Jake's POV
Almost 1 o clock in the morning na ng magdecide ako iligpit na ang mga paper works ko, bago ko pa man mailigpit lahat ng mga ito biglang may tumawag sa akin.
"Hello who's this?" Tanong ko sa tumawag sakin
"Hello sir kapatid nyo po ba si ashleey nicole lopez? sinugod po siya dito ngayon sa Manila Doctors Hospital isa po ko sa nurse sa hospital na ito nais ko lang po iinform ang kamag-anak ng pasyente" nagmamadaling sabi sakin ng nurse na kausap ko."Yeah yeah kapatid ko nga siya.pupunta na ko kaagad diyan kamusta ang lagay niya?" Sabi ko sa nurse na kausap ko sa cellphone na halos sobra sobra na ang nerbyos.
"Nasa emergency room po siya ngayon kasama din ang isang lalaki din na sinugod kasama niya I will tell you the truth sir malala po ang kondisyon ng kapatid nyo" Sagot sa akin nito.
"T-thank you thank you bye" paalam ko sa kausap ko.
Halos di ko na alam ang gagawin ko sa narinig ko kahit na ganoon katigas ang ulo ng kapatid kong yun I dont want to lose her.
Agad kong pinuntahan sila mom and dad sa kwarto nila.nilakasan ko na ang katok ko para magising sila agad.
" What's happening jake?" Sabi sa akin ni dad na medyo antok pa si mom naman ay hindi na tumayo at naghihintay na lang ng sasabihin ko.
"Si ashleey na..nasa hospital siya ngayon at critical ang lagay niya dad we need to go there now" nauutal na sabi ko dahil na din sa pagkabigla.
"What?! Hon lets go! sabi ni dad na nagbihis agad at si mom naman ay natulala ng sandali pero bumangon din agad at ako naman ay inihanda na ang kotse.
Pagdating namin sa hospital dali dali kami pumunta kung nasaan si ashleey at isang nurse lang ang sumalubong sa amin.
"You must be the parents of ms.ashleey Nicole Lopez. Sabi ng nurse kila dad.
"Yeah kami nga iyon kamusta na siya" tanong ni dad.
"Nasa loob po siya ng emergency room ngayon at critical ang kondisyon niya hintayin na lang po natin lumabas ang doctor umupo muna kayo dito." Sagot ng nurse sa amin.
"Ok thank you" tugon naman ni Dad at umupo na kami sabay sabay sa upuan tabi ng kwarto kung saan ginagawa ang operasyon.
"Ang anak ko" iyak na sabi ni mom.habang yakap yakap siya ni dad.
"Dont worry ..manalig lang tayo at magtiwala sa Diyos at siya na ang bahala sa ating anak. Sabi ni dad kay mom na sobra ng umiiyak at nagaalala.
Habang ako nakikinig lang sa kanila at nanalangin.Panginoon wag niyo po na kunin sa amin ang kapatid ko give her another chance at gagawin ko ang lahat para magbago na ang kapatid mahal ko po ang kapatid ko hindi ko gusto na mawala siya.
Almost 2 hours din ang tinagal at lumabas na ang doctor. Napatayo kaming lahat at hinihintay ang sasabihin ng doctor.
"Kayo po ba ang magulang ng pasyente?" Tanong ni Doc
"Yes kami nga kamusta na po siya Doc?" Sabi ni Dad.
"Stable na ang lagay niya pero ipagdasal pa rin natin na sana hindi siya macoma upang hindi na lumalala pa ang lagay niya I hope din na magising na siya bukas ipapalipat ko na lang po siya sa ICU para mabantayan ng lubos ang lagay niya." Tugon ng Doctor sa amin.
"Salamat Doc" sabay na sabi ni mom and dad.
"By the way po ako si Dr.Cristobal" pagpapakilala niya at umalis na din siya."salamat po Lord" sabi ni mom na tuwa na din kahit na di pa rin masyadong maayos ang lagay ni ash.
Para din naman sa akin malaki ng pagasa ito salamat talaga sa Panginoon sana po talaga magising na si Ash.
Lumipas na ang halos 24 hours na ganoon pa din ang lagay ni ashleey.sobra din ang pagaalala ni aimee kay ash lalo pat nalaman niya ang nanyari kay ash ay pagkauwi niya lang nun sa iskul di ko na rin sinabi agad para di na rin mangulit na siya na ang magbantay. Sabi ng doctor paghindi pa nagising si ash after 48 hours ay idideklara na siyang na sa state of coma na sana hindi mangyari.
Magisa ko ngayon na nagbabantay kay ash dahil pinauwi ko muna sila mom para makapagayos ng sarili.
"Ash please gumising ka na I promise hindi na kita pagagalitan lagi just promise na gigising ka na hey" sabi ko na naiiyak na habang hawak ang kanang kamay niya.

YOU ARE READING
When GOD made You
RomanceIstorya ito ng babaeng sumulpot na lang bigla sa harap ng pintuan ng condo ng isang arogante mayaman na lalaki at sinasabi niya na may amnesia daw siya at wala na siya matutuluyan. ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? haha sana magustuhan ni...