Ashleey's/jhacely's POV
Maaga akong nagising at nagluto ng breakfast namin dahil nga may roadtrip kami ngayon.
Bago pa man ako matapos maghanda bumaba na ang mahal na prinsipe.
"Breakfast is ready sir." Excited kong sabi. At siya na man ay umupo na din.
"masyado ka atang excited ngayon jhacely." Pang-aasar na sabi nito.
"Bakit hindi eh makakagala ako ngayon di ba sabi mo may roadtrip." Sabi ko sa kaniya na sobrang lapad ng ngiti.
"Sinabi ko ba yun? Parang wala naman akong matandaan alam ko may pupuntahan nga ako ngayon." Maang-maangang sabi nito. At inarapan ko naman siya at sinamaan ng tingin.
"Ok sabi mo eh hindi pala ko dapat umasa sa katulad mo" inis kong sabi.
"Hahahahaha! Nagbibiro lang ako sorry na" tawang tawang sabi nito. At ako naman ay masama pa rin ang tingin sa kaniya gusto ko na talagang tirisin to eh.
"Ang aga aga napasaya mo na agad ako Ms. Sungit. Peace na nagbibiro lang ako " pacute na sabi pa nito. Oo na cute ka na.
"Nga pala san ba tayo pupunta?" Tanong ko kasi naman di pa nito sinasabi kung saan eh.
"Parteng rizal wag ka ng mag-alala maganda doon sa pupuntahan natin suprise na lang" nakangiting sabi nito.
Pagkatapos namin magayos eto na nagbiyahe na kami yes nakalabas din dapat pala lagi akong magpaaway sa lalaking to eh para makalabas labas na ako.
"Matulog ka muna kung gusto medyo matagal tagal pa biyahe natin." Sabi niya habang nagmamaneho.
"Roadtrip nga tas papatulugin mo ko tsaka ngayon na nga lang ako makakagala eh" angal ko habang patingin tingin sa tanawin sa labas ng bintana ng kotse.
"Edi wag " masungit na sabi nito.
"Magdrive thru muna tayo para hindi tayo magutom habang na biyahe saan mo gusto?" Tanong nito sakin.
"pwede ba sa jollibee tayo parang kasing masarap yung sundae nila tapos fries tapos burger hindi ko kasi matandaan kung nakakain na ba ko dun pero gusto ko matry" nakangiting sabi ko dito.
"Kawawa ka naman pala takam na takam ka na siguro sa condo sa twing nagpapatalastas ang jollibee nuh" pang-aasar na sabi nito. Edi ikaw na nakakain sa jollibee yabang neto.
"Hehe sorry ah nawalan kasi ko ng memorya" sarcastic kong sabi at siya naman ay tumawa lang.
Matapos namin umorder sa drive thru nagpatuloy na kami sa pagbibiyahe. Haha at marami nga siyang inorder at yung lang nakakatuwa dito sa lalaking to mahilig manlibre.
"Alam mo hindi ka naman pala ganung kasama ang ugali. Mabait ka din naman pala mahal na prinsipe" sarcastic kong sabi at habang nilalantakan ko na ang fries na hawak ko. Sarap!
"Binilhan lang kita niyan kung ano ano ng pambobola ang sinasabi mo ah tsaka ngayon mo lang talaga narealize na mabait ako eh ano palang tawag mo sa pagpapatira kong ginawa sayo sa condo ko huh at sa pagpapakain ko sayo. Masungit nito.
"Sorry na sir sabi ko nga eh ikaw na ang pinakamabait na nakilala ko sa earth" pang-aasar na sabi ko dito. At naningkit naman lalo ang mga mata nito. Hayy kundi ka lang talaga gwapo. Ano daw kung ano ano na naman naiisip ng utak kong to imbis na lumandi ka itry mo na lang kaya makaalala nuh.
"Gusto mo? " pagaalok ko sa kinakain ko nakakahiya naman sa kaniya eh.
"No thanks" sabi nito na diretso pa din ang tingin sa daan. Paenglish english pa eh nuh.
YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...