Sweet's POV
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood siya na maglampaso ng sahig. He looks so serious at mabilis din kumilos. Napagpasyahan namin na maglinis muna ng bahay. Pero hindi niya ako binigyan ng mabigat na gawain, taga-hugas lang ng plato at punas-punas lang. Siya ang gumawa ng mga mabibigat na gawain.
Halos mabitawan ko ang hawak na baso nang hubarin niya ang suot na pale blue shirt. Tumambad sa akin ang perpekto niyang katawan. Tumingin siya sa gawi ko kaya agad akong umiwas ng tingin at tinuon ang atensyon sa pag-ayos ng cupboard.
I sighed at naghintay ng ilang minuto bago muli siyang sulyapan. Ngunit napaatras ako nang halos mauntog ako sa didbdib niya. Uminit ang pisngi ko nang makita siyang nakadungaw sa akin. He's playing with his lower lip while staring at me amusedly. Tumikhim ako at muling tinuon ang atensyon sa ginagawa, pero ang totoo ay siya ang nasa utak ko.
Napapikit ako nang yumakap ang mga braso niya sa bewang ko. He rested his chin on my shoulder at sinandal ang ulo niya sa akin. Napangiti ako sa kilos niya. Hindi siya gaano ngumingiti ngunit palagi kong nararamdaman ang lambing niya.
Tatlong araw na ang lumipas mula nang nangyari iyon. At matapos ng senaryo na halos gusto niya akong paalisin ay lagi na siyang nakalapit sa akin. Madalas para siyang koala na nakayap sa akin. Kapag natutulog ay tumatabi na rin siya. Ramdam ko ang pagbawi niya and I can sense how sincere he was for being sorry about what he did.
Napatalon ako nang lumapat ang kaniyang labi sa leeg ko. Pakiramdam ko ay nakuryente ako kaya napakapit ako sa braso niya.
"Hmm... my Sweet. I love you." Mariin akong napapikit at napangiti.
At sa ilang araw na lumipas ay palagi niyang sinasabi ang katagang na 'yan. Walang tigil hangga't may pagkakataon siya. Kaya naman tumatatak talaga sa isip ko at puso. At kahit ano mang magawa niya sa 'kin ay lagi kong maaalala na mahal niya ako.
Hindi rin ako halos makapaniwala dahil masyadong mabilis para maramdaman iyan. Ngunit hindi ko magawang magtanong sa kaniya kung paano dahil kahit ako ay gano'n rin. Sa maikling panahon na kasama ko siya ay malalim na ang nararamdaman ko. Mahal ko siya, I know that and it's immeasurable and unexplainable.
Kayang-kaya ko kalimutan ang lahat para sa kaniya. Ang pagkagusto ko kay Rage, ang malalim na nararamdaman ko sa lalaking nakamaskara, at kahit sa muntik niyang gawin sa akin.
I'm willing to surrender everything for him. Ngayon ko lang naranasan ang magmahal at mahalin nang ganito kaya hindi ko hahayaan na mawala 'to. I can feel how much he loves me.
Alam kong hindi niya ako lolokohin. Hindi niya ako sasaktan basta't kontrol niya ang sarili. At kahit nasaktan ako nang sinasabi niyang halimaw sa kaniya, I still love him.
Because loving means accepting all of his flaws and imperfections. At mahal ko siya. Ang lahat sa kaniya na kahit ang halimaw sa kaniya ay kaya kong mahalin. Kahit saktan niya ako kapag nag-take over na naman, I will stay on his side.
"I love you too..." I murmured. Binitawan ko ang hawak na baso at hinarap siya.
Nakadungaw siya sa akin at matiim na nakatitig. Hinaplos niya ang aking pisngi at hinawi ang mga hibla ng buhok ko. Kinawit ko ang braso sa kaniyang leeg at tumingkayad saka hinuli ang kaniyang labi.
Pinaglapat ko ang aming labi saka nagsimulang gumalaw. I moaned because of the softness and sweetness of his lips. Ang isa niyang braso ay pumulupot sa aking bewang at nilapit ako sa kaniya.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at mas nilaliman ang aming halik. He dipped down and entered his tongue inside my mouth. Our tongue met and dance in a rhythm. He even sucked it causing me to moan in pleasure.
BINABASA MO ANG
Dark Love
VampireA Stand Alone Vampire Novel "You're my obsession. You're my dark love, you're mine. Only mine." Sweet Aphrodite Villegaz is a girl who has a simple life. Scholar of the Ruther University and a total independent woman who lives her life without her p...