Chapter 13

26 6 0
                                    

Ashleey/jhacely's POV

Naiwan akong nakatunganga matapos niya akong yakapin.Hindi ko naman kasi akalain na gagawin niya yun sobrang bilis tuloy ng tibok ng puso ko kaasar "ano ka ba kalma lang inhale exhale." Sambit ko wala lang yun nagpasalamat lang.

Naalala ko na naman yung itsura niya kanina. Sa totoo lang habang nagkwekwento siya kanina gusto kong malaman kung sino ba yung babaeng nakipaghiwalay sa kaniya anong nanyari sa kaniya matapos silang maghiwalay.

Lahat ng tanong na yun gusto kong ilabas sa bibig ko pero hindi ba ang panget na magemote ka sa birthday mo kaya naglakas loob na lang ako na gawin yun at buti na lang di siya nagalit.

Hindi na rin masama at maayos ayos naman pala ang ugali ng lalaking yun may pinagdadaanan lang pala kaya ganun.

Kinabukasan ganoon ulit daily routine. Pagkaluto ko ay papasok na sana ko sa kwarto ko para hindi na siya maistorbo ng saktong lumabas na rin siya.

"Goodmorning" bati nito na medyo antok pa pero nakangiti naman. Himala bumati ang loko.

"Ah goodmorning din kumain ka na. Nakapagluto na ko" tugon ko at papasok na sana ko ng kwarto ng muling nagsalita siya.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito habang nagsasandok ng pagkain niya.

"Hindi pa mamaya na pagkatapos mo diba lagi naman ganoon " sagot ko.

"Sumabay ka na mahirap kasing kumain magisa" sabi nito.

"Sanay ka naman na magisa kumain ah" saad ko na nakatayo pa rin sa labas ng kwarto ko. Anong nanyari dito at gusto na may kasabay.

"Hindi dahil sa gusto ko kitang kasabay nabasa ko kasi sa facebook na hindi pala maganda sa tao na walang kasabay sa pagkain na aapektuhan ang kalusugan niya." Pagpapaliwanag nito na patuloy parin sa pagkain.

"Bat nagpapaliwanag ka. wala naman akong sinabi na iba ah." patawa tawa kong sabi at umupo na din ako sa harap niya.

"Kung ayaw mo kumain edi wag concern lang ako sa health mo di ba may amnesia ka nawalan na ko ng ganang kumain bahala ka na nga" asar na sabi nito at umakyat na sa kwarto niya.

"hoy di ba sabi mo masamang kumain mag-isa bat iniwan mo ko" pang-asar ko.

"NEVER MIND !!!" malakas na sigaw nito.

Abnormal talaga yun. May ganoon pala ngayon ko lang nalaman yun ah o baka naman pinagloloko lang ako ng lalaking yun gusto lang talaga ko kasama kumain may maapektuhan apektuhan pang nalalaman sa health.

Hayy abnormal din ako eh wag ka ngang umasa na ganoon ang nasaisip ng taong yun health nga di ba.

Pagkatapos kung maghugas ay saktong bumaba na rin siya mukhang bad mood parin siya kaya pumasok na lang ako ng kwarto at umalis na din siya.

Dumaan ang maghapon na ganoon pa din ang ginawa ko mga 5 oc lock ng dumating siya sa condo nito. himala nga at ang aga ng uwi niya ngayon hindi pa nga ko nakakaluto eh, wala atang gimik ang mahal na prinsipe.

"bakit ang aga mong umuwi ngayon may nanyari ba?" Tanong ko na hindi man lang dumapo ang tingin ko sa kaniya ng pumasok siya at patuloy pa rin ako sa panonood.

Bago pa man siya magsalita ay umupo na siya sa tabing coach ng inuupuan ko.

"Bakit mo tinatanong eh condo ko naman to pwede kong umuwi kahit anong oras ko gustuhin" masungit na sabi nito.

taray kala mo kung sino. finE! hindi na ko magtatanong sa sususnod sa isip sip ko.

"nagtatanong lang po" tugon ko at tumayo na ko para iwan na sana siya nagmagsalita na naman ito.

When GOD made YouWhere stories live. Discover now