opposite 31 ➸ fight night

178 2 1
                                    






Jin's POV


Matapos ang ilang araw, tila naliwanagan na ang mama ko at napapayag ko siya na i-kansela ang deal namin kay Sowon at ako na ang ipinagmanage niya ng company kaya mas lalo akong naging busy sa trabaho.


Pero kahit gaano pa man ako kabusy bawat araw. I always caught myself na sinusundan si Moonbyul after my work dahil na rin siguro sa pagka miss at pag-aalala ko sakanya. Stalker? Handsome na stalker. I hate looking like a creep but I don't really have the guts para lumapit sakanya. Alam kong galit siya saakin pero mas galit ako sa sarili ko.


What have i done? Sinira ko lang naman yung tiwalang binigay niya saakin.


Di ko mapigilang maawa habang tinitignan siya. Ang payat niya at lubog ang mga mata. Gusto ko siyang i-uwi at alagaan. Kung hindi siguro siya galit saakin ay kanina ko pa siya kinaladkad paalis ng bar.


Nangangayayat na nga iinom pa ng alak.


Uminit lalo ang ulo ko nang dumating si Minhyuk at sinaluhan siya sa lamesa. Magkasama sila ngayong dalawa at nag iinuman.


I calmed myself kahit gustong gusto ko na sugurin si Minhyuk, nagpatuloy lang ako sa pagmamasid sa kanilang dalawa.


Pagkaraan nang ilang oras ay lasing na silang dalawa pero mas lasing nga lang si Moonbyul. Nag simula siyang umiyak and at that moment di ko mapigilan na mainggit kay Minhyuk.


Sana ako yung nasa tabi ni Moonbyul ngayon at nagpapatahan sakanya. Kaso hindi eh, ako ang dahilang kung bakit siya umiiyak ngayon.


I saw her crying so hard. Kung pwede ko lang punasan ang mga luha niya ngayon ginawa ko na.


Napapansin ko na napapatagal na ang paghawak ni minhyuk kay moonbyul kaya lumapit na ako.


"Hey. Stop it." pagsita ko rito.


"Napapatagal na ata yang hawak mo pre. Diba sinabi ko sayo na layuan mo na si Byul?" sabi ko saka inalis ang kamay ni minhyuk na naka hawak sa mga kamay ni byul.


"Bakit? Kinocomfort ko lang naman siya kasi umiiyak siya nang dahil sayo. Kung hindi mo naman ginago diba." giit ni minhyuk na ngayon ay nagpipigil na rin ng galit saakin.


"Dont act clean pare. Huwag kang umasta na parang wala kang kasalanan at hindi mo rin siya ginago big time." napangisi ako dahil kung tutuusin ay pareho rin naman kaming nagka-mali kaya wala siyang karapatang magmalinis.


"Oo ginago ko siya pero pinagsisisihan ko 'yon. Eh ikaw? Anong ginawa mo?" tanong niya


"It's s none of your business." bland kong sagot dahil wala naman akong dapat ipaliwanag sakanya.


Napadura ako ng dugo nang lumapat ang kamao ni minhyuk saakin.


"Tangina mo pala eh! Hindi ako magpapaubaya para saktan mo lang siya ng ganito." sabi niya habang akmang susuntukin ako kaya agad akong umiwas. Aatake ulit sana siya saakin pero this time lumalaban na ako at binalik sakanya ang mga suntok. Pinagtitinginan kami ng ibang tao sa bar dahil sa paggawa namin ng eksena.

Si Moonbyul na lasing na lasing at tila walang muwang ay tumatawa lang at nagchicheer saamin habang nagsusuntukan kami. Animal na bayhanang ito sabunutan ko 'to siya ng slight pag nagbati kami.


Di nagtagal ay lumapit na saamin ang mga bouncer ng club para awatin at sabihan kami na umalis na sa lugar kung hindi ay sila mismo ang mag papalabas saamin.


"Subukan mo lang siyang saktan ulit at hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sayo." wika ni minhyuk bago naglakad paalis. sinadya niya pang baggain ang balikat ko nung nilampasan niya ako.


Nag send ako kay solar ng message na sunduin niya si byul sa bar as soon as possible. Saglit akong umupo sa tapat ni Byul at naghintay para di siya maiwan mag-isa habang natutulog sa lamesa.
Natatakot akong iwan siya baka kasi pagdiskitahan ng ibang lasing dito, mahirap na. Hinawakan ko saglit ang malamig niyang kamay.


Nang makita ko si Si Solar, Wheein, at Hwasa sa entrance na kasalukuyang naglilibot ng paningin, tila hinahanap kung nasaan si Byul ay agad akong naging kampante kaya sinuot ko ang aking close cap saka lumabas ng bar bago pa nila ako makita.

opposite » moonbyul & seokjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon