ChAPTER 20: LIGHTs OFF

84 8 8
                                    

JESsA Mae's POV:

Paggising namin ay 7:00 am na.

Buti nalang at si Maam cherybel ang first period namin at paggising ko ay nakatingin siya sa amin.

Mukhang malalim ang iniisip niya.

"Maam okay ka lang?."- tanong ni Alister na kagigising lang.

"Oh. Gising na pala kayo mga Anak..magpahinga muna kayo. Alam kong napagod kayo."- puno ng pag aalala na sabi niya.

Di naglaon ay nagising na din ang lahat.

"Hindi parin ba bumabalik si Geo?."- tanong ni Kristine.

"Hindi pa ata. Wala naman siya dito."- sagot ni Roger.

Nag order naman ng coffee ang iba naming classmates at maging ng tinapay at sabay sabay kaming kumain .

Malungkot at konti nalang kami pero okay lang kasi atleast di parin kami sumusuko.

Matapos kumain ay parang wala kaming kabuhay buhay na nakatulala sa kawalan.

Pinalabas nalang namin na nag transfer nalang ang mga classmates naming namatay.

Nakaklungkot kasi parang wala silang paki alam at parang hindi sila naniniwala sa amin.

Napatingin ako sa mga kaklase ko at tinitigan sila isa isa.

Napansin ko ang namumulang bahagi sa may noo ni Anthony na parang nauntog o pinalo ng matigas.

Nakita ko naman ang walang expresyon na mukha ni Marj.

Napansin ko naman ang infinity na kwintas ni Kyla.

Si Alister naman ay prang nanginginig.

Si Nad naman ay parang sobrang cool lang pati na din siNa Jerico at Vhon.

Mabilis natapos ang morning classes namin.

Pagkatapos kong mag lunch ay sumabay na ako kina king papasok ng room.

Pagdating palang namin sa harapan ay naamoy na namin ang malansang amoy.

"Ano ba naman yan. Sinong may blood stain? Ang lansa!."- komento ni Angge.

Walang sumagot kaya binuksan ko nalang ang door.

Pagbukas ko ng pinto ay agad akong sinalubong ng hangin na sobrang lamig at nanuot sa kaibaturan ng aking kalamnan.

Bumungad din sa akin ang masangsang na amoy.

Nanindig ang mga balahibo ko ng makita ang dalawang malaking palanggana na may lamang dugo, buto, ngipin,at buhok ng tao.

"Geo...Abby..."

Pagpasok ng lahat ay parang wala lang sa kanila ang lahat.

Kami nalang na may pakialam pa ang nagligpit sa palanggana.

Itinapon namin ang dugo sa may drainage at inilibing namin ang mga naiwang parte ng katawan nila.

Ang problema namin ay anong sasabihin namin sa family nila?

******

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Nakasuot ako ng royal blue na dress, at nakalugay ang buhok ko.

Ngayong gabi gaganapin ang isang birthday party ni Margaux at lahat kami Invited.

Naglakad na ako palabas ng dorm at nakita ko sa may lobby na naghihintay na sa akin sina Kyla na nakasuot ng kulay pink na long dress at emely na nakasuot ng violet na dress na may ruffles.

CLASS 9-A ( Section of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon