opposite 14 ➸ self camera

199 11 22
                                    





Hwasa's POV


[Location: Punyitang Park]

"ARAY KO PUTA." sabi ko nung nakaramdam ako ng isang malakas na hampas ng nakarolyong bond paper galing kay wheein.

"AHN HYEJIN AT MIN YOONGI ANUBA GUMAWA NA KAYO NG PROJECT KUNG AYAW NIYONG BUMAGSAK!" pangangaral saamin ni madam wheein. niroll eyes-an ko nalang siya at hinablot yung papel tungkol sa punyetang virtual family project na iyan.

Nakasulat dito yung mga dapat naming gawin tulad ng kumuha ng picture na nagpapakita ng masayang pamilya habang nagq-quality time, listahan ng family plans, endearment, time organizing, at marami pang iba---PUTA DAMING ALAM.

Seryoso? Ba't kailangan pa naming gawin 'to? What's the point? Diba? At ayos. Kami pa ni Yoongi yung naging mag partner, dalawang walang pake or in short we don't give a shit.

Ready na sana akong gawin ang kaletchehang ito nung makarinig ako ng malakas na hilik galing sa partner ko na ngayon ay mahimbing na natutulog at tumutulo ang laway sa picnic blanket.

By the way. Yes, nagpipicnic kami ngayon. Nag-suggest kasi si Wheein na sabay na kaming gumawa ng project at magpicnic nalang para sa 'quality-time' part.

"Galing galing talaga ng partner ko." sarcastic kong sabi, habang sarcastic na pumapalakpak. Hindi naman ako mahilig sa sarcastic na bagay diba? Paano ba naman kasi, tulog nanaman si Suga. Hays.

"Haha. Buti nalang ako si bes Taehyung nakapartner ko, swerte ko talaga." sabi ni Wheein sabay yakap niya kay V. Si V naman napangiti nalang ng mapait. Kahit gaano ko pa ka-close itong tukmol na 'to, minsan talaga iniisip kong batuhin si wheein ng upuan para magising siya sa realidad na nakakasakit na siya. Manhid.

"Haha.. Ah.. Eh.. Yoongi hyung gising ka na. Para matapos niyo na ito at makapagpahinga ka na sa dorm, gusto ko na rin umuwi." awkward na panggigising ng taehyung kay yoongi. bumangon naman siya at pinunasan ang laway sa gilid ng kanyang labi. "Okay." sabi niya in a low voice.

Inayos namin ang aming picnic blanket at yung fake baby sabay nag-pose ng stolen shot kuno. Kunware totoong nagpipicnic kami. Choss.

"1, 2, 3, smile!" sabi ni taehyung habang bitbit ang camera. Nakatayo naman si wheein sa tabi ni taehyung, tumutulong siya sa pagdidirect.

"Hmm.. maganda na sana yung shot kaso nakabusangot kayong dalawa." si taehyung habang inii-scan yung mga shots niya, nakitingin naman si wheein.

"Tingin ko okay na yan? Hindi naman kasi uso sa dalawang yan yung salitang 'ngiti'." Pagpapaliwanag ni wheein. Well, hindi namin kasalanang biniyayaan kaming dalawa ng gorgeous resting bitch face. Heh.

"Ano nga palang endearment naten?" tanong ko kay suga. Pota, hindi niyo lang alam pero gusto ko ng lamunin ng lupa habang tinatanong ito. Shet.

"Gusto ko sanang 'oppa' ang tawag saakin eh." bulong ni min yoongi pero hindi ko narinig ng clear. Hala, baka mamaya minumura na ako nito.

"Ha?" tanong ko sakanya.

"Bitch. Oo 'bitch' nalang para swag." sabi niya pero parang shook pa rin siya na ewan.

opposite » moonbyul & seokjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon