opposite 17 ➸ sports fest

180 11 16
                                    






Wheein's POV



Nagmamadali akong tumatakbo papuntang tennis court para makahabol sa panunuod ng game. Kanina pa kasi nagsisimula yung laban ng tennis at nandoon na rin si Yongsun eonnie at Hyejinie.


Ang hirap pa kapag biniyayaan ka ng maikising legs. Siguro sabi ng diyos, masyado na akong pinagpala kapag tumangkad kaya pinaliit niya nalang ako.


Haha ganun nga.


At kung mamalasin pa, tinatawag pa ako ngayon ng kung sinong walanghiyang hunghang.


"Ms. Jung? Ms. Jung!" Napalingon ako at nakita si Sir Chanyeol na maraming bitbit na sari-saring bola. Nagmukha naman siyang tuod sa puno ng grapes dahil doon.


"Baket po sir?"


"Alam kong isa kang mabuting estudyante sa paaralang ito. Patulong naman oh, papunta ka din ng tennis court diba?" Sir.


"Nyetang 'to. Nangbola pa! Haha, abe na nga Sir." At opkors, dahil isa akong babaeng may busilak na kalooban tinulungan ko nalang si sir. Kinuha ko sakanya yung tatlong bola.


Kaya naman pala nahihirapan si sir. Ang laki at bigat pala ng mga bolang ito, naks laki ng balls.


Nakakainis lang habang naglalakad kami kasi ang tangkad masyado ni Sir. Mas lalo akong magmumukhang unano, ilayo niyo nga saakin
itong animal na 'to :--(


"Nakakamiss rin yung presensya ni Taehyung 'no?" Out of the blue na tanong ni Sir.


"Po?" Naguguluhan kong tugon. Pero di niya naman ako binigyan ng maliwanag na sagot, bastos amp.


"Naalala ko pa dati nung recitation. Nagreklamo siya kasi tinanong ko si Jimin ng 3+1, at nasagot ito ni Jimin ng 4. Tapos nung tinanong ko na siya ng 1+3 nagalit siya saakin kasi langya daw, may favoritism daw ako. Mahihirap daw na tanong yung binibigay ko sakanya." Saad ni sir at napapunas pa ng luha.


Baket biglang nagthrow-back si sir? Napaluha pa. Baket nasaan ba si Taehyung? Pumanaw na ba si V? Jusqlored!


"Di ko po kayo gets sir? Labo you." May mahihinang tawa ang tumakas sa labi ni sir.


"Akala ko ba best friend kayo? Di ka man lang ba informed na umalis na siya, nag-migrate na ang best friend mo." Sir Chanyeol.


"Haha. Naku Sir, wag mo ako jino-joke. Di tayo close." pabiro kong saad pero deep inside gusto kong magbiti sa puno ng kamatis.


"Hay Ms. Jung. Mukha ba akong nagbibiro? Sayang nga dahil kayo sanang dalawa yung papakantahin ko mamaya kaso hindi na raw aabot." dismayadong tugon ng kapre kong adviser. Feeling ko naman ay nabagsakan yung maliit kong katawan ng maraming hollow blocks dahil sa information kong nakalap.


"Asaan naman siya lumipat sir?" Tanong ko dahil sa sobrang pagka-curious.


"Sorry wheein, hindi ko yan masasagot dahil hindi ko rin alam." malungkot na sabi ni sir nung nakarating na kami sa court. Inilapag ko yung dala kong bola sa isa sa mga teacher's desk "Salamat sa pagtulong Ms. Jung. Mabuti pang itanong mo nalang sa mga hyung niya, sila ang mas nakakaalam." nag nod naman ako.


opposite » moonbyul & seokjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon