Alex's POV
Hindi ko talaga makalimutan yung araw na yun,bakit hindi ako maalala ni ash ano bang nanyari sa kanya.
Paulit ulit kong tanong sa sarili ko habang umiinom sa bar.
"Kailangan ko malaman ang totoo"sabi ko sa sarili at dali daling tumayo at nagdrive papunta sa bahay nila dina.
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay nila dina ay nagdoorbell agad ako.
"Dina nandyan ka ba? ako to si alex!!" sigaw na sabi ko hindi na talaga ako mapalagay.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni dina sakin habang binubuksan ang gate nila.
"Gusto ko lang malaman kung ano ba talagang nanyari kay ash bakit di niya ako maalala pakana ba to ng pamilya niya?" Sabi ko na gulong gulo na.
"Talagang wala kang alam? Di ba naaksidente kayo at dahil doon nagkaamnesia si ashleey at ngayon nawawala pa dahil sa kagagawan mo bakit ba kasi na kilala ka pa ng bestfriend ko eh!" maluha luha nitong sabi.
"Ano nawawala si ash?" Tanong na pawang di pumasok sa utak ko ang sinabi niya.
"Di mo ba narinig nawawala siya! nagkamali siya ng sakay na kotse at hindi na alam nila tita kung nasaan na siya ngayon paano na to?" Umiiyak na na sabi nito.
"What! Kailangan kong pumunta sa kanila maiwan na kita salamat." Sabi ko at dali dali ng umalis.
Pagkababa ko sa kotse nagdali dali ako sa pagdoorbell.
"Sir sino po kayo anong kailangan niyo?" Sabi ng guard sa akin.
"Ako si alex vasquez paki sabi kailangan ko sila makausap please" pagmamakaawa kong sabi dito.
"Sige po diyan na muna kayo" sabi nito sakin.
Mga ilang minuto ang lumipas at si kuya jake na ang lumabas.
"Anong ginagawa mo dito?! kung mangugulo ka lang umalis ka na." Seryosong sabi ni kuya jake.
"Gusto ko lang kausapin kayo nagmamakaawa ako please hayaan niyong tumulong ako sa paghahanap kay ash" pagmamakaawa kong sabi.
"Jake sino ba yan?" Sabi ni tita ana na lumabas na rin ng gate kasabay si tito richard.
"Tito,tita nakikiusap po ako sa inyo hayaan niyo po akong tumulong na mahanapsi ash at I promise na pagnakita na siya magbabago na ko." Desperate na sabi ko.
" tsk sinasabi mo lang yan, wala kaming panahon para sa mga ganyang bagay sa ngayon ang concern namin si ash" sabi ni kuya jake na tinalikuran na ako
"Jake wag kang ganyan lets give him a chance ok pagbibigyan kita tumulong at kung mahanap na si ash agad ay di kita pipigilan lumapit sa kanya pero maging mabuting halimbawa ka sa kaniya pero wag din sana ito ang maging dahilan para maapektuhan ang pag-aaral mo at sarili mong buhay. Tugon sa akin ni tita ana.
"Opo tita pangako po salamat po talaga" masayang sambit ko sa kanila.
"Siguraduhin mo lang ijo dahil kung hindi, maghiwalay na lang kayo ng anak ko" seryosong sabi ni tito richard at pumasok na sa loob.
"Thank you po sinsigurado ko po sa inyo" sagot ko.
"Hindi ka ba muna papasok sa loob ?" Tanong sa akin ni tita ana.
"Hindi na po salamat na lang po. Maghahanap na po ko kaagad kay ash nagaalala na din po ako eh. Tugon ko at pumasok na sa loob ng kotse at pinagan na ito
"Magiingat ka" sabi ni tita ana na bakas pa din ang kalungkutan sa mukha.
Wag po kayo magalala hahanapin ko si ash.
Jake's POV
Kakauwi ko lang galing police station para matrack ang kotse na sinakyan ni ash pero baka bukas pa nila masasabi kung saan nagtungo ang kotse na ito.
Halos di na mapakali sila mom at dad kahit naman ako eh paano kung nasidikado na ang kapatid ko maganda pa naman yun syempre kapatid niya ko eh ank ba ito nakakapagisip pa ko ng ganito puro problema na nga my amnesia pa siya saan na siya pupulitin nito.
Nakakafrustrate hayy. Habang nakaupo ako sa sofa sa sobrang stress ay tinawag naman ako ng guard namin at may tao daw sa labas.
Pagkalabas ko siya na naman pala ang adik na boyfriend ng kapatid ko.
Sandali pa lang kami naguusap ay lumabas na din sila mom at dad.
Hinayaan ko na lang sila magusap at umalis na ko. Wala kong oras para Bigyan ng chance yang lalaki na yan wala ko sa mood para gawin yan bahala na kayo mom.
Kaya ko naman hanapin ang kapatid ko hindi na kailangan pa ng tulong niya.
Kinabukasan may tumawag galing police station at nahanap na nila kung saang nakatira ang lalaki na may ari ng kotse.
Dali dali akong nagpunta doon at sinamahan ako pumunta ng isang pulis sa laguna kung saan nandoon ang kotse na sinakyan ni ash.
Sana lang talaga ay ayus naman ang kapatid ko sana.
Matagal ang binayahe naman papunta doon at ng makarating kami ay agad akong kumatok sa bahay na sinasabi ng pulis na kasama ko.
Lumabas ang isang lalaki na sigurado ako na siya ang nagmamaneho ng kotse na sinakyan ni ash.
"Sir excuse me lang po may nakita po ba kayong babae na ka sakay sa kotse niyo kahapon lang pagkarating niyo dito sa bahay niyo.?" Tanong ng pulis sa lalaking kaharap namin.
"Ay sir wala po akong napansin tuloy tuloy po ang biyahe ko hanggang sa makarating ako dito pero wala naman ako napansin. tignan niyo pa po ang kotse ko" pagpapaliwanag nito sabay bukas ng gate at kasabay rin nun ang pagpasok namin.
"Sigurado po ba kayo?" Sabi ko na nagdududa.
"Sir sigurado po ako wala po talaga at hindi rin po ako masamang tao para magsinungaling kahit tignan niyo pa po ang bahay ko. Sabi ng lalaki.
"Sige kuya para makasigurado" sabi ko siya na rin naman ang naginsist eh.
pumasok na rin kami at halos lahat na ng sulok ng bahay nito ay napasok na namin ngunit wala talaga.
"Salamat po sir pasensya na ulit" sabi ko. Pumasok na rin kami ng pulis sa kotse at pinaandar niya na ito.
"Paano nanyari yun baka naman nagkamali tayo?" Tanong ko.
"Pero sir di ba sabi mo tama naman ang plate number hindi kaya lumabas sa kotse ang kapatid niyo nung nagstop over siya." Sabi nito
"Pero hindi nga siya nagstop over di ba?" Tugon ko.
"Hindi rin naman tayo nakakasiguro sir wag po kayo magalala hahanapin po namin ang kapatid niyo." Sambit nito.
paguwi ko sa bahay iyak ng iyak si mom sa balita na sinabi ko at nagtataka naman si dad sa nanyari kahit naman ako sobrang nagaalala sa nanyari.
Nasaan ka na ba ash.Sana ok ka lang.
YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...