CHAPTER 8: THE DREAM OF DEATH

116 13 2
                                    

A/N:

Guys sorry sa bali baliktad na Chapters kayo na po ang mag adjust please...

ENJOY READING!

MYKA's pov:

Isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin.

Sobrang tahimik na akala mo nasa loob ka ng simbahan.

Nakuha ko ang atensyon ng lahat ng pumasok ako.

Tumambad ang mga mukha nilang nakangiting demonyo at mga matang pulang pula na sobrang nanlilisik.

Tatakbo na sana ako ng magsalita si maam cherybel...

"Mamamatay ka! Hahaha!!!!"

Sinundan ito ng nakakabinging tawanan ng lahat.

Ang sakit sa tenga ang sakit....

Nakita kong nakabitin nasa kisame si Leah .

Dilat na dilat ang mga mata nito na nakatitig sa akin habang sariwang tumutulo ang dugo sa kanyang bibig...

"Tulong...tu..lungan..mo..ako.."- naghihingalo niyang sabi.

Nagsimula na siyang lumapit sa akin.

"Ahhhhhhhhh!!!!"

Napasigaw ako sa gulat at takot ng mahulog ang bituka nito sa tiyan niya.

Pinulot niya ang mga ito at muling ibinalik sa kanyang tiyan.

"Ahhhhh!!!Ayoko!!!!"

" Myka gising!"

Napabalikwas ako sa pagyugyog sa akin ni  bea.

Lumanghap muna ako ng hangin dahil feeling ko mawawalan na ako ng hininga.

" Oh, heto tubig...okay ka lang ba.?"
Tanong ni Nicole at inabutan ako ng tubig.

Umupo silang dalawa sa harapan ko. Saktong pagdating din ni Maricon.

"Bat ka sumisigaw myka?"
Tanong ni maricon.

"May.....masamang panaginip.."
Sabi ko.

"Anong napanaginipan mo.?"
Tanong ni Bea.

"Si Leah...teka asan si Leah?"
Tanong ko at iginala ang paningin ngunit hindi ko siya makita.

Nagsimula na akong mag panic.
Baka babala yon na siya ng susunod...

Teka...kailangan ko siyang mahanap..

"Ahhhhhhhh!!!!!."

Nagkatinginan kaming apat ng marinig ang sigaw ng isang babae.

Tumakbo kami agad palabas ng classroom.

At napatakip ako sa bibig ko upang mapigilan ang pagduwal.

Isang babae na durog na ang nahulog sa rooftop at sa tapat pa naman ng classroom namin.

Napaiyak nalang ako ng mapagtantong si leah yong babae...

Kasalanan koto eh, sana pinakinggan ko na ang instinct ko kanina.

Its all my fault!

Nagkandalasug lasog na ang katawan niya ng mahulog siya.. Hindi na halos siya makilala ...

"Ano na naman kaya to.."

Napatingin ako sa nagsalita...
Si king...

"King.. Diba sabi nila, kabaliktaran daw ng panaginip ang. Mangyayari?. "
Tanong ko sa kanya.

CLASS 9-A ( Section of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon