Zachary's POV
Nakakatawa talaga ang mukha niya kanina eh. Haha
Sa tingin ko asar na asar na din ngayon yun dahil sa sobrang tagal ko dito sa pagbili ng mga damit ko kaya nagdecide na ko puntahan siya at nakita ko naman siyang nakaupo na ang sama na ng tingin nung makita ko haha nakakatawa talaga to eh.
"let's go?" Sabi ko sa kanya na nang-aasar pa kong ngumiti at siya naman ay nakasimangot na lang na sumunod.
Sunod na pinuntahan namin ay ang restaurant namin dito din sa mall.restaurant ito ni mommy na sakin muna pinapamanage.
Nang makarating kami ay pinaupo ko muna siya doon at kinausap ko ang isa sa mga waiter namin sa restaurant na itp para sa kakainin namin at pagkatapos nun ay naupo na rin ako sa harap na upuan ni jhacely.
"Ba't nakasimangot ka pa din?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
Hindi naman ito nagsalita at tinitigan lang ako ng masama.
"Fine,nagbibiro lang naman ako kanina."patawa-tawa kung sabi at mukhang mas nainis pa siya.
"hindi ka ba marunong magsorry?" Tanong nito na ang sama pa rin ng tingin sakin.
Pero bago ko pa man sagutin yung tanong niya ay dumating na ang pagkain namin kaya di na ko nakapagsalita.
"Enjoy your food sir" sabi ng waiter samin pagkalagay ng pagkain at umalis na.
"Kain na.wag ka ng mahiya at libre yan. Sabi ko dito.
"gusto mo pa bang sandukan kita" dagdag ko pang sabi at aabutin ko na sana ang plato niya pero pinigilan niya ako at siya na ang naglagay ng pagkain sa plato niya.
Ako naman ay naglagay na din.
"So anong lasa masarap ba?" Tanong ko dito."Oo masarap napakalambot ng karne kahit ribs siya. Tsaka yung honey lasang lasa at may kunting lemon ata dito na inilagay ano bang tawag sa dish na ito?" Tanong niya habang nilalasap ang bawat pagsubo.
"Tinatanong ko lang naman kung masarap hindi ko sinabi na isa isahin mo ang ingredients na pagkain na yan pero kakaiba ka ah kasi kung ako ang titikim niyan hindi ko madidistiguish yung mga sangkap niya pero ikaw kakaiba ang panlasa mo pero by the way filipino ribs ang tawag sa dish na yan. mahabang saad ko.
"Sa tingin ko normal lang naman ito wala naman sigurong kakaiba doon." Sagot nito sarap na sarap pa din sa pagkain.
"Magkwento ka nga about sa sarili mo" sabi ko dahil ewan ko ba at bigla na lang ako nagkainterest sa pagkatao ng babaeng ito.
"Ano bang ikwekwento ko may amnesia nga ko di ba nakalimutan mo na ba ikaw na lang kaya magkwento?" Sarcastic na sabi nito na mukhang naaasar pa loko naisahan ako doon ah.
"Today is my birthday" sabi ko at napatigil naman siya sa pagkain.
"Ba't di mo naman agad sinabi nabati sana kita at napagluto." Sagot nito.
"It's ok di ba nakain na nga tayo dito tsaka sanay na naman na ako na laging ganito sa birthday ko." Tugon ko sa kaniya at pinagpatuloy ko ang pagkain upang hindi niya mapansin ang kalungkutan ko.
"Nasaan ba ang pamilya mo." Tanong nito.
"Nasa Europe sila at maalala man nila o hindi sanay na naman ako sa ganito na ang mga kaibigan ko lang ang kasama ko kapag may birthday ko." Sabi ko at nawalan na ko ng ganang kumain pa at bakit ko ba kasi sinasabi pa sa kaniya ang bagay na ito.
"Sorry ah at natanong ko pa sila sayo." Sabi nito na sobrang nakokosensya ang mukha.
"Bilisan mo ng kumain at aalis na tayo" sabi ko sa kaniya na hindi pa tapos kumain ay napatigil na din at dinala na ang mga gamit namin at sumunod na sakin.
Habang naglalakad naman kami ay halos pinagtitinginan na kami ng lahat dahil na rin siguro sa sobrang daming dala ni jhacely at hirap na hirap na siya dito.
