nang hindi ko maramdaman ang presensya niya. It's like there are missing pieces on me. Ngunit alam kung hindi pwede. Hindi pwede na magtagal siya dahil baka maabutan siya ni Stella at Irene. Bawal rin siya maabutan ng sunrise kaya bago pa sumikat ang araw ay nakaalis na siya at manatili kung saan.

At bawal rin... bawal ang nararamdaman ko. Bawal nga ba? Sa mga pinapakita niya sa sandaling panahon, ang epekto niya sa akin, everything about him makes me fall for him. Nararamdaman ko man iyon at naguguluhan dahil kay Rage, alam kong mas malakas pa rin para sa kaniya. Para sa estranghero na nakatago sa maskara. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay hindi pwede.

Dahil ba bampira siya at isa akong tao? Mariin akong napapikit. Kung sakali, paano kung bawal? Paano kung may nakatakdang batas na hindi kami pwede. Sa lahat ng ipinapakita niya, hindi ko mapigilan na mahulog. Gusto ko siya, I'm admitting it. But I'm also afraid that the feeling isn't mutual. Kung aalalahanin ang mga salita niya, mga kilos, masasabi ko na pareho kami ng nararamdaman. Mas malalim pa ang kaniya.

Ngunit sa panahon ngayon hindi na sapat iyon. Isa sa nagdadala ng sakit sa isang tao ay masyadong umaasa sa tao na pinapakita na mahal sila ngunit hindi naman pala. Hindi ko alam kung talaga bang friendly lamang sila, o malandi at pa-fall. Kaya iyon ang kinatatakutan ko. Na baka, false alarm lamang. Hindi ko rin alam kung saan siya nakatira. Walang kasiguraduhan ang pagkikita namin. Depende kung kailan niya gusto. Kung kailan siya susulpot.

At kung gano'n man, kung gusto niya ako, paano kung may batas nga sa pagitan ng mga uri namin. Na hindi pwedeng magsama ang dalawa. Ipaglalaban ba niya ako? Gagawin ba niya ang lahat para maging posible lamang kami? Can he sacrifice everything just to make us possible?

Napabuga ako ng hangin. Wala, walang kasiguraduhan ang lahat. Kaya sa ngayon, wala akong magagawa. Ipagpapatuloy ang buhay na parang normal lang. Parang walang malalim na problema. Problemang hindi aakalain ng marami na posible pala at nage-exist.

Napapitlag ako nang makarinig ng yabag. Bumungad sa akin si Stella na nakatitig. Nanunuri ang mata niya at tila may inaalisa habang nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan sa klase ng tingin niya. Tila nakakapasok siya sa kaibuturan ng pagkatao ko at nakikita niya ang aking kaluluwa. Pakiramdam ko ay malalaman niya ang mga iniisip ko, ang problema ko, at ang mga sekreto ko.

"Kakain na tayo." Malamig ang boses niya.

Kinagat ko ang labi bago tumayo at naglakad para sumunod sa kaniya. Bago siya makalabas ay humarap siya sa akin at tumitig muli. Napakunot noo ako at malalim na lumunok.

"Lumayo ka habang maaga pa," saad niya.

My forehead creased more.

"Ha? Ano yun Stella?" tanong ko.

"Habang maaga pa, layuan mo na. Umiwas ka na at huwag hayaang mangyari ang nakatakda."

Umalis siya at naiwan akong nakatunganga.

I can't understand what she just said. But I can feel the warning on it. Tila may malalim na laman. Nasapo ko ang dibdib at natulala. Ano ba ang nangyayari...

"May nahanap ka ng trabaho, Sweet?" Magiliw na tanong ni Irene at inabot sa akin ang plato na may ulam. Nagpasalamat ako ng tinanggap iyon.

"Oo, mabuti nga maayos ang oras, cooperative sa pag-aaral ko." Sinulyapan ko ang aking pagkain bago nagsimula. Ngumiti si Irene at tumango.

"Ano namang trabaho?" Tanong niya.

"Uh, maglilinis lang ako ng mansiyon na iyon. Araw-araw at wala namang sinabi kung anong oras kaya kung kailan ako pwede. Napagpasyahan ko na after class ako katulad sa dati kong trabaho," litanya ko.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon