CHAPTER 30: THE WARNING

63 6 3
                                    

A/N:

So I know nalilito na kayo sa flow ng story.. Pero intindihin niyo nalang dahil malapit na ang ending.

So this chapter is dedicated to all my avid readers

******

JHEMAICA's POV:

Naglalakad kami ngayon ni Vhon papuntang likod ng resthouse baka kasi nandito sila o ang isa man sakanila.

"Mai...pano kung ako pala ang killer, anong gagawin mo?."- tanong niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"Lahat tayo may motibong pumatay pero kung ikaw ang killer.... Hindi ako tatakbo o magtatago."- Sagot ko.

"Bakit naman, hindi ka natatakot?."- Tanong niya.

"Natatakot. Pero maraming gumugulo sa isipan ko na mga katanungan at gusto ko sana na masagot man lamang kahit isa sa mga ito."- Sagot ko.

"Ikaw vhon...pano kung isa pala kina Nad at Jerico ang killer, anong gagawin mo?."- tanong ko.

Naupo naman siya sa may putol na puno at sumunod naman ako sa kanya.

"Sa babae palang alam ko ng magkakaribal na kami. Una niyang nagustuhan si Nad at M.U nga sila dati eh. Pero nalaman ni myka na may Gf na pala si Nad kaya ayon nabaling ang atensyon niya kay Jerico. Alam mo iyong masakit doon? Iyong ako ang nasa tabi niya ng mga oras na kailangan niya ng makakapitan pero kay Jerico pa siya nahulog. "- Seryosong pahayag nito.

Nakaramdam naman ako ng awa kay Vhon. Minsan lang siyang magmahal pero masasaktan pa siya.

"Mahal ko ang mga kaibigan ko. Oo bakla mang isipin pero mahal ko talaga sila na parang mga tunay na kapatid. At kahit malaman ko pa na isa sa kanila ang killer ay hindi iyon magbabago . "- Sabi nito at saka tumayo na.

"Tara na, maghanap na tayo malapit ng mag Four."- sabi niya at nauna ng maglakad.

Sumunod naman ako sa kanya at nanlaki naman ang mga mata ko ng may bigla nalang nanghila sa akin at magtakip ng panyo sa bibig ko.

"Mag ingat ka... Mag ingat kayo... Malapit na ang katapusan... Mag ingat kayo."- bulong nito na nagpanindig sa mga balahibo ko.

Hindi ko siya makita pero alam kp na siya ang nagligtas noon sa akin. Binitawan na niya ako at tumakbo na siya palayo. Hindi ko man lang siya nakita...

Warning...

Binigyan niya ako ng babala pero bakit? At sino siya?

Naglakad na ako pabalik at nakasalubong ko naman si Vhon na mukhang nag aalala.

" San kaba galing mai? Bat ka kinakabahan diyan ha?."- takang tanong nito.

Pinunasan ko naman ang pawis ko sa noo gamit ang likod ng kamay ko.

"Okay kalang ba? May nangyari bang masama?."- tanong nito.

Umiling nalang ako. Kinakabahan ako...

Paano kung...

*******

KING's POV:

Kasama kong naglalakad sI Rv at tinatahak namin ang daan patungong storage room na medyo malapit sa rest house. Lagayan ito ng mga sirang gamit at electric supply namin kapag dito kami nagbabakasyon nina Jhon rey.

"Hays! Nakakapagod naman.
Saan ba nagsusuot ang mga bruhang iyon.?!"- inis na sabi ni Rv at nagpapadyak sa tabi ko.

"Tara na malapit na tayo kaya huwag ka ng mag inarte diyan."- sabi ko. Inirapan niya lang ako at saka padabog na naglakad.

Dala ko ang duplicate na susi ng pintuan nito dahil baka daw may hahanapin ako dito in case of emergency.

"Shit! Ang creepy naman dito."- sabi ni Rv at niyakap pa ang sarili niya.

