Chapter 18

26 6 0
                                    

Zachary's POV

Maaga kong nagising dahil na rin sa nakakasilaw na sikat ng araw.

Napatingin naman ako kay jhacely na ang himbing himbing pa rin ng tulog hindi ko tuloy maiwasan tumitig sa kaniya dahil sa inosenteng itsura niya ngayon.

Nang biglang gumalaw naman na siya at napabalikwas naman na ko at tumayo ayokong maabutan pa ko nito dito at baka isipin nito tinititigan ko siya. Pero actually yun naman ang totoo.

Magluluto na nga lang ako baka di pa kasi siya ok sa nanyari kagabi.
Alam ko na maaari siyang matrauma sa nanyari kaya natulog ako sa kwarto niya kagabi at gusto ko rin naman masiguro na ok siya.

katatapos ko lang maghanda ng breakfast ng magising siya.

"Goodmorning kain na" masayang sabi ko. Gusto ko kasi na kalimutan na lang ang lahat na para bang walang nanyari kagabi pero alam ko na mahirap para sa kaniya yun lalo na may pinagdadaanan pa siya na mas malaki at dumagdag pa ang nanyari kagabi.

"Wow ang aga mo. Anong meron ba't ikaw ang nagluto?" Namanghang tanong niya.

"Bakit masama bang magluto teka bahay ko kaya to kaya pwede kong gawin kahit anong gusto ko nuh" sarcastic kong sabi ayoko lang na mahalata niya na masyado pa rin akong nagaalala sa nanyari kagabi.

"bakit masyado kang defensive nagtatanong lang naman ako. Ok kainan" pang-aasar na sabi niya di na lang ako umimik at naupo na din ako.

"Ops pray muna" sabi nito bago ko pa masubo ang pagkain ko. Hay dapat pala di na lang muna to nakaalala eh.

"Ok magpray kana" madaling sabi ko at gutom na ko eh.

"Ikaw naman magpray ng matry mo naman lagi na lang ako eh" pag-angal nito.

"Ano hay dali na ikaw na" tutol na sabi ko hay ibang klase talaga tong babaeng to.

"Pagtatalunan pa ba natin to sige na zachary wag mong sabihin di ka pa marunong magpray?" Sagot nito na mukhang naiinip na.

"Osige na. Ahm God thank you po sa breakfast namin ngayon In Jesus name Amen"

"Yun naman pala eh edi kainan." masayang sabi nito. Masarap din naman pala sa pakiramdam ang magdasal bago kumain.

"Bilisan mo kumain may pupuntahan tayo" at pagkasabi ko nito ay natigilan siya sa pagkain.

"Huh saan?" Nagtatakang tanong nito.

"Sa rest house namin magtotropa tuwing sabado kasi doon ako pumupunta at gusto ko na din ipakilala ka sa kanila para madagdagab naman mga kakilala mo. Wag ka magalala mababait yun mga yun babaero nga lang pero hindi sila katulad ng mga hayop na yun kagabi." Paninigurado kong sabi sa kaniya.

"Baka naman hindi ko mabagayan yang mga kaibigan mo" pagaalalang tanong nito.

"Dont worry makukulit yung mga yun at hindi ka maboboring ok kaya pagkatapos mo diyan magayos ka na ng sarili mo maliligo lang ako" sabi ko at dumiretso na ko sa kwarto ko.

Pagbaba ko mabuti naman at handa na siya kaya dumiretso na kami sa kotse.

" Nandito na tayo. Lets go" excited na sabi ko alam ko magiging masaya siya sa mga kakulitan ng mga to at sana maibsan na yung takot na nanyari sa kaniya kagabi.

Pagpasok namin sinalubong naman kaagad kami ni jacob. Isa mga malakas mambola samin at mahilig talaga sa babae.

"Ui zachary. Pakilala mo naman kami" papoging sabi ni jacob.

"Sira ka talaga. Ahm jhacely si jacob pala isa sa mga pinakababaero saming magtotropa." Pang-asar na sabi ko at halatang nagulat siya sa sinabi ko.

When GOD made YouWhere stories live. Discover now