Zachary's POV
"Shit!,ano yun? Sabi ko dahil sa malakas na kalabog na narinig ko sa kusina.
Ano na naman bang ginagawa niya hayy nakamali ata ako at pinatira ko dito ang babaeng to.
Habang kung ano ano pa ang tumatakbo sa isipan ko ay nagdiretso na ko sa kusina napatakabo ko ng makita ang babaeng ito na nakahandusay sa sahig at walang malay.
Anong nanyari sa kanya?.
Dali dali ko siyang binuhat at dinala sa kwarto nito.Anong gagawin ko? kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinawagan ang family doctor namin at napagdesisyunan na dalhin siya sa hospital.
Hindi ko rin naman alam kung anong sakit ng babaeng to tsaka na sabi niya na kagagaling niya lang sa hospital at may amnesia baka ano pang mangyari dito.
Nung nasa hospital na kami ay agad siya hiniga sa stretcher ng mga nurse doon at dinala sa isang kwarto at nilagyan ng dextrose at pumasok na din doon si Dr.Rose ang family doctor namin.
"So anong nanyari sa kanya zach?" Tanong nito na chinicheck-up na ang babaeng ito.
"Nahimatay siya yun lang alam ko maayos naman siya kanina di ko alam kung bakit nagkagayan siya." Tugon ko.
"Eh anong nanyari sa benda sa ulo niya?" Tanong ulit nito.
"Sabi niya sakin kahapon may amnesia daw siya hindi ko nga alam kung totoo ba yun." sagot ko at naupo na sa couch sa loob ng kwartong ito.
Walang ano ano ay nilabas nila ang babaeng may amnesia.
"May gagawin lang ako nailang mga test maghintay ka na lang dito." pagsabi nito ay lumabas na rin siya.
Ako naman ay nagcellphone na lang.hayy kung alam ko lang na mangyayari ito di ko na sana pinatira ang babae na yon. Nagkaroon pa tuloy ako ng responsibilidad sa kanya.
Mga halos isang oras din ang lumipas ng bumalik sila at tulog pa rin ang babaeng ito.
"So anong lagay niya?" tanong ko at napatayo na rin ako para maharap ko siya.
"Tama ka may amnesia nga siya at meron siyang post traumatic amnesia at medyo sariwa pa nga ang sugat niya sa ulo mukhang kakalabas lang niya sa hospital ah at nahimatay siya kanina dahil sa sobrang stress. Nga pala sino ba ang babaeng ito new girlfriend mo?." Curious natanong sa akin ni Dr.Rose.
What girlfriend? Nakakatawa din ito si Dr.rose eh.
"Of couse not! Nakita ko lang siya sa labas ng condo kahapon at nagmamakaawa siya na patirahin ko at dahil nga daw may amnesia siya at di niya alam ang gagawin naawa lang ako diyan" defensive kong sabi at naupo na din dahil nangalay na ko sa pagkakatayo.
"Why you're so defensive huh? Di ko alam good samaritan ka na ngayon zachary." Pangaasar nitong sabi.
Ganyan talaga kami kaclose ni Dr. Rose matagal na rin kasi namin siyang doctor maliit pa ako at para ko na din kasi itong kapatid.
"Oo nagbabagong buhay na ko di ba sabi ni duterte change is coming." Sarcastic kong sabi
"Really. Kung ganoon wag na wag mong pababayaan siya(habang tinuturo si amnesia girl na natutulog pa din) dahil kapag nastress yan ng sobra baka magkaroon ng bloodcloth sa ulo nadelikado." Natatawang sabi nito.habang patuloy pa din sa pagsusulat.
Sabi ko na at dagdag responsibilidad na naman itong babae na ito eh.
"Wag ka magalala 1 month ko lang siya patitirahin sa condo ko hanggang sa mahanap niya na ang pamilya niya." Sagot ko dito.
"Gaano ka naman ka sigurado na mahahanap niya kaagad ang pamilya sa loob ng isang buwan" tugon niya.