Actually hindi talaga siya bodega parang lumang bahay lang ito. Two storey building din ito at inabando na ng pamilya namin dahil daw isinumpa ang bahay na ito.

Pagbukas ko ng pinto ay lumangitngit ito at napatakip ako sa ilong ko ng makalanghap ng alikabok.

"Ano ba yan, ang alikabok naman dito. Imposible naman na pupunta sila dito. Tara na nga. "- sabi ni Rv at lumabas na.

Sumunod na ako sa kanya pero napatigil ako ng malapit na ako sa may pintuan. Biglang nanindig ang balahibo ko ng parang may naramdaman akong nakatingin sa akin.

Lumingon ako sa likuran ko at napabuntong hininga naman ng makitang wala palang tao.

Pero pagharap ko ay...

"Ahhhhhh!!! Multo! Multo!."- sigaw ko .

*Pak!*

"Aray naman Rv bat ka nananapak diyan ah."- Reklamo ko.

"Tanga tanga lang king? Maka sigaw ka naman kasi ng multo eh, ako lang kayo yon. Tsk!."- sagot nito at nauna nang maglakad.

Maglalakad na rin sana ako para sundan si Rv pero may bigla bigla nalang nagtakip ng bibig ko at hilain ako papasok ng lumang bahay.

Nakaramdam nalang ako ng pagkahilo at bago nawalan ng malay ay narinig ko pa ang pagsara ng pinto.

********

Iminulat ko ang mga mata ko at hindi na ako nagulat ng mapagtanto kung nasa lumang bahay ako at nakatali ang kamay at paa ko.

Alam ko namang dito din ako hahantong. Sa kamatayan ko.

Napalingon ako sa harapan ko ng makita ang nakapamulsang babae.

"Ikaw?...teka diba dapat si.."- takang sambit ko.

Teka, bat ang gulo gulo ...

"Oo king ako eto, ako ang pumatay sa mga kaklase natin. Ang hirap kasi sainyo mabilis kayong magtiwala porket maamo na ang mukha ko. Tsk!."- nang iinis nitong sabi.

"Tama nga sila. Kung sino pa ang hindi mo inaasahan ay siya pa pala ang sasaksak sayo. Infairness, ang galing mong umacting ah. Pang best actress,"- sabi ko at tumawa pa.

"Well. Thank you for the compliment. Pero kailangan ko ng magmadali bago pa mag 5 baka masira pa ang mga plano namin. Kambal!."-

Lumabas naman ang kambal na tinawag niya at sobrang nagulat ako ng makita ito. Teka, bag andito siya?

"B-bakit?.. Paano?.teka..ang gulo."- nalilito kong sabi.

Nginitian lang nila akong dalawa. Hindi sila magkamukha kaya hindi kapani paniwala na magkambal sila

"Simulan mo na kambal. Naiinip na si babe."- utos niya sa kakadating lang na kambal nito.

Nginisian naman niya ako at saka lumapit sa akin.

"Long time no see king."- sabi nito.

"Ahhhhhh!!!!."-

Para akong baliw kakasigaw dito. Nang magsimula niyang balatan ang braso ko.

Naiyak na ako sa sobrang sakit.

"Tama na....pa..tayin mo..na..lang a..ko."- nanghihina kong pagmamakaawa .

Pero imbes na tigilan ay ngumisi pa ito at sinaksak ako ng paulit ulit.

"Ugh! Ack!."- nagsimula na akong sumuka ng dugo.

Dinilaan pa nito ang kutsilyo na ginamit niyang pambalat at pangsaksak sa akin.

Nanlabo na ang paningin ko at anytime ay alam kung babawian na ako ng buhay...

Nang balatan naman niya ang mukha ko ay wala na akong lakas na sumigaw at magmakaawa pa.

Hanggang unti unting pumikit ang mga mata ko kasabay nito ay ang pagtusok niya ng kutsilyo sa mga mata ko...

CLASS 9-A ( Section of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon