Chapter 3

81K 2.7K 55
                                    

Sweet's POV

Everything around me was blurry, at nang maalala ang lahat ay nagsimulang lamunin ng takot ang sistema ko. A monster suddenly popped in front of me. Napasigaw ako sa takot nang makita ang nagngangalit niyang mukha. Pula ang mata at tumutulo ang dugo mula sa kaniyang bibig.

"Nooooo!"

Nanginig ako nang magsimula siyang lumapit sa akin. In a blink of an eye, nasa harap ko na siya at kinagat ako sa bandang leeg. Napasigaw ako dahil sa sakit ng pagsipsip niya sa dugo ko. I can almost feel my veins going out from my body through the holes, kasabay ng pagsipsip niya sa dugo ko. Sabik na sabik siya. Napahiyaw ako sa sakit nang maramdaman ang pagkapunit ng mga litid ko sa may leeg.

Unti-unti na ring natutuyo ang balat ko. Namamayat at nawawalan ng kulay.

"N-no! Please, wag!"

"Sweet Aphrodite! Wake up!"

Napabalikwas ako ng bangon. Nanlalaki ang mata ko, mabilis ang aking paghinga. Tears are streaming down my cheeks. Nanginginig ang katawan ko dahil sa takot. My heart is beating so fast. I can feel it, almost leaping out from my rib cage.

"Ano bang nangyayari sa iyo? Lagi ka na lang binabangungot?" Nakatingin sa akin si Irene ng may bahid ng pag-aalala. While Stella is on her back with blank expression.

"I-I don't know..." Naguguluhan na rin ako. Pinadaan ko ang daliri sa buhok ko saka tumingin sa kawalan. Lagi na lang akong nananaginip nang ganito. Amonster attacking me... sipping my blood, killing me. Simula ng gabing iyon, lagi na lang akong nagigising dahil sa bangungot.

"Ano ba talaga ang nangyari? Simula nung araw na iyon, lagi ka na lang ganiyan," dagdag ni Irene. Napa-iling na lamang ako saka pilit na ngumiti. Maybe I was traumatized.

Irene sighed and asked me once again. But I answered her with the same words. Napa-iling na lamang siya bago lumabas. Stella took a last glance on me before walking out from the room. Huminga ako nang malalim bago isinandal ang likod sa headboard.

Hindi ko na alam kung totoo ba ang lahat ng nangyari noon. Ang halimaw, bampira na na-encounter ko sa pag-uwi galing sa trabaho. Ang lalaking nagligtas akin, na nakakubli sa likod ng maskarang iyon. Ang mga abo niyang mata. Napa-iling ako saka hinilot ang sentido. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa lahat ng pangyayari. Everything is normal, dati. Pero bakit ngayon, may kung anong nangyayari sa buhay ko?

May sakit ba ako sa pag-iisip? I can't accept it! Nakakapag-isip naman ako nang mabuti. Normal naman ang pakikihalubilo ko. Kaya parang imposible na may sakit ako sa utak! Hindi naman ako nagugutuman o ano pa man.

Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Sir Pablo. Ang tungkol sa balita. Ang mga natagpuang patay na may dalawang maliit na butas sa leeg, wala nang dugo at tuyong-tuyo na balat. And I have a theory behind those crimes. Walang iba kung hindi ang mga bampira, ang mga halimaw. At ang balitang iyon ay isang patunay na hindi ako nababaliw. I'm not just imagining things. Everything is true, not just made by my mind.

Should I keep it to myself? But I'm sure no one will believe on me if I share it. Everyone will think that I'm crazy. Lalo na at may history ako, I mean, ang dilim ay may ibang epekto sa akin. At kapag nalaman nila iyon, it will make everything worst. Sasabihin nilang may problema ako sa utak.

I sighed once again before getting out from the bed and started to do my morning rituals. Sa bawat ginagawa ko, sandali akong napapatulala dahil biglang pumapasok sa isip ko ang nakababaliw na karanasan na iyon. Hindi na maganda ang epekto nito sa akin. Nagiging paranoid na ako. Natatakot lagi, at hindi mapigilang magmasid sa paligid. Laging nababahala na baka may aatake sa akin.

Dark LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon