Alex's POV
Halos mag-iisang buwan na pero hindi pa rin namin mahanap si ashleey. Pero ang ok dun nagkakasundo na kami ng pamilya niya dahil lagi akong nagpupunta sa kanila para malaman kung may update na pero wala pa din. si kuya jake medyo tanggap na rin ako dahil nakakatulong na niya ko sa paghahanap kay ash.
"Pagdating natin dun ipamigay mo na agad yung fliers. Seryosong sabi ni kuya jake habang nagmamaneho. Papunta kasi kami ngayon sa laguna dahil baka daw dun na nagpagala-gala si ash o may nagpatira sa kaniya.
"Sige ako na bahala. Sana naman mahanap na natin si ash." Pagaalalang sabi ko.
Hanggang makarating kami sa laguna tahimik lang kami di pa rin naman kasi kami ganung kaclose ni kuya jake.
Natapos kami sa pamimigay ng fliers maghahapon na din sinigurado talaga ni kuya jake na karamihan sa mga tao dun at mga barangay sa iba't ibang lugar sa sta.maria laguna ay nabigyan.
Walang araw na hindi ako nagalala kay ash. Pati nga sa radio station nanawagan na din ako. Gusto ko talagang makabawi sa lahat ng maling nagawa ko sa kaniya dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit na aksidente kami at nagkaamnesia siya at kung bakit nawawala siya ngayon.
"Salamat po tita tito uwi na po ako tawagan niyo lang po ako kung may kailangan kayo sa paghahanap po kay ash." Pagpapaalam ko sa mga magulang ni ash.
"Sige salamat din ijo mag-iingat ka huh wag kang mag-alala sasabihan ka na lang namin kung may update kay ash at atupagin mo muna ang pag-aaral mo." Tugon ni tita ana.
Pagdating ko naman sa bahay ay nag-asikaso na ko ng mga gamit ko para bukas my seminar kasi kami sa isang resort sa rizal.
Kinabukasan maaga kaming umalis para dahil maaga daw ang dating ng mga speaker.
Pagkatapos ng apat na oras na ilang speaker ang nagsalita naglunch na din kami at pinayagan munang maglibot-libot sa resort and suddenly bigla ko na lang naalala si ash dahil sa boses ng isang babae sa di kalayuan. She was having fun kasama ng isang lalaki.
Pero hindi ko na lang pinansin kasi imposibleng si ash yun tsaka baka sa sobrang kakaisip ko sa kaniya nagiimagine lang ako na sya yun.
Bumalik na lang ako sa room na kung saan ginaganap ang seminar namin actually pa start na ng biglang hindi ko alam kung nag-iimagine na naman ba ako pero yung babaeng dumaan sya yun bale window glass kasi yung bintana namin sa room na yun kaya makikita mo yung taong dumadaan sa labas hindi ako pwedeng magkamali si ashleey yun.
Tumakbo ako agad para hanapin at masigurado kung si ashleey ba talaga yun pero hindi ko na siya makita kung saan saan na ko nagpunta sa palibot ng resort na yun pero wala.
Hanggang sa nagtext na yung kaklase ko nagsisimula na daw kaya bumalik na lang ako.
"Bro saan ka ba pumunta? Kanina pa nagsisimula at kanina ka pa hinahanap ni sir ?" Tanong sakin ni joel pagdating ko.
"Wala akala ko kasi may nakita kong kakilala ko" tugon ko pilit na inaalis sa isipan ko si ash.
"Sino yung girlfriend mo na naman ba? Ano ka ba irelax mo nga mo na yang isipan mo tsaka imposible naman na mapunta dito yun ok. Saad nito.
Ash nasaan ka na ba? Nagkamali lang ba talaga ko kanina? Paano kung ikaw talaga yun? Sana naman mahanap na kita.
Jake's POV
Wala kaming magawa kung hindi maghintay lahat na ata ng police station sa laguna na abisuhan na namin na kung sakaling na kita nila si ashleey pakitawagan na lang kami.
Walang gabi na hindi umiiyak si mom at iniisip kung nasaan na ba si ash. May mga inutusan na rin akong mga tao para mahanap si ash maliban sa mga pulis nang mapabilis na ang paghahanap sa kaniya.
"Anak wag mo naman masyadong pagurin ang ang sarili mo sa paghahanap mo sa kapatid mo." Pag-aalala ni mom sakin.
"Tama ang mommy mo nandito naman kami at gumagawa rin ng paraan." Dagdag pa ni dad habang nagkumakain kami ng dinner.
"Ayus lang po ako mom and dad. Kaya ko pa naman po ang gusto ko lang mahanap na talaga si ash nagaalala na kasi ko ng sobra." Sagot ko.
"Kami rin naman pero wag mo naman kalimutan na anak ka din namin at nagaalala din kami sayo kamusta na ba ano ng balita?" Saad ni mom.
"Pupunta po ulit ako sa bahay nung may-ari ng nasakyan ni ash na kotse para matanong kung wala ba talaga siyang na daan kung nagpagas ba siya ganun po kasi ilang beses na kasi namin pinanood yung cctv ng hospital pero doon na lang talaga sumakay si ash at hindi naman na siya bumaba." Mahabang saad ko.
"Ganun ba sana nga at makita na natin ang kapatid niyo bukas pupunta naman ako sa mga pulis para matanong kung may update na sila." Tugon naman ni dad. Si mom naman mukhang papaiyak na naman.
"Mom naggawa rin po pala ko ng facebook page para matulungan tayo ng ibang tao para mahanap si ate mas mabilis din po kasi di ba pagnasa social media baka sakaling mapabilis ang paghahanap kay ate ash" sambit naman ni aimee.
"Maganda yan anak salamat huh at tinutulungan nyo kami ng dad niyo para mahanap na natin ang kapatid niyo." Sabi ni mom na tuluyan ng napaluha.
"Ano ka ba mom di tau pababayaan ni Lord kaya wag na kayong umiyak mahahanap din natin si ate." Masayang sabi ni aimee.
Alam kong mahahanap ka din namin ashleey.kung nasaan ka man sana ok lang.
YOU ARE READING
When GOD made You
Roman d'amourIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...