Sweet's POV
May kaba sa dibdib ko sa bawat hakbang na aking ginagawa. I sighed at mas binilisan ang kilos ko. Sumunod ako kay Sir Lennox at pinanuod ang paglapag niya ng mga plastic bag sa ibabaw ng lamesa.
Ibinagsak din niya ang isang sako ng bigas sa may paanan ng sink. Kinuha ko ang sukli na natira sa pera na ibinigay niya.
"Sir ito po ang sukli," saad ko. Tinignan lamang niya iyon bago sumandal sa sink. He crossed his arms in front of his chest and stared at me.
Napalunok ako at bahagyang umatras. Inilapag ko ang pera sa lamesa at inabala ang sarili sa pagtingin ng mga ipinamili ko. Isa-isa ko iyong inilabas at nilagay sa ibabaw ng lamesa. Hanggang sa tumikhim siya na nagpatuwid sa akin ng tayo.
"Who's that guy?" his deep baritone voice asked.
Unti-unti kong ibinaba ang hawak na bote ng toyo bago siya nilingon at tuluyan siyang hinarap.
"Si Japhet po. Tinulungan lang po niya ako sa mga bilihin ko, hinatid niya ako." Kumunot ang noo niya na tila may malalim na iniisip.
"Why not grab a taxi?" matigas niyang utas.
"Aksidente po kasi niya akong nabangga at nabuhusan ng shake..." Itinuro ko ang jeans na may bahid pa ng shake. "And he was sorry. Para daw makabawi siya ay hinatid niya ako. Sorry, Sir. Siguro ayaw niyo na malaman ang address ng bahay mo o ang lugar mo. Hindi na po mauulit," saad ko at yumuko. Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay.
"Talagang hindi na dapat. Hindi ka pwedeng sumama sa kahit sinong lalaki lamang unless if it was me," he coldly said and walked away.
Natulala ako na pinanood ang papaalis niyang bulto. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga ako at binalingan ang mga binili ko.
Siguro nga mali iyong nagawa ko kaya nagalit si Sir. Galit na nga siya kanina, nadagdagan na naman. Hay naku, Sweet. I should be more careful with every decision I'll do lalo na kung may koneksyon sa kaniya o dito sa lugar na trabaho ko. He's so strict and tight.
Nilagay ko ang mga nabili sa pantry at inayos nang ayon sa kanilang grupo. Nilinisan ko muna iyon bago inilapag ang mga nabili. Ang bigas naman ay paunti-unti kong nilagay sa kaniyang lagayan.
Nilinisan ko na rin ang sink pati ang cupboard. Bawat sulok ng kusina ay sinigurado ko ang kaayusan para hindi na magalit sa akin si Sir.
Bakit nga ba big deal sa akin kung galit si Sir? Of course, siya ang amo ko. Siya ang magpapasahod sa akin tapos nakatira pa ako rito. Stay-in at all-around maid ako.
Nang matapos ay nagsaing na rin ako at nilagay iyon sa rice cooker. I chose to cook chicken curry. Mabuti na lamang nakabili ako ng mga rekado.
Kumpleto ang gamit sa kusina. Kulang lang talaga sa mga stocks pero dahil nakabili na ako, okay na. May oven, rice cooker, blender at iba pa. Kaya nakagagana ring kumilos dahil kumpleto at hindi na mahirap. Mabuti ring may backround ako sa paggamit ng mga appliances dahil pinag-aralan namin sa cookery noong grade 10.
Nilagay ko sa refrigerator 'yong mga itlog, butter at ilang prutas. May maliit namang freezer kaya doon ko nilagay ang mga nabiling karne. Atleast in case na may i-request si Sir na gustong kainin, handa na ang mga sangkap.
Pwera na lang kung foreign food ang hingiin niya, bibili na lang ako sa restaurant.
Naghanda na ako ng kakainin. Naglagay ako ng kanin at ulam sa magkaibang bowl at dalawang plato. Pares ng kutsara at tinidor saka malamig na tubig.
Tinignan ko ang wall clock and it's already 11:45. I waited for Sir Lennox. Ayoko kumain nang kusa. Mas mainam kung hintayin ko si Sir. At kung hindi naman niya ako gusto kasabay, kapag natapos na lamang siya.
BINABASA MO ANG
Dark Love
VampireA Stand Alone Vampire Novel "You're my obsession. You're my dark love, you're mine. Only mine." Sweet Aphrodite Villegaz is a girl who has a simple life. Scholar of the Ruther University and a total independent woman who lives her life without her p...