CHAPTER 7: PRESERVE

133 12 1
                                    

A/N:

This chapter is dedicated to
PIERRE ANGELIQIE VILAR.

ENJOY READING!

DONA'S POV:

" guys nabalitaan niyo na ba? "

"Ang alin? "

"Muntik na daw namatay si marj buti nalang nailigtas ni allister."

"What?! OmgGrabe talaga iyong killer noh! ".

"Oo nga halang ang kaluluwa."

Napatingin naman ako ng marinig ang kanilang usapan.

Bigla akong nakaramdam ng galit. Tumayo ako at pumunta sa kanila.

"Guys anong sabi niyo? "
Tanong ko agad.

Napatingin naman sila sa akin.

"Ah, dona hindi mo pa ba alam? "
Tanong ni jessa.

"Ang alin? "-kunot noo kong tanong.

"Iyong nangyari kay marj kahapon.. "-  sabi ni maricon.

"Muntik na siyang mapatay ng killer.. "- dagdag ni myka.

Napa tiim bagang naman ako sa aking narinig. What the hell!

Tumayo ako sa harapan nilang lahat at iginala ang paningin ko sa kabuuan ng room.

"Nasan si winnie?! " sigaw ko.

Nabigla naman sila sa pag sigaw ko at napatahimik.

"w- wala pa siya don. " - sagot ni rv.

Saktong pagpasok ni winnie ay ang pagdako ng aking paningin sa may pintuan.

Wala na ako sa sarili ko ng sugurin ko siya.

Pinag sasampal, sinabunutan at tinadyakan ko siya.

"Ikaw ang killer! Walang hiya ka! Mamamatay tao! Demonyo! "
Paulit ulit kong sigaw.

"Dona tama na yan! "

"Dona ano ba! "

"Dona stop it! "

Wala na akong maintindihan basta ang gusto ko lang gawin ay ang maipaghiganti si marj not only her pati na lahat ng namatay.

Wala siyang awa! Halang ang bituka!

Napatigil naman ako sa ginagawa ko ng may humila sa akin at tumulak ng malakas dahilan para mapa salampak ako sa sahig.

Masakit ang katawan ko pero nagawa ko paring tumayo.

"ANO BA! Bat ba kayo nangingialam! Muntik na akong mamatayan ng kaibigan!. "

Sabi ko at napa hagulgol na lang ako.

"HINDI LANG IKAW ANG NAMATAYAN! HINDI LANG IKAW ANG NASAKTAN! KAYA HUWAG KANG MAGMAGALING!!!. "
Sigaw ni jhemaica na nagpabalik sa akin sa katinuuan.

"Sorry.... Im sorry... Sorry.. "
Paulit ulit kong sabi.

"SORRY?! ANONG MAGAGAWA NG SORRY MO! PINATAY MO SI WINNIE YOU KILLED HER! "

Napatingin naman ako kay winnie na naka handusay na ngayon sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi.

CLASS 9-A ( Section of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon