Ashleey/Jhacely's POV
Muntik ko na siyang mahalikan kanina haiist! Ang kulit ko kasi eh dapat pinagbigayan ko na lang siya, paano kung palayasin niya ko dahil sa nanyari.
Paano ko siya papansinin mamaya sana naman hindi siya nagalit.
Baka naman ako lang ang OA baka nga maayos lang siyang natutulog ngayon at ako lang ngayon ang affected.
Bahala na pati tuloy tong teleseryeng inaabangan ko di ko na rin masyadong napanood dahil yung utak ko umoA na naman kung ano-ano naiisip ko.
mga ala-sais na ng magdecide ako na magluto na ng sinaing at sakto din naman na lumabas na siya sa kwarto niya at pumunta din dito sa kusina para uminom.
Act natural lang yung parang walang nanyaring iba kanina.
"Nga pala wag ka na magluto ng marami yung para sayo na lang lutuin mo di ba sinabi ko kanina na aalis ako. Sabi nito na pagkatapos ay inilagay na sa ref ang tubig na ininom niya wala naman nagbago dahil lagi namang siyang ganyan.
"A ah sige walang problema." nauutal kong sabi. Ano ba baka mahalata ka niya sa isip isip ko.
"sige alis na ko ikaw na bahala dito" at Pagkasabi nun ay lumabas na siya.
OA talaga ko eh!
Bago pa kung ano ano ang pumasok sa isipan ko ay nagluto na ko.Pagkatapos ko kumain at maghugas ng plato ko ay naupo na lang muna ko sa terrace nakakatamad na kasi manuod at magbasa.
"Ano kayang pwede kong gawin. ah oo nga pala hindi ko pa siya nababati kanina gawan ko kaya siya ng cake na napanood ko sa tv nung nakaraan" sabi ko sa sarili ko at pagkatapos nun ay nagdiretso na ko sa kusina para tignan kung available ba ang mga sangkap na gagamitin ko.
May mga ilang kulang pero karamihan naman nandun lang sana hindi siya magalit dahil pinakialaman ko to.
Pagkatapos ang lahat halos 2 oras din ang inabot ko sa paghihintay na maluto ang cake sa rice cooker di na ko gumamit ng oven dahil hindi ko naman alam gamitin at sa rice cooker lang naman niluto ang cake sa napanuod ko.
Pagkatapos nun ay tinunaw ko na ang mga chocolate niya sa ref lagot ako nito eh mahilig pa man din siya sa chocolate lalo na kapag nagbabasa siya.
kailangan kasi eh para may icing siya sa ibabaw at pagkatapos nun ay inayos ko na lahat ng kalat dito sa kusina.
Antok na antok na ko pero hindi pa rin siya dumadating paano kung di siya umuwi sayang naman tong ginawa ko at baka magalit pa yun sakin kung bukas niya pa to makikita.
Zachary's POV
Halos mga alas-onse na rin ng gabi ako nakauwi pagpasok ko sa loob ng condo nakita ko si jhacely na natutulog bat dito siya natutulog ?
Hindi na lang sa loob ng kwarto niya dumiretso imposible naman na nakatulog siya habang nanunuod eh hindi naman bukas ang tv baka naman hinihintay na naman ako nito.
Hayy ewan masyado na kong inaantok para alamin kung bakit at napapagod na ata talaga ko dahil hindi rin naman ako napadami ng inom sadyang nabibigatan na ko sa katawan ko at gusto ko na humiga.
Papasok na ko ng kwarto ng magising na ata siya.
"Nandito ka na pala saglit lang wag ka muna papasok may bibigay lang ako sayo." Sabi nito na mukhang excited at naglakad na papuntang kusina pero bago pa man siya makapunta doon ay nagsalita na ko.
"Bukas na lang gusto ko ng matulog" sabi ko at papasok na sana ko ng makita ko ang dala niya.
"Tadaaa!! Happy birthday to you happy birthday to you happy birthday happy biryhday happy birthday zachary" kanta nito habang hawak hawak ang cake na may kandila sa ibabaw nito at masayang nakangiti ito sakin.

YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...