Chapter 16

16 6 0
                                    

Zachary's POV
Masaya naman ako sa nanyari ngayong araw na ito at halata naman na naging masaya din naman siya at mukhang pagod na pagod na din dahil tulog na tulog na ngayon kahit ako pagod na din pero medyo mahaba haba pa ang biyahe.

Hindi mo aakalain na napakakulit ng babaeng ito habang natutulog siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na di mapansin ang maamong mukha niya habang natutulog ito.

Nasa manila na kami ng magising Siya.

"Goodmorning sleeping beauty ay hindi pala lady tulo laway" pang-aasar ko at siya naman ay agad kinapa kung may panis na laway ba siya.

"Wala naman ah" nagtatakang tanong nito.

"Syempre tumulo naku amoy ng laway yang upuan na yan." Asar ko pa.

"Uyy di ako naglalaway pagtulog nuh nang-aasar ka lang" masungit na sabi nito. Nanahimik na lang ako ng titigan na niya ko ng masama. Funny Girl talaga to.

Napansin ko naman ang kanta sa radio. Ano ba yan Christian Song. Hindi naman ako ganung kasama pero di ko lang talaga hilig ang ganyang musical genre.

Ililipat ko na sana ng pigilan niya ko.

"Ayoko ng kanta kaya alisin mo na yang kamay mo diyan ng malipat ko na." Utos ko dito.

Bigla naman siyang nahilo at napahinto naman ako at itinabi ang kotse.

"Are you ok?" Pag-aalalang tanong ko.

"Ayos lang parang may naalala lang ako." Hindi siguradong sagot nito.

"ano?" I Said with a lot of concern.
"Sa tingin ko isang devoted na kristiyano sa church namin" sabi nito na mukhang inaalala pa ang ibang pumasok sa isipan niya.

"Yun lang naalala mo?" Sabi ko at nagpatuloy na ko sa pagmamaneho.

"Bakit hindi ba ok yun. Di ba isang mabait na tao pala ko at malapit sa Diyos." Masayang sabi nito.

"Hayy akala ko naman kung ano na maganda sana kung yung pamilya mo pangalan mo di ba mas maganda yun" komento ko.

"mahalaga pa rin yun nuh. Atleast nagiimprove na yung  utak ko baka mga ilang araw na lang bumalik na ulit mga alaala ko di ba?" Excited na sabi nito.

Natahimik ako bigla sa sinabi niya. Ewan ang weird lang naramdaman ko bigla siguro dahil kahit ilang linggo pa lang kami magkasama ay nakasanayan ko na ang presence ni jhacely.

"Bakit natahimik ka bigla" tanong ni jhacely sakin.

"Ah wala Inaantok na siguro ako." Sagot ko.

Pagdating namin sa condo hindi na kami kumain nakakapagod kasi talaga ang araw na to.

"Zachary salamat Goodnight na din" nakangiting sabi ni jhacely bago pumasok ng kwarto niya.

"Hay wag ka ngang magpacute" pilyong sabi ko at nagtungo na din ako sa kwarto ko.

Maaga kong nagising dahil ang aga aga may malakas na kumakatok dito sa kwarto ko at syempre wala ng iba pa kundi si jhacely.

"What do you want?" Inis na sabi ko dahil ang aga-aga ng bubulabog.

"Goodmorning Zachary Samahan mo naman ako sa church na malapit dito please sunday ngayon di ba dapat ngchu-church ka din." Masayang sabi nito. Ano sa church ?.

"bakit naisipan mo naman magchurch ngayon" maktol na sabi ko.

"Nakalimutan mo na ba kagabi di ba nakaalala ko ng kunti" sagot nito.

"Kaya please sige na" dagdag pa nito.

"Ayoko pagod pa ko gusto ko pang matulog" tugon ko sabay isasara ko na sana yung pinto ng pigilan niya ito.

"Ano ba!" Sigaw ko. Hayy naku ang kulit talaga nito eh.

"Sige na para matuwa naman sayo si Lord" pagmamakaawang sabi nito. Naalala ko tuloy yung mukha niya nung nagmamakaawa siya na patirahin ko dito.

"Fine sige na nga maliligo lang ako maghanda ka na ng breakfast" sabi ko sa kaniya at sabay sara na ng pinto ng kwarto ko.

"Salamat" sigaw nito.