"Baka pwede mo naman akong tulungan please" sabi nito na bigat na bigat na sa dala niyang anim na bags.
Dahil nga nauuna siyang naglalakad kinuha ko ang mga dala niya habang nakatalikod siya at ramdam ko naman na nanigas siya sa ginawa kong pagabot sa mga bag na dala niya at di na makagalaw.
"kala ko ba kailangan mo ng tulong eh ba't ayaw mo pang bitawan?" pagkasabi ko nito ay agada agad naman siyang bumitaw naiwan na nakatayo lang doon at ako naman ay naglakad na ng diretso.
"saglit!!" sigaw nito na patakabo ng sumunod sa akin napakakupad talaga.
Habang nasa sasakyan tahimik lang kaming dalawa wala din naman akong gana ng magsalita dahil na pagod ako kanina kakalakad.
"Ahm thank you nga pala sa mga gamit na binili mo para sakin. Pero bakit mo pa ba ko binilhan ng mga yun eh ayos na naman sakin yung mga damit mo." Sabi ni jhacely.
"Wag kang magthank you ginagawa ko rin yun para sa sarili ko dahil ayokong isipin ng mga tao na may relasyon tayo at may nanyayari satin dahil lagi mong suot ang damit ko at nakatira ka pa sa condo. Pagpapaliwanag ko. Yun din naman ang isa mga dahilan pero sa totoo lang naawa din ako sa babaeng ito pero kahit na ganun ayoko makita niya na kinaawaan ko siya.
"Ah ganun ba pasensya ka na pero maraming salamat pa din." pagdidispensa nito.
"Mahirap ng machismis nuh mga judgemental pa man din mga tao ngayon." Seryosong sabi ko at matapos nun ay di na kami nagimikan pa.
Nang makarating kami sa condo ay nagdiretso naman ako sa sofa hay pagod na pagod ako at inutusan ko na lang siyang dalhin ang mga bag na pinamili sa kwarto ko at yung sa kaniya.
"Wow lamang na ang Cav's yes!" Sigaw ko na tuwang tuwa ng makashoot si lebron.
nagulat naman ako ng umupo siya sa kalapit na upuan ko.
"Anong ginagawa mo dito di ba sabi ko kapag nasa sala ako hindi dapat kita makita dito at ayokong ng may kasama." Saad ko dito.
"pwede bang tsaka muna panoorin yan may sinusubaybayab kasi kong teleserye ang ganda na kasi ng magaganap ngayon doon please zachary. Pagmamakaawa nito.
"Ngayon na nga lang ako makakapanood iistorbuhin mo pa ko tsaka inaabangan ko din itong laban na to kaya magtiis ka"pang-aasar ko dito at hindi ko naman inaasahan ang sunod na ginawa niya bigla niyang hinablot ang hawak kong remote control at nilipat ang channel.
Aba masyado ka na atang relax jhacely ah.
"Hoy ibalik mo nga sa akin yan" sabi ko na asar na at nakapalad.
"Ayan na kasi oh nagsisimula na nga please ngayon la--- bago pa man matapos ang pagsasalita niya hinablot ko ang remote ngunit napakatindi talaga ng hawak nitong babae nato at ayaw talagang bitawan kaya dahil sa matinding paghahatak ko ay nasubsob siya sakin at muntik ko na siyang mahalikan.
Agad naman siyang tumayo at binigay na sakin ang remote.
"Oh ayan na. Ikaw na ang panalo tutal birthday mo naman" naiilang na sabi nito.
Haist! Muntik na yun ah buti na lang hindi tumama nakakaasar talaga to eh nawalan na tuloy ako ng ganang manuod.
"Wag na ikaw na manuod diyan matutulog na lang ako" pagkasabi ko nito ay umalis na ko at pumunta sa kwarto.
Nang makapasok na ko sa loob nahiga agad ako.
Bakit ayaw pa din mawala ang mabilis na tibok ng puso ko hayy kinabahan nga siguro talaga ko kanina. Sobrabg OA ko naman magreact kung ganun nga, eh ano kung matuloy kelan ba ko kinabahan na mahalikan ang mga babae hindi na naman bago sakin ito siguro nagaabnormal na ata tong puso ko at ang bilis bilis pa rin ng tibok badtrip.
YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...