Ashleey's POV
"WHAT THE F! Ano ba yan!" Galit na sigaw ko sa taong nagtanggal ng kumot ko
"Gumising ka na ate! kanina ka pa pipapagising nila mama sa baba Lagot ka na namnan doon at maleleyt na ko kanina pa kita ginigising eh tumayo ka na" sagot sakin ni aimee ang bunso naming kapatid.
"Haist! pakialam ko kung maleyt ka antok na antok pa ko please" pag-angal kong sabi
"Alam mo namang sabay tayo lagi pumasok di ba dali na" asar na sagot niya.
"Mauna ka na bakit ba kasi ang kulit mo pwede ka namang umalis na wala ako. Sigaw na sabi ko.
"Ashleey nicole! Tumayo ka na diyan at maguusap pa tayo dalian mo now!! Galit na sabi ni dad na umakyat na pala para gisingin na ko.
"Fine!" Padabog kong sabi at tumayo na din,bumaba naman na si Dad.
"I told you" pangaasar na sabi ni aimee sakin. Tinignan ko lang siya ng masama. At dumiretso na ko sa c.r.Pagbaba ko nandoon na si kuya jake,si mom at si Dad na seryoso ang tingin sakin anong problema ng mga ito sakin.
"What?" Sabi ko.
"Saan ka na naman galing kagabi at lasing na lasing ka? Strict na sabi ni Dad.
"As usual sa bar dad saan pa ba?" Pangasar na sabi ni kuya.
Here we go again .lagi na lang ganito."Bakit Hindi ka makasagot?" mahinahon na sabi ni Dad
"sinagot ka na ni kuya dad" sagot ko.
"Yun lang ba ang sasabihin niyo? papasok na ko" dagdag na sabi ko.
"Be responsible naman ashleey hindi habang buhay ganyan ka" sabi ni kuya.
"Tama ang kuya mo paano kung mapahamak ka sa Daan salamat talaga sa Panginoon at umuwi ka pa ng maayos" dagdag ni mama"Tapos na ba kayo? Aalis na po ako maleleyt na ko" sagot ko sabay kuha ng bag ko at lumabas na ng bahay.
"Ashleey hindi pa kami tapos na kausapin ka!" Galit na sigaw ni Dad na dinig na dinig ko pa hanggang sa isara ko ang pinto ng kotse.
Ganito kami lagi kapag umaga lalo na paggaling ako sa bar or nag-out of town na di nagsasabi sa kanila sabi nga nila black sheep daw ako sa pamilya.BornAgain Christian ang religion namin syempre aasahan ng marami na matitino kami na mga anak nila mom and dad but sorry na lang dahil hindi ako ganoon kabanal katulad nila.
By the way I'm Ashleey Nicole Lopez.mahilig ako sa parties at may pagkabaliw kung minsan worst daughter ng pamilyang Lopez nagaaral ako sa isang culinary school because I Love to cook kahit naman ganito ako inaayos ko naman ang pagaaral ko.
Pagdating ko sa iskul buti na lang wala pa si chef ang magtuturo samin.Lagi na lang kasi ko late eh.Buti na lang ngayon hindi.
"Oh ang aga mo ngayon bes ah!" bati sakin ni Dina ang bestfriend ko.
"Wala man lang bang Goodmorning" yamot na sabi ko sa kanya."Oh bakit napagalitan ka na naman nila tito nuh kung ako sayo bes magbago ka na kaya kalimutan mo na kasi ang nakaraan past is past. Pangaasar na sabi niya.
"Ewan ko sayo kung ikaw kaya nasa lugar ko hayy akala ko pagnandito na ko sa iskul wala ng mangsesermon pero isa ka rin pala" biro ko sa kanya.
Naputol na ang usapan namin ng dumating ang chef na magtuturo samin.
Lumipas ang isang buong maghapon na as usual nakakapagod pero may pupuntahan pa ko may usapan kami ni alex ang boyfriend ko na nagiisang tao na naniniwala sakin at nagmamahal ng lubos.
"Ano diretso ka na naman sa adik mong jowa haha joke lang bessy" asar na sabi ni dina
"Ewan ko sayo tigilan mo nga ko atleast yun mahal na mahal ako. siya lang nakakaintindi sakin nuh" paliwanag ko sa kanya.
"Wow naku bess iuntog mo nga yang ulo mo ewan ko din sayo eh" sabi nito sakin.
"Haha basta ang alam ko mahal ko siya babye na" sarcastic na sabi ko at umalis na.ngumiti lang si dina sa akin habang nagaayos pa ng damit niya sa locker room namin.
Bumaba ako sa tapat ng isang bar na lagi namin pinupuntahan ni alex. Pagpasok ko sa loob nandoon na siya kasama ang mga kaibigan namin sinalubong naman niya ko ng isang halik.
"Hey babe I miss you" sabi ni alex sabay yakap.
"Wooy mamaya na yan lets party! sa dance floor nyo na gawin yan" sigaw ng mga kasama namin na nagsasayawan na.
Puro sayawan at inuman lang ginawa namin sa lumipas na tatlong oras na yun.nawawala ang problema ko dito sa lugar na ito pero minsan nakakapagod na din.
lumabas muna ko para magpahangin at sumunod naman sa akin si alex na parang malakas na ata ang tama.
"Babe" tawag niya sakin habang yumayakap sa akin at hinahalikan ako sa pisngi.
"Hey lets go na umuwi na tayo lasing na lasing ka na" pagyaya ko sa kanya.
"Yeah magandang idea yan tara sa condo ko" sagot niya sakin at hinila na ko papunta sa kotse niya.
"No! sa bahay mo na ko ihatid" sabi ko pagpasok namin sa kotse niya pero wala siyang narinig at pinaandar na ang kotse.
Habang umaandar ang kotse unti unti niyang hinawakan ang binti ko pero inaalis ko ito iba na talaga ang tama ni alex.
"Ano ba!! Nakadrugs ka ba!" Sigaw ko sa kanya na sobrang ng pangbabastos na niya sakin.
"Ano bang problema mo ash ang tagal tagal na natin pero ayaw mo parin pumayag na gawin ko ito sayo". Sigaw niya din sabi sakin habang inaayos ang pagmamaneho.
"Kung mahal mo ako hindi mo sakin gagawin to !"sabi ko na napapaiyak na.
"Kung mahal mo din ako pagbibigyan mo ako" sabi niya din sabay hawak sa mga hita ko na dahilan para sampalin ko siya, nabigla siya ginawa ko at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"ALEX yung manobela!!! Sigaw ko na may kasama ng takot.
Pagsigaw ko ay sabay din bumunggo ang sasakyan sa isang malaking poste na sanhi ng pagkakawala ng malay naming dalawa.
YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...