Chapter 20

5 3 0
                                    

Zachary's POV

Naghahanda ako ngayon ng ipangsusurprise birthday party ko para kay jhacely gusto ko kasi na maging memorable sa kaniya ito.

"Oh basta pagdating namin dito bago kami pumasok dapat handa na kayo ah" sabi ko sa mga kaibigan ko nakasabwat ko dito.

Sa resthouse ko na lang ginawa ang birthday suprise para hindi ganung halata.

"Napakaespesyal na sayo ni jhacely nuh?" Tanong naman sakin ni ara.

"Huh? Bakit mo naman natanong yan?" Balik na tanong ko sa kaniya habang nagaayos kami ng mga lobo sa paligid.

"Hindi mo naman gagawin to kung ganoon pa rin katulad ng dati ang tingin mo sa kaniya" nakangiting sabi nito.

"Hindi ko alam ara basta sa ngayon gusto ko lang siya mapasaya at maranasan niya to dahil na rin pinasaya niya naman ako nung birthday ko" seryosong sabi ko.

"Anong pinaguusapan niyo at mukha kayong seryoso." Tanong naman ni dan na biglang sumulpot.

"Wala naman, oh siya kayo na bahala dito ah susunduin ko na si jhace yung mga sinabi wag niyo kakalimutan" pagpapaalam ko.

Habang nagdadrive ako parang ako pa yung isususrprise dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko.

"Let's go" sambit ko pagpasok ko palang ng condo.

"Ok" masayang sabi nito na alam kong excited dahil sinabi ko kanina na magpupunta kami sa rest house pero hindi niya alam na may surprise ako sa kaniya.

Habang nasa kotse kami hindi ko maiwasan ngumiti dahil alam ko na magiging masaya talaga siya mamaya.

"Bakit parang ang saya saya mo ata ngayon kanina pa lumalabas yung dimples mo" sita nito dahil napansin niya na rin pala anh kanina ko pang di maialis na ngiti.

"Hindi ba pwedeng masaya ka lanh kasi pinagpapala ka ni Lord" palusot kong sabi.

"Dinadamay mo pa si Lord baka naman nagaadik ka huh? Hahaha" Lakas din talaga ng trip nito eh.

"Sige tumawa ka lang lakas ng trip mo eh" sabi ko.

At hanggang sa makarating kami sa resthouse pinagtitripan pa din ako ni jhacely.

"Bakit parang walang tao nauna ba tayo" pagtataka nito dahil walang sumalubong samin dahil madalas nasa gate palang kami nakasalubonh na agad sila ara.

"Baka sige na pumasok ka na hintayin na lang natin sila sa loob" sagot ko.

At siya nga ang nauna at nagbukas ng pinto at sumalubong samin ang mga kaibigan ko.

"SURPRISE!!HAPPY BIRTHDAY JHACELY!!!!" bati nila.

Success ang plano. At kitang kita sa itsura nk jhacely na nagulat siya.

"Ano to birthday ko ba pero ang alam ko ni hindi ko nga matandaan yung araw ng birthday ko" pagtatakang sabi ni jhace.

"Ano ka ba di ba sabi mo gusto mo maranasan magdiwang ng birthday ayan answered prayer ka." Masayang sabi ko.

"Talaga? Thank you" naiiyak na sabi ni jhace.

"At bago ka pa tuluyang umiyak jhacely kakantahan ka muna namin" sabi ni ashton.

"Happy birthday to you(may kasama pang palakpak) happy birthday to you🎵🎵🎶 happy birthday 🎶🎵happy birthday🎵 happy birthday jhacely."

Pagkatapos namin kumanta dinala naman ni ara yung cake.

"Bago mo iblow magwish ka muna" sabi ni ara.

At pumikit si jhacely hindi ko man alam kung ano ang wish niya pero nakikita ko naman sa mukha niya na masaya talaga siya.

When GOD made YouWhere stories live. Discover now