Nagising ako dahil sa narinig kong kalabog galing ata sa kusina kaya dali-dali na kong bumangon para tignan kung ano ba yun.
"Oh anong nanyari?" Tanong ko kay zachary na kakadampot lang ng spatula sa sahig.
"Nalaglag ko lang to oh see?" Sagot ni zachary.
"Ba't ang aga mo ata gumising ngayon?" Tanong ko kay zachary habang busy sa pagpiprito ng ham.
"Wala gusto ko lang magluto"sabi nito.
"Aba himala" sagot ko.
"umupo ka na lang kaya at hintayin akong matapos." Sabi niya na nakapokus pa rin sa ginagawa niya.
Pinapanuod ko lang siya habang nagluluto siya. Yung tipong bagay na bagay sa kaniya yung apron dahil ang sexy niyang tignan dun. Isabay mo pa ang pagngiti niya sakin na parang pinagmamalaki ang ginagawa niya.
Wag mo nga kong ngitian ng ganyan zachary ginugulo mo na naman tong puso ko eh
Luh ano ba tong pinagsasabi ko.
Lagi ka naman niyang nginingitian ah tumigil ka nga hearty.
"Oh! eto na madam" sabi nito na hindi ko na napansin na nilapag na na pala niya ang mga niluto niya sa harapan ko dahil sa masyadong pag-iisip ko.
"Wow let's eat" excited kong sabi dahil mukhang masarap ang niluto niyang pancake.
"Ops pray muna aba" pigil niya sakin.
Oo nga pala ano ba yan sorry Lord na excite lang po.
At nanalangin na siya natuwa naman ako dahil medyo natututo na tong si zachary.
"Ba't ang lapad ng ngiti mo diyan huh?" Tanong nito dahil hindi ko naman namalayan na sobra na pala ko nasisiyahan.
"Syempre masarap ..ayaw mo ba?" Sagot ko. Nakita ko naman na namula ang tenga niya dahil sa sinabi ko at parang bahagya siyang napangiti.
"Ah ganun sige kumain ka pa" alok niya pa sakin.
Ano naman kaya ang nakain ng isang to at bakit biglang bumait.
"Why are you staring at me like that?" usisang tanong nito at nilapit pa ang mukha sakin.
Ano ba zachary OA ka naman.
"Wala! Hindi ka pa ba mal-late niyan." Tumingin naman siya sa orasan at buti naman at mukhang maleleyt na ata talaga siya.
Hindi ko alam pero medyo naiilang na talaga ko kay zachary sa kinikilos niya ngayon.
Tumayo na siya at kinuha na ang bag niya at bigla na lang niyang hinalikan ang Noo ko.
"Bye jhace see you later" masayang sabi niya.
Pagkasara niya ng pinto naiwan naman ako na napatulala sa ginawa niya at ang bilis bilis na naman ng tibok ng puso ko.
Ang weird niya ngayon bakit ganun siya.
At narinig ko naman ang phone ko Na may tumatawag? nasa kwarto niya nanggagaling ang tunog.
Hay salamat iniwan niya pala.
"Buti iniwan mo ba't ka pala napatawag" masayang sabi ko pagkasagot ko ng tawag niya.
It's zachary.
"Malamang para malaman mo na iniwan ko yung phone mo" sarcastic niyang sabi.
Hay shunga ka talaga. ito kasing utak ko di pa rin makamove on sa nanyari kanina.
"Oo nga pala nuh." Pasimple kong sagot at lumabas na rin ako ng kwarto niya.
"Nandito na pala ko sa iskul. Sige na babye na" paalam nito pero hindi pa rin nae-end ang tawag.
YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...