Matapos namin kumain ay nagdiretso na kami para makahanap ng church na malapit dito sa condo. Kahit naman kasi matagal na ko dito sa lugar na to wala kong ganung alam na church siguro bar pero churches wala ganu.yung iba lang na nadadaanan ko sa daan.

At sa di kalayuan nakita ko na yung church na laging kong nakikita pagpauwi ako galing school.

"Ano to?" Sabi ni jhacely na mukhang na dismaya.

"Church di ba sabi mo? Oh ayan" tugon ko ano bang mali dito.

"Hindi naman ganyang church eh catholic church to eh. Yung bang BornAgain Christian na church ang sinasabi kong church" pagpapaliwanag nito.

"Ano bang pinagkaiba nun parehas lang naman church yun. Ba't di na lang diyan." Pagdadahilan ko.

"Malaking ang pagkakaiba nun kaya please naman ayoko dito hindi naman ganito yun eh" sabi nito at pumasok na sa kotse.

Hayy ang daming arte nito. Ganun din naman yun. Pumasok na din ako sa kotse at nagpatuloy kami sa paghahanap.

And then finally nakakita kami ng church na mukhang magstart palang ang service mga 9 na un ng makadating kami dun.

"Eto na yun tara pasok na tayo" masayang sabi nito at pumasok na kami sa loob.

Nagpakaapproachable ng mga tao doon kahit na ngayon palang kami nakita ng mga ito. Masayang winelcome kami nila. Naalala ko tuloy yung church namin dati kung saan kami nagsisimba nila mom. Na simula ng mabarkada ko hindi na ko ulit nagpunta sa lugar na yun. Hanggang ngayon active pa naman sila mom and dad doon pati ang kapatid kong babae. Ako lang ang hindi napalayo na talaga.

Nagsimula ng tumugtog ang music team at kumanta ang song leader nila lahat nagsasayawan ako naman nakatayo lang ang awkward kasi ng pakiramdam pero nakakamiss din.

"Ano ka ba sumayaw ka din" mahinang sabi ni jhacely sakin.

"Hayaan mo na nga lang ako di ba ikaw lang naman ang may gusto nito sinamahan lang naman kita ah" saad ko.

"Hayy nandito ka dahil tinawag ka ni Lord hindi dahil sa pinilit kita kaya dali na ang saya kaya di ba alam ko na pifeel mo n din yan kaya wag mo na pigilan" sabi nito na parang nang-aasar.

Hindi ko naman siya pinansin at pumalakpak na din ako dahil ang pangit kasi tignan ako lang nakatayo dito at lumingon naman si jhacely sakin na nakangiti.

Natapos na din ang service na masayang nagpaalam muli samin ang mga church members doon at muling ininvitw kami next sunday ulit na magchurch at si jhacely na madali nakaclose din ang mga tao doon ibang klase talaga tong babaeng to.

"Di ba ang saya?" Masayang tanong nito sakin.

"Halata naman sayo halos ata ng mga tao doon kaclose mo na" sagot ko dito.

"Hayy bahala ka nga basta nakakablessed ang pakiramdam. Alam ko naman na nablessed ka din nahiya ka lang" sabi nito.

Totoo nakakablessed talaga hindi ko akalain na mararanasan ko ulit yun matapos ang ilang taon.

Lumipas din ang ilang araw mas naging close kami sa isa't-isa lagi na kaming sabay kumain at minsan tinutulungan ko na din siya sa paglilinis.

"Zachary sama ka samin mamaya ilang araw ka ng di sumasama samin magbar ah nagbabago ka na ata" biro ni paul sakin isa sa mga kaibigan ko pagdating sa mga ganyang bagay.

"Oo nga lagi ka na lang maaga umuuwi makijoin ka naman ngayon." Dagdag pa ni jhon.

"Pass muna ko ulit ayoko na muna magbar ok no more question alis na ko enjoy na lang kayo" sagot at sumakay na ko sa kotse.

"Napakadaya mo talaga" sigaw nila.

Hindi ko alam pero wala ko lagi sa mood na magbar mas excited pa nga ko umuwi at asarin na lang si jhacely kesa kung saan pumunta.

Nakakatuwa lang talaga kasama si jhacely. Ewan ko ba nagiging weird na ang pakiramdam ko lately dahil sa babaeng to baka katulad lang siguro ng ibang babae I enjoy having fun with her for now.

When GOD made YouWhere stories live. Discover now