"Ewan bahala na it's not my problem anymore" sarcastic kong sabi.
"Jeez tutulong ka na nga lang di mo pa lubos lubusin malamang na naman din at di pa ito alam ng mommy mo nuh?" Tanong nito.
"Syempre kahapon ko lang naman siya nakita at tsaka wala naman talaga kong balak sabihin sa kanila ito dahil simula ng iuwi nila ulit ako dito wala na silang dapat pang malaman sa ginagawa ko."seryoso kong sabi.
"Hayy naku ikaw talagang bata ka. O siya ito na yung mga gamot ibili mo sa kanya ah para gumaling na din yang sugat niya sa ulo mauna na ko sayo at marami pa kong gagawin paggising niya maya maya ay pwede mo na siyang iuwi." Saad nito at lumabas na pagkaabot niya sa akin ng papel.
"Salamat ulit Dr.Rose" pahabol kong sabi at lumingon naman siya at ngumiti.
Lumabas na rin ako para bilhin ang mga gamot na nireseta nito.
Pagbalik ko naman nakita ko na siyang gising.
"Ahm pasensya na talaga sir." Pagdidispensa nito.
"Wag mo nga kong tawaging sir,
Zachary na lang at pwede ba kung masama na pakiramdam mo magpahinga ka na hindi yung inaabala mo pa ko" saad ko dito."Pasensya na talaga" sabi nito na wala na atang alam sabihin kung di sorry eh.
"Halika na umuwi na tayo." Sabi ko dito.
Pagkadating namin sa condo ko ay dumiretso na ko sa kusina. Siya naman ay didiretso na sana sa kwarto ng magsalita ako.
"Hindi ka pa kakain ? Fine sumabay ka na sa akin pero ngayon lang" sabi ko dito habang nagsasandok na ng pagkain ko sa plato.
Lumapit naman siya kaagad at nagprepare na rin ng sa kanya.
Tahimik lang kaming kumakain wala kahit isa nagbabalak magsalita.
Sanay naman ako sa ganito dahil wala naman akong laging kasama kaya ayos lang sakin ang tahimik pero ang hirap din pala pagalam monh may kasama ka. Hindi ako komportable kaya nagsalita na din ako.
"So paano ka ba nahiwalay sa pamilya mo?" Tanong ko dito buti na lang nakaisip ako ng itatanong.
Mukha naman nabigla ito at di agad nakasagot.
"Ahm nagkamali kasi ko ng sakay na sasakyan nun kaya napadpad ako dito kasi parehas kasing itim yung van namin at yung sasakyan na malapit samin at ayun dun ako nakasakay at late na nung malaman ko na hindi pala yung kuya ko ang nagdridrive nun dahil natulog ako kaagad pagsakay ko." Pahayag niya. At pagkatapos magsalita ay pinagpatuloy ang pagkain.
"Youre so stupid kaya pala. Hindi mo man lang tinignan kung yung kuya mo talaga yung driver bigla ka na lang na tulog" tawang tawa kong sabi.
Mukhang naasar ata ito sa nasabi ko.
"Yeah stupid na kung stupid pero masakit na ang ulo ko nun kaya natulog na ako." Pagsusungit nito.
"inaamin mo naman pala eh nagdahilan ka pa. Nga pala na kaisip na ko ng itatawag sayo Sa tingin ko jhacely na lang itatawag ko sayo mukha naman sa letter J nagsisimula ang name mo at nagtatapos sa LY di ba? Yun kasi ang pagkakarinig ko sayo kanina.
Pagkasabi ko nun ay iniwan ko na siya at dumiretso na ko sa C.r pero bago pa nun ay narinig ko siyang sumigaw."Salamat ulit zachary" sigaw nito na halatang may pagkahiya pa ng sabihin ito.
That stupid girl napatawa niya ko ah.
Hindi ko pa pala na sasabi sa kanya na 1 month ko lang siyang pwedeng patirahin dito sa condo. Siguro tsaka ko na lang sasabihin.
YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...