Prologue

200K 4.8K 299
                                    


Hindi ko maalis ang tingin sa aking harapan. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malakas na hangin. Tears are streaming down from my eyes, takot na takot ako.

Dati naman normal lang ang lahat. Isa lang akong normal na estudyante, scholar ng Ruther University. Isang normal na babae na nagtatrabaho para mabuhay. Babaeng normal lamang na nabubuhay sa mundo. But now, everything has changed. Lagi na lamang akong napapahamak. At ang mga halimaw na nasa harap ko, lagi akong hinahabol ng mga uri nila. Ang mga bampira.

Ngumisi ang isa sa kanila at huminga nang malalim. I saw his eyes dilated.

"Napakabango, napakabangong dugo." Magaspang ang boses niya. Nakakatakot at nakapapangilabot. Ano ba ang magagawa ko?

I'm now cornered. Mataas na pader na lamang ang nasa likod ko. At pitong bampira, naglalaway, gutom na gutom at nagngangalit ang nasa aking harapan. Is this already my end? Bakit wala siya? Bakit wala siya ngayon para iligtas ako? Stupid, Sweet. Hindi lahat ng pagkakataon ay darating siya para iligtas ako.

"Wag mo na asahan na darating siya, dahil ngayong gabi tapos ka na. Lahat ng dugo mo ay sa amin na," saad ng nasa gitna. Lalo akong napaiyak nang humakbang sila palapit.

Niyakap ko lalo ang sarili at umatras hanggang lumapat ang likod ko sa malamig na pader. I guess this is really my end? Pero ang totoo ayoko pa, gusto ko pa na mabuhay. I still want to meet my parents. Gusto ko pa malaman ang dahilan kung bakit nila ako iniwan. Gusto ko pa silang makasama at maranasan ang pagmamahal nila.

Napadausdos ako paupo, ilang hakbang na lamang ang layo nila mula sa akin. I can hear their low growls. And it added chills on my spine

"Say goodbye now," saad ng isa.

Pinikit ko ang aking mata. Inisip ang lahat ng pangyayari sa buhay ko. Ilang beses din naman akong naging masaya kahit hindi buo ang pagkatao ko. I think those are enough, bilang baon ko. Umihip muli ang hangin. Nilipad ang buhok ko at tumabing sa aking muka. Isinubsob ko ang ulo sa may tuhod ko. Please, kung mamatay ako, I don't want to feel all the pain. Gusto ko diretso na. Sandali lang at hindi na ako magdusa pa nang labis.

Napasigaw ako nang may humawak sa leeg ko at hinila ako patayo. Naramdaman ko ang pagbaon ng mga matutulis niyang kuko sa aking balat. Nagsiungol sila na tila nababaliw nang tumulo ang aking dugo. Masakit, ramdam ko ang paglabas ng mga dugo mula sa katawan ko maging ang pagkapunit ng aking balat. Sa pagmulat ko ay sumalubong sa akin ang kanilang mga pulang mata.

Binitawan niya ako sandali at ipinalit ang isang kamay saka dinilaan ang bawat kuko kung saan may mga dugo ako roon na tumulo. Lalong umigting ang kulay ng mga pula niyang mata.

He growled loudly then raised his hand to attack me with his deadly nails. Pero bago pa iyon, narinig ko ang pagsigawan at ang pag-ungol dahil sa sakit ng iba pang bampira. Nabaling ang atensyon doon ng may hawak sa akin kaya sinipa ko siya sa tiyan.

Nang makita ko ang pamilyar na bulto niya, napangiti ako. Nanghihina akong napasandal sa pader at pinanood ang ginagawa niyang pagpaslang sa mga nagtangka sa akin. Hanggang sa isa na lamang ang natira, ang kaninang humawak sa akin.

Nilingon niya ako sandali, at sa likod ng maskarang iyon nakita ko ang pagbabago ng abo niyang mata sa napakapulang kulay. They have the darkest shade of red, almost black. Sinakal niya ang nasa harap niya saka sinipa. Agad niyang nilapitan kung saan ito tumalsik at tinapakan ito sa leeg.

"S-sandali..." Narinig kong pagmamakaawa ng bampirang tinatapakan niya.

"G-gusto kong malaman... bakit mo siya laging pinoprotektahan?" Tanong nito sa nanghihinang boses.

"Dahil ba siya ang nawawala mong kalahati? Ang iyong kabiyak?" Dagdag nito.

"No, it's more than that. Now, die...."

*****
Year started and ended: 2017
Supladdict<3

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon