opposite 21 ➸ courting him

289 9 52
                                    





Moonbyul's POV




SATURDAY, 7:30 AM


*kring krong kring krong


"Tangina mo, panget ng tunog amp." Wala sa wisyo kong sabi saka kinapa yung bwiset kong alarm clock at hinagis sa pader.


Naupo ako at nagtanggal ng morning glory sa mata. Teka anong oras na ba? Joke. Hinagis ko nga pala yung alarm clock ko, hehe. Medyo obob.


Sabi nga daw nila nakakabobo daw kapag inlove ka. Inla-BABO. Ganon.


Sino nga bang inlove dito? Oy hindi ako ah!


Napahikab ako saka inabot yung phone ko para makita yung oras. Pero sahalip na sa oras ako tumingin mas napukaw ng atensyon ko yung nag-pop na notification.


1 message received!

from: dyosa kong future-jagi
Hello! Gandarang Morning!
See you mamaya! :)


Napangiti naman ako ng parang ewan bago magreply.


At hoy ha! Si Jin yung naglagay ng pangalan niya sa contacts ko. Abno talaga. Sabi ko nga mas better yung 'bhe' kesa sa 'jagi' na yan. Seokjin bhe. Ganon.


"Labi mo bes mapupunit na. Landi mo pakyu." saad ni wheein na kagigising lang din.


"Aga mong mang-trash talk, hindi ka pa nga nakakapagpunas ng laway mo. Dugyot mo." sabi ko kaya agad na napapunas si wheein sa gilid ng labi niya.


"Ay. Oo nga, noh? Sige lang matutulog pa ako ulit. Goodnigh— I mean goodmorning! Morning na nga pala hehe." sambit ni jindo saka tumalukbong sa kumot niya. pero bago pa siya makatulog ay nilapitan ko muna siya tapos tinakpan ko yung mukha niya gamit yung unan niya para hindi siya makahinga, "Ayan, pakyu wag ka na sana magising." saad ko matapos kong i-choke slam si wheein, sweet ko talagang kaibigan hehe. bumalik na ako sa pagtetext. wait, ano bang irereply ko dito? Huehe.


to: dyosa kong future-jagi
Good Morning SeokJin bhe! Pinuyat mo akong letche ka! :)


Gago baka ibang pagpupuyat yang nasa isip niyo ha? Si baklita kasi tinawagan ako kagabi. Yung kwentuhan namin umabot ng madaling araw kaya tuloy lutang at sabog ako ngayon dahil kulang ako sa tulog.


Bumangon na ako saka pumunta sa kabilang kwarto.


Kwarto ng hwasun or lemak (leader-maknae)


Tumambad sa akin ang kwarto nilang magenta at silver ang tema ng mga kulay, ilang pares ng high heels, silver na closet, tapos salamin at table na puno ng cosmetics.


Ibang-iba talaga kung ikumkumpara mo sa kwarto namin ni wheein. Daig mo pa ang lumipat ng planeta sa kabilang lupalop.


Lumapit ako sa kama ni Solar saka dahan-dahan siyang inuyog ng konte.


UYOG BHE


opposite » moonbyul & seokjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon