A/N:
Hi sa lahat! Kaway kaway sa mga magagandang readers diyan!!!BTW, this chapter is dedicated to @MaxxAna
Dahil siya po unang nag comment...
Sa mga gustong mag pa dedicate diyan comment lang.
Enjoy reading guys!
MARJ'S POV:
Yay! Sa wakas after long long years natapos din!
Nag unat muna ako bago inayos ang mga gamit ko.
"Sa wakas uwian na! "
Masiglang sigaw ni Dona ang Classroom mayor namin."Hooh! Nangawit ang pwet ko kakaupo."
Reklamo ni Jhemaica habang nag uunat din. Siya ang VIce mayor namin."Ang tagal nga eh nagutom tuloy ako. "
Reklamo ni kyla na Auditor namin. Eh, lagi naman tong gutom eh."Guys una na ako. "
Paalam ni Pierre na kanina pa uwing uwi."Ako din bye guys! See yah! "
Sabi ni larri at tumakbo na palabas ng room."So pano sabay na tayong lumabas baka sarhan pa tayo nong masungit na kalbong guard.hahaha! "
Sabi ni Myka na nag patawa sa lahat."Wala sakin iyong guard na yon mas malakas ako noh! "
Pagyayabang ni Jhon Rey ang sgt. at arms naming lalaki.Napa irap naman ako sa hangin.
Dahil sa kayabangan nito.Nag lakad na kami palabas ng classroom namin habang nagtatawanan pa.
Mag 6 o' clock na kaya medyo madilim na ang paligid pero may ilaw naman itong hallway kaya kitang kita parin kami.
Nag overtime kasi kami para sa gagawin naming belen para sa belen making contest.
"Dito na ako guys sa kabilang kalye kasi ang bahay namin. Bye! Ingat kayo! "
Paalam ni myka."ikaw din baka may multo diyan! Hahah! "
Paalam din ni kyla.Nag kwentuhan kami habang naglalakad.
"Oh girls, pano ba yan dito nako ingat kayo sa mga loko loko diyan ah."
Paalam ni Jhon rey.Tatlo na lang kaming naglalakad ngayon.
Mag kakalapit lang kami ng bahay mga isang block lang ang layo."Gotta go mga bhest dito nako.Ingat kayo ah"
Paalam ni Dona.Sa aming tatlo ako ang may pinaka malayong bahay.
"So I guess dito nako bhest. Ingat ka ah marami pa namang siraulo diyan sa tabi tabi.Good night. "
Paalam ni kyla at pumasok na.So, I guess I need to walk alone.
Hayss,Nag lalakad ako habang nag hu humming ng kanta ng bigla akong napa tigil at kinilabutan dahil sa narinig ko.
"Hmm.. Mmm.. Mmm... Hmm.. "
Nangilabot ako sa narinig ko. May nakiki sabay sa akin habang nag ha hum ako.
Iwinaksi ko na lang ang aking iniisip at nag patuloy sa paglalakad.
Madilim na sa bandang ito dahil sira ang mga street lights.
Tumaas ang balahibo ko ng maramdaman ang kakaibang lamig ng hangin na humaplos sa balat ko. Nag sitaasan ang balahibo ko sa batok ng parang may naramdaman akong dumaan sa likuran ko.
Nag simula na akong pag pawisan ng malamig at mangatog ang mga tuhod ko.
Kahit nahihirapan ay nag patuloy pa din ako sa paglalakad.
Napako ako sa kinatatayuan ko ng may makita akong isang sumisilap na bagay sa tabi ng isang street lights.
Unti -unti akong nakaramdam ng matinding takot ng ma realize ko na isa pala itong kutsilyo..
Katapusan ko na ba?
Sa dilim ay lumabas ang isang......
Hindi ko alam kong lalaki ba ito o babae.Naka black leather jacket ito na hood at naka cap ng itim.
Naka suot ito ng rubber shoes na itim at naka pantalon ito ng medyo maluwang at itim.Si kamatayan naba to?
Kung joke lang to siguro mata tawa ako sa mga sinasabi ko.
"Are you ready to DIE? "
Naguluhan ako bat parang.....
Naka voice changer siya kaya hindi ko malaman kung anong gender niya.Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nag simula na siyang lumapit sa akin.
Gusto kong tumakbo pero ayaw kumilos ng mga paa ko.
Nangilabot ako ng makita ko ang ngisi niya.. Ang Ngising demonyo.
Nag simula nang tumagatak ang pawis sa katawan ko.
"Scared of me huh? "
Sabi niya at ngumisi ulit.Pero bakit hindi ko makilala kung sino to.
"Pakialamera! "
Napa luhod ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Napa hawak ako sa nama manhid kong braso. Nakita ko ang pag agos ng dugo mula dito.
Dugo?
Na realize ko na nadaplisan pala ako ng ibinato niyang kutsilyo.
Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko.
NAglabas ulit siya ng isa pang kutsilyo at dinilaan ito na naging dahilan ng pag dugo ng kanyang dila.
Gusto kung mahimatay at masuka sa ginawa niya.
Napa pikit ako ng iniamba na niya ang kutsilyo sa akin.
Ito ba talaga iyong feeling nang malapit ka nang mamatay?
Napa mulat ako ng maramdaman ang pag hawi sa buhok ko.
"A-alister? "
Napa tingin ako sa paligid.
"Nasan na yong killer? "
Nagtataka kong tanong."Nakatakas.. "
Sabi nito.Nasa hospital na ako ngayon para magamot ang sugat ko sa braso.
"Salamat sa pag ligtas."
Sabi ko."Welcome." sabi nito.
Nag paalam na si Alister at naiwan muna ako sa hospital dahil medyo malalim ang pagka kasaksak.
Pumikit na ako para maka pagpahinga.
Nakaka pagod ang araw nato.Naka harap ko si kamatayan...
Pero may isang tanong na bumabagabag sa aking isipan......
Bakit nandoon si Alister?
Hindi kaya..............
A/N:
Pabitin much.hahaha!
Sorry guys short update lang siya.Bawi ako next time....