EPILOGUE:

119 7 12
                                    

A/N:
So here's the epilogue and sorry sa mga nakakalitong pangyayari.

*********

JHEMAICA's POV:

Inilapag ko ang garapong hawak ko at binuksan ang Tv.

Umupo ako sa sofa sa may kwarto ko para mapanuod ito.

"Nandito tayo ngayon sa isang 5 star hotel kung saan nag check in si Nad galla. Ang anak ng tumatakbong senador . Natagpuan siyang wala na ang ulo nito. Kahindik hindik ang naganap sa loob ng kwarto na kanyang inuukopa at hanggang ngayon wala pang nakakaalam kung sino ang pumatay sa kanya. Napag alamang kalalabas niya lang galing ng hospital dahil nasama siya sa Vacation trip ng magbabarkada na nauwi sa karumal dumal na krimen. Ngunit nakita sa CCTV ang pagdaan ng taong naka black hood at naka suot ng black shoe na may print na 'Death'. Ayan lamang po sa ngayon. Sherrie mae cabrera nakatutok!."

Napangiti naman ako ng mapanood ang balita.

Pinatay ko ang Tv at sinulyapan ang Black hood ko na nakasabit sa likod ng pinto. At ang sapatos ko..

Oo, ako ang kakambal ni Myka. Hindi halata pero ito ang totoo..

FLASHBACK...

"Mai papasok na ba talaga tayo dito sa school na to?."- tanong ni Myka at niyakap ako ng mahigpit ng tumango ako.

Dream school to ng kambal ko. Ang SJC, kung saan matagal na niyang pinangarap na mag aral dito dati pa.

"Pero... Kailangan mong ilihim na magkakambal tayo o kaya blood related tayo okay?."- sabi ko.

"Oo promise! Pero bakit naman kambal?."- tanong niya.

"Kasi. Hindi sila maniniwala hindi kaya tayo magkamukha tsaka Nerd ako at ikaw... Maganda ka."- pabulong kong sabi.

Kambal ko si Myka pero maganda siya at ako ... Isa lang akong Nerd.

"Sige , pero kapag kailangan mo ng tulong lapitan mo lang ako ah."- sabi nito.

CLASS 9-A ( Section of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon