CHAPTER 32: I SAW THE KILLER

75 5 1
                                    

RV's POV:

Naglakad ako pabalik ng lumang bahay ng mapansing hindi pala sumusunod sa akin si King.

"Aish! Nasan naba ang baklush na yon! Enebeyen!."- Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad.

Pumasok ako sa loob ng makitang hindi pala ito naka lock. Pagpasok ko ay napahinto ako sa nakita ko...

Si Alister...sumabog ang katawan niya sa harapan ko at may bahagi ng katawan niya na napunta sa mukha ko.

Napaatras naman ako ng dahil sa takot pero nasagi ko ang isang lumang vase dito at bumagsak sa sahig.

Napatigil naman ako ng marinig ang nakakakilabot na boses na yon.

"Sino yan?!."

Pinagpawisan na ako at gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko na magawa pang tumakbo dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

Naramdaman ko nalang ang nakangising demonyo sa harapan ko.

" Wow, sunod sunod ata ang bisita ko ngayon ah."- nakangiting sabi nito na parang nang iinis.

Imbes na mainis ay natakot ako para sa sarili ko.

Katapusan ko na rin ba?

Naihakbang ko naman paatras ang isang paa ko at tumalikod na ako at saka tumakbo palabas pero napatigil ako ng makasalubong ang dalawang taong hindi ko inaasahan.

"Myka? Jerico? Magkakampi kayo?."- takang tanong ko.

"Oo Rv, bakit ngayon mo lang ba alam na kami ang killer? Ang tanga naman pala ng mga ito kambal. Tapusin mo na nga yang pangit na yan babe."- Sabi ni Myka at umupo sa sira at lumang upuan habang nakahalukipkip.

"Huwag magmadali kambal, malapit na ding matapos ang lahat. "- Sabi ng kambal ni Myka.

Nanghina ako sa mga nalaman ko parang hindi ako makapaniwala.

Tatlong taong hindi ko inaasahan na makakagawa ng ganitong krimen.

"So pano ba yan Rv, good bye!."- Sabi ni Myka at ibinato ang kutsilyo sa akin na sakto naman sa bungo ko.

Naramdaman ko nalang ang pagputol nila sa mga daliri ko at ang pagpaso niya sa ibat ibang bahagi ng katawan ko gamit ang sigarilyo.

At bago pa ako nawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang pagkatunaw at pagkasunog ng katawan ko...

Dont trust anyone.....

**********

JHEMAICA's POV:

Nandito na kaming lima sa tagpuan namin at hinihintay ang iba pa naming kasamahan.

"Ang tagal naman ata nila. "- reklamo ni Myka.

"Baka na traffic."- Sabi ni Nad na nagpatawa sa akin.

"Bat dimo kasama si Alister Nad?."- tanong ni Jerico.

"Sabi niya mauna na daw ako kaya nauna na ako. Susunod daw siya eh kanina pa kaya ako dito."-sabi ni Nad.

Hinintay pa namin sila ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahan naming bumalik na sa loob ng resthouse at magpahinga.

Dito na namin naisipang matulog sa sala dahil lima lang naman kami.

Ipinikit ko na ang mata ko..

" Ang pangit mo! Ang baduy baduy mo! Nakakaawa ka!"

"You can do anything you want to do to her boys!."

"Buntis ako, ikaw ang ama panagutan mo to!."

"Ayoko! Diba hindi ka naman na Virgin ng maging tayo?baka may na kabuntis na dati sayo. Pinaglaruan lang kita."

"Anak....Singilin mo sila."

"Magbabayad kayo!!!!"

Napasinghap ako at nagising na pawisan ang buong mukha ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko at sobrang natatakot ako.

Ano iyong napanaginipan ko?

Bat ko iyon napanaginipan?

Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang likod ng palad ko at huminga ng malalim.

Nagpunta ako ng kusina para kumuha ng tubig at nang inumin ko na ito ay narefresh ako.

Pero muntik ko ng mabitawan ang hawak kong baso ng may nakita akong mata sa may bintana. Nakatingin ito ng diretso sa akin. Parang kilala ko ang titig na ito.

Nakaramdam agad ako ng takot at kaba kaya tumakbo ako pabalik ng sala .

Nabunggo ako kay Jerico na papuntang kusina pala.

"Oh, bat parang takot na takot kA?."- tanong niya.

"M-may nakita akong tao na nakatingin sa akin."- sagot ko.

Naglakad naman ito papuntang kusina at nilapitan ang may bintana saka ito tinignan.

"Wala naman."- sabi niya.

Nagpasalamat nalang ako sa kanya at nagpaalam na na matulog na ako.

Pinilit kong umidlip ulit hanggang sa dalawin ako ng antok.

*********

VHON's POV:

Nakapikit lang ang mga mata ko pero hindi pa ako inaantok.

Dahil sa nasasaktan ako. Pinipilit ko namanng matulog para hindi marinig ang sinasabi nila at para hindi na ako masaktan pa.

"Babe, ano na kayang susunod na mangyayari?."- tanong ni Myka kay Jerico.

Kanina lang din namin nalaman na dalawa na pala sila.

"Ewan ko, babe basta mahal kita. Tandaan mo yan."- Sabi ni Jerico.

"I love you babe."- Myka.

"I love you too babe."- Jerico.

Naramdaman ko nalang ang mainit na likido na umagos sa pisngi ko . Pinahid ko ito .

Tanggap ko na eh pero masakit padin.

Nang wala na akong marinig na nag uusap ay umupo ako mula sa pagkakahiga.

Pinagmasdan ko ang magkatabing sina Myka at Jerico. Pinagtabi nila ang dalwang sofa para magkatabi sila.

Nakakainis, Ang sakit sakit naman.

Humiga ako ulit at pinilit matulog...

*******

Nagising ako dahil sa mahapdi ang kamay ko.

Nagulat ako ng magising ako sa isang bodega na nakagapos ang kamay at paa.

Nakita ko din sina Jhemaica at Nad na nakatali.

Nasa harapan naman namin sina Jerico at Myka na nakangiti pa habang nakatingin sa amin.

Dont tell me...

Sila ang killer?

CLASS 9-A ( Section of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon