opposite 18 ➸ past

212 10 70
                                    





Moonbyul's POV




"Late ka nanaman. Asan ang ID m—"


"Oh ito kuya guard lamunin at laklakin mo." sabi ko kay guard at itinapon sakanya ang aking ID.


Hindi naman sa pagiging bastos pero sa lahat ng estudyante saakin lang mainit ang ulo ni kuya guard. Lagi niya akong sinisita kahit naka-full uniform ako. Araw-araw niya akong tinatalakan, dinaig niya pa yung  mama ko sa pagalingan mag-fliptop.


Insecure siguro si gagito dahil mas pogi ako sa kanya. Pogi problems nga naman. Ugh!


Pumasok ako sa classroom ng nakabusangot at naka taas ang isang kilay na tila mo'y namamakyu. Masama ang timpla ng araw ko ngayon kaya don't me. Mga ilang segundo lang ay pumasok na rin si sir sa classroom.


"Alam ko namang aware kayo na nabawasan ang bilang niyo dahil nag transfer na si taehyung sa hindi ko alam na lugar at dahilan." Pagkatapos ng speech ng adviser namin na si Sir Chanyeol ay nabalot ang classroom namin ng bulong-bulungan.


"Lumipat na ng universe si elyen?"

"Puta baka na-abduct ng mga kalahi niya?"

"Kaya pala ang tahimik na ng classroom."

"Baka nag-evolve bilang libag?"


Napadako ang tingin ko kay Wheein na tahimik sa isang sulok at biglang lumungkot yung ekspresyon, hindi ko rin siya masisisi kasi bigla nalang umalis si tete ng walang paalam. Kahit sino walang nakaka alam kung nasaan na siya ngayon. Hindi rin siya macontact. Hays.


Ang aga nakaka-stress, nabubulabog ang brain cells ko.


Sinandal ko nalang yung ulo ko sa desk ko.


"But wait, there's more!" rinig kong sabi ni sir.


"Dahil ika nga nila kapag may umaalis, may dumadating." Oo nga sir. Pag may pumapasok may lumala---sabi ko nga tatahimik na ako.


Nagbulung-bulongan nanaman yung mga kaklase kong may lahing bubuyog.


"Okay class we have a transferee, you have a new classmate." Aniya ni Sir.


"Omg shet sana pogi."

"Kyaaaa~!"

"Shit. Kinikilig punja ko bes, sana chix."


Nabuhay ang katawang lupa ko kaya ini-angat ko ang aking ulo at kinalabit yung kaklase ko na nakaupo sa harap. "Psst. Wie! Babae ba yung transferee?" tanong ko sa kaklase kong si wilein dahil mas malapit siya sa bintana at nakikita niya ng konte yung labas.


"Hindi, Lalaki siya bes! Emerged mukhang pogi!" Sabi niya.


"Ay ganon? Sige salamat." Dismayadong sagot ko at ibinalik ang ulo ko sa pagkakasandal sa desk.


opposite » moonbyul & seokjